PAYAK NA PAGSULAT NG AGHAM AT TEKNOLOHIYA PARA MAS MARAMING MAKA UNAWA

simplifying science media workshop

PAYAK NA PAGSULAT NG AGHAM AT TEKNOLOHIYA PARA MAS MARAMING MAKA UNAWA

Lungsod ng Maynila, Pilipinas-NAPAKAHIRAP unawain ang agham at teknolohiya, para sa ilan nga ay lubhang makadugo ng ilong ang asignatura o disiplinang ito.
Dahil sa suliraning hindi maibaba ang mahalagang mga impormasyon ukol sa agham at teknolohiya hanggang sa pinaka laylayan ng lipunan, nagtulungan ang dalawang pangunahing ahensya ng gobyerno at pribadong sektor upang solusyunan ang nasabing suliranin.
Pinangunahan ng Science and Technology Information Institute ng Department of Science and Technology, sa bahagi ng Gobyerno katuwang ang National Press Club of the Philippines, Pribadong grupo ng mga mamamahayag sa pahayagan, radyo at telebisyon sa bansa ang isang Media Training Workshop.
Layunin ay gawing payak ang pagkaunawa sa agham at teknolohiya sa mismong mga propesyunal at working journalist naglahad ng kani kanilang mga tinalakay na karanasan at karunungan ang mga naging tagapagsalita kabilang si DOST Sec Fortunato T. dela Pena, NPC President Rolando Gonzalo at STII Director Richard Burgos.
Upang tunay na mapatunayan ng tao na ang kanilang gobyerno ay gumagawa para sa kanila, kailangang madama ng mga mamamayan ang mga ginagawa ng gobyerno lalo ukol sa agham at teknolohiya na lubhang napaka halaga para sa ika uunlad ng bayan.
Bukod sa mga miyembro ng Philippine Science Journalist Mega Manila Chapter at ng National Press Club kasama rin ang mga staff ng STII at mga nagwagi sa nakaraang Bantog Awards na pinangunahan ng kagawaran.///michael balaguer, 09333816694, michaelbalaguer@diaryongtagalog.net