PCSO kabalikat ang PNP kontra giyera sa illegal number games
MAKIKIPAGTULUNGAN ang pamunuan ng Philippine Charity Sweepstakes Office (PCSO) sa Philippine National Police (PNP)na siyang ituturing bilang pangunahing ahensyang tagapagpatupad ng batas sa isang itinuturing na pambansang digmaan kontra illegal na sugal kung saan gagamitin ang Small Town Lottery (STL)sa agresibo at pinaigting na kampanya nang Pangulong Rodrigo Roa Duterte laban sa pagnanakaw sa gobyerno ayon ito sa pahayag ng PCSO Chairman Jose Jorge Corpuz.
Pahayag nang Chairman, nakipagkita umano siya kay PNP Director General Ronald Bato Dela Rosa sa kampo Crame sa lungsod Quezon nitong nakaraang martes upang talakayin ang digmaan ng gobyerno kontra iligal na sugal kaalinsabay ng paglulunsad ng PCSO sponsored expanded STL operations sa bansa.
Kabilang rin sa nasabing pagpupulong ay si PCSO General Manager Alexander Balutan na mangunguna sa crackdown sa lahat ng operasyon nang iligal na sugal gamit ang STL bilang front.
Huwag nating bibiguin an gating pangulo, wika ni Corpuz kay Dela Rosa. Nabanggit niyang inaprubahan ng PCSO ang 38 na bagong korporasyon na karagdagan sa 18 kasalukuyang nag o-operate na otorisadong korporasyon.
Maliban sa lotto at iba pang produktong laro ng PCSO ang magiging legal na number game sa bansa ay ang STL ayon kay Corpuz; dagdag naman ni Balutan naopisyal na ilulunsad ng PCSO ang Expanded STL Operation ngayong January 24 sa Malacanang na susundan ng media briefing na gaganapin sa January 31.
Lahat ng 56 STL Authorized Agent Corporation ay magsisimula ngayong February 1. Ayon sa PCSO may malinaw na direktiba sa kanila ang Pangulo na kailangang maging legal ang STL sa bansa at walang mag o-operate nito ng illegal. Kaagapay ang PNP, National Bureau of Investigation (NBI) at Armed Forces of the Philippines (AFP), tulong tulong ang mga ito upang sundin ang tagubilin ng Pangulo.
Inaasahang makali likha ng bilyong pisong revenue para sa gobyerno ang operasyon ng Expanded STL na gagamitin ng Duterte Administration upang ipambili ng mga gamut na ipamamahagi ng publiko ng walang bayad.
Titiyakin ng PCSO na magiging seryoso ang kanilang kampanya upang walisin ang illegal number games sa bansa na may kaugnayan sa STL. Sa nasabing pulong din ay sinabihan ng PCSO Chair ang PNP Chief na utusan ang kanyang mga tauhan sa ibaba na arestuhin ang mga gambling lords at ang mga kasabwat nang mga ito na nag o-operate ng Peryahan ng Bayan, Sakla, Jueteng, Last two, Bookies atbp. Ayon naman sa PNP, suportado nila ang giyera kontra iligal na sugal at may utos na rin sa kanila ang Pangulo na suportahan ang PCSO sa pamamagitan ng nilkhang Project Double Barrel laban sa illegal Gambling at Oplan Tokhang sa illegal Gambling gamit ang parehong paraan na ginagawa nila sa pagsugpo sa droga.///Michael Balaguer
————————————————————————-
PCSO isasa-legal ang mga illegal number games
Mandaluyong City- TAGUBILIN nang Pangulong Rodrigo Roa Duterte na hikayating magsa legal ang lahat ng mga nag o-operate ng illegal number games sa bansa at iniutos niya ito na pangunahan ng Philippine Charity Sweepstakes office (PCSO).
Sa naging panayam ng www.diaryongtagalog.net kay PCSO General Manager Alexander Balutan kamakailan, upang matulungang makapag generate ng pondong maitutulong sa mga suliraning medikal ng ating mga kababayang humihingi ng tulong sa ahensya,
Inatasan ng Pangulo ang PCSO hikayating magsa legal ang mga nag o-operate ng Jueteng, Masyaw, Suertres at mga Bukis sa pibat-ibang bahagi ng bansa at pumaloob sa STL o Small Town Lottery.
Napag alamang may 18 nang existing STL operators sa bansa a t ngayon nga nang buksan ng PCSO sa publiko ang pag grant ng franchise ay may 224 na kumpanya ang nakibahagi na masusi nilang inimbistigahan kung may kapasidad na mag operate at sa kanilang imbestigasyon ay lumabas ang 56 na nakapasa at nakatakdang isa publiko ng ahensya sa mga susunod na araw.
Hindi pinipigilan ng gobyerno ang mga mamamayan na makibahagi o mag avail ng prankisa ng mga PCSO games gaya ng sweepstakes, lotto o STL kaya ayon kay GM ay niribissa nila ang kanilang Implementing Rules and regulations (IRR).
Dagdag pa ni GM, ang mahuhuling gumagawa pa ng illegal sa kabila nang pumaloob na sa legal na number games ay agad na tatanggalan ng prangkisa. Nabanggit rin niya ang dati ay “peryaan ng Bayan” isang game na dati ay sa PCSO ngunit ngayon ay illegal na.
May mga MOA din ang PCSO sa mga pulis, DILG atbp sektor na magmamatyag sa mga mag o-operate ng ilegal at ayon sa PCSO isang mabuting kaugalian ang tangkilikin ang mga games ng kanilang ahensya gaya ng pagtaya sa sweepstakes, lotto atbp dahil bahagi nito ay nakatutulong ng malaki sa pangangailangang medikal ng ating mga kababayang kapuspalad at salat sa kakayahang pinansyal./// michael balaguer
——————————————————–
PCSO palalakasin ang sweepstakes
“Ang umaayaw ay hindi nagwawagi at ang Nagwawagi ay hindi umaayaw” ito ang dating tagline ng PCSO noon ukol sa promosyon ukol sa pagtaya sa sweepstakes na lubhang pumatok sa ating mga kababayan at nagbigay ng lakas ng loob at positibong pananaw.
Masyadong hitik sa pamahiin ang ating mga kababayan at pati sa mga PCSO games ay kanila itong dinadala, gaya hanggang ngayon sa kanayunan bagaman hindi na ganoon kalakas ang benta ng sweepstakes ay naniniwala pa rin ang marami sa mga panaginip na may katumbas na numerong kanilang itataya sa nasabing laro.
Sa kabila nang marami sa mga ito ay sablay, may ilan naman na nakaka chamba at nagwawagi at nagiging kabilang sa mga instant milyunaryo ng bayan.
Sa naging panayam ng www.diaryongtagalog.net kay General Manager Alexander Balutan ng Philippine Charity Sweepstakes Office sa kanilang punong tanggapan sa Mandaluyong City, kanyang inamin na tila humuhupa na ang kinang ng sweepstakes at napalitan ito ng lotto in terms of revenue generation, mahina at kailangang palakasin ang tradisyunal na larong nagre representa sa ahensyang nasa ilalim ng tanggapan ng pangulo nang Pilipinas./// mary jane olvina-balaguer
———————————————————–