PhilAAST at 71 tinutukan at pinag usapan ang mga napapanahong suliranin

PhilAAST at 71 Dives into the current problems of our time

Ang  Philippine Association for the Advancement in Science and Technology (PhilAAST) katuwang ang National Academy of Science and Technology Philippines (NAST) at ang Department of Science and Technology (DOST) ay magkakasamang nanguna sa pagtalakay ukol sa mga napapanahong suliranin na kasabay ng kanilang 71st Convention na ginanap sa  makasaysayang Manila Hotel kahapon September 9 2022.

Dinaluhan ng mga dalubhasa sa akademya, negosyo, gobyerno at komunidad ng agham ng bansa ang aktibidad na kung saan nag imbita rin ng mga dating lider sa ibat-ibang disiplina habang ang iba naman ay mga naging pinuno ng mga kagawaran at sa pagkakataong ito naman ay naimbitahan ang publikasyong ito ng Industrial Technology Development Institute (ITDI) isa sa mga ahensyang nasa ilalim ng Department of science and Technology (DOST).

Mga entreprenyur kabilang si Ms. Robina Gokongwei-Pe ay kabilang sa mga imbitado lalo at kapwa sila nag awtor ng aklat kasama niya si dating kalihim ng Department of Science and Technology (DOST) Prof. Fortunato T. de la Pena kung saan ay tumatalakay ng kaugnayan ng agham sa negosyo. Pinangunahan ni Dr. Diana L. Ignacio the PHILAAST President and DOST Asst. Secretary for Administrative and Legal Affairs  ang convention kasama si Dr. Renato U. Solidum ang kasalukuyang kalihim ng Department of Science and Technology Secretary habang ang mga representante ng National Academy of Science and Technology Philippines’ (NAST) na sina Luningning Samarita-Domingo at Dr. Alvin Culaba ay kapwa nakibahagi rin.

Food Security, Governance at Entrepreneurship ang pangunahing inikutan ng mga pagtalakay dahil food security kung bakit ang President Ferdinand Bongbong Romualdez Marcos Jr. ang kalihim ngayon ng Department of Agriculture layong dalhin ang bansa bilang isang bansang hindi na magugutom bago matapos ang kanyang termino, governance dahil hindi nararamdaman ng President na ang  ating Agriculture Department ay hindi maka agham o walang agham kung saan isang kabalintunaan dahil napakaraming dalubhasa sa agrikultura sa ating kagawaran at entrepreneurship dahil kailangan na marahil ng mamamayan na magbago ng isip na ang tunay na daan upang yumaman ay hindi para mangamuhan kundi para maging trabahador ka sa kumpanyang ikaw rin ang amo.

Humigit kumulang ito ang gist ng aktibidad na umikot s kanilang tema na accelerating transformation for sustainable development through science technology and innovation o sa pagkaka unawa ng karaniwang mamamayan ay ang paglalagay ng biyaya ng agham sa ating pang araw araw na buhay upang ang mga bagay na mahirap gawin ay maging madali.

Ang aktibidad ay kinober din ng mga mamamahayag virtually upang maiwasan ang pag pasok ng mga hindi naman inimbitahang mga bisita habang pakiramdam naman ng ilang miyembro ng press na mas maigi ang on-sight coverage sa dahilang marami na ang mga ahensya ng gobyerno at mga kagawaran na  may mga face to face interactions kasama ang mga press gaya ng Department of Agriculture (DA), Department of Agrarian Reform (DAR), the Anti-Red tape Authority (ARTA), Department of Public Works and Highways (DPWH), Department of Transportation (DOTr), Department of Health (DOH), National Commission for Culture and the Arts (NCCA) at ang Department of Social Welfare and Development (DSWD).

Habang ang bayan ay kasalukuyan pa ring nasa pandemic kailangan pa rin nating sundin ang minimum health protocols na dapat lagging magsuot ng facemask ngunit ang suhestiyon ng ilang mga miyembro ng press na mas maigi pa rin ang people to people exchanges and face to face engagements sa napaka halagang usapin gaya ng agham na mag maibabahagi sa lahat ang tungkol ditto ng magkakaharap dahil hindi naman ganoon kabilis an gating imprastruktura sa internet. ///Michael balaguer, 09262261791, konekted@diaryongtagalog.net at michaelbalaguer@yahoo.co.uk