PHILHEALTH RVP ORDAINED AS DATU SALIMBANGON BY THE TRIBES OF BUKIDNON

PHILHEALTH 10 IN CDO MARKED A LOVELY ANNIVERSARY CELEBRATION

CAGAYAN DE ORO CITY, PHILIPPINES-ISANG malaking karangalan sa isang lider ang gawaran ng titulo ng kalipunan ang mga pinuno ng mga katutubo dahil ibig sabihin nito ay naroon ang respeto at paniniwala sa iyo ng nasabing grupo kaya nga tiniyak ng Philippine Health Insurance Corporation (PHILHEALTH) kaya nga kanilang titiyakin ang financial risk protection para sa mga katutubong komunidad.

Tungkulin ng ahensya na magkaloob ng maayos na health insurance coverage sa lahat ng Filipino sa buong bansa at sa rehiyon 10 ay nakipag partner sila sa 7 katutubong komunidad sa lalawigan ng Bukidnon.

Kaya nga nang ipagdiwang ng ahensya ang kanilang ika- 28 na anibersaryo nitong nakaraang February 14 2023 sa kanilang Local Health Insurance Office sa lungsod ng Cagayan De Oro o ang PHILHEALTH 10 kung saan nakatayo ang kanilang tanggapan at ang kanilang mga naging aktibidad ay kasabay ng kanilang pagdiriwang sa nasabing lugar ng Valentines Day.

Sa kanilang pangunahing selebrasyon nitong nakaraang February 14, sa kanilang tanggapan sa Limketkai center na siyang naging “Employees Day” kung saan may mga inilagay na mga bazaars nagsagawa rin ng motorcade sa paligid ng downtown bilang bahagi ng kanilang pangunang aktibidad habang sa kanilang tanggapan naman ay nagbibigay sila sa maswerteng 100 kliyente ng cakes at ice cream bilang kanilang pam valentines day treat.

Nitong nakaraang February 15 isang pulong balitaan ang inorganisa at ginanap tungkol sa kanilang anibersaryo kung saan imbitado ang mga mamamahayag ng Cagayan De Oro kasama ang Philippine Information Agency na nakabase rin sa Cagayan De Oro at nitong nakaraang February 18 , PHILHEALTH 10 ay nagsagawa ng tree planting.

ang ilan sa mga nakalinyang Outreach programs na may pakikipagtulungan sa Local government Units na magaganap ngayong 25th sa ibinahagi ng Public Information Officer of PHILHEALTH 10 Ms. Merlyn Ybanez sa panayam ng DZMJ Online at sa darating na 28th ito ay ang PHILHEALTH’s Clerks day at Health fair na aabot hanggang March 10.

Konsulta Orientation, Registration ng mga Teachers at students ay gaganapin naman sa March 8 2023 at isang Poster making Contest bilang pagdiriwang ng National Arts Month dahil bukod sa National Health Insurance Month pebrero rin ito ipinagdiriwang ayon sa batas.

Ang local Health Insurance Office ng Bukidnon ay magdi-distribute ng mga MDR’s ID’s at registration ng Konsulta Providers pati Gift Giving activity sa mga Indigenous People’s Learning and sustainable Development Center dahil bahagi ito ng kultura at tradisyon at bilang utang na loob dahil sa paggawad ng mga lider ng Indigenous People’s kay PHILHEALTH Regional Vice President Delio A. Aseron II na Datu Salimbangon.

ang pagtutulungan sa mga LGU’s ay ang pagdi-distribute ng mga MDR’s at ID’s sa Konsulta kasama ang pamimigay ng regalo sa mga Persons Deprived of Liberty (PDL). Coinciding sa trust ni RVP Aseron he has coined CDO hindi bilang Cagayan De Oro ngunit bilang Communication Drive for excellence Offer Proactive assistance.

Sa kabila ng hindi namin inabutan si Delio Aseron, Regional Vice President dahil kasalukuyan nuong nasa head office siya ng Philhealth sa Mandaluyong, nakapanayam naman naman namin si Merlyn Ybanez head Public Affairs Unit Philhealth 10, at ang mga sumusunod ay ang mga opisyales sa tanggapan ng Philhealth na aming nakilala na may tanggapan sa bawat palapag ng gusali:

Marlon Nino Arrabaca 2nd floor Local Head Insurance office, Cagayan De Oro head, Ma Rhodella S. Monsanto, 4th floor Field Operations Division chief, Khalid Asum head Collection Section, Dr Jonathan T. Ortigoza 5th floor Health Care Delivery Management, Mae R Yap, Management Services Division Chief Division Chief, Atty Ian Alfredo Magni, 7th floor Legal Services Office head.

///Michael Balaguer, 09262261791, konekted@diaryongtagalog.net at michaelbalaguer@yahoo.co.uk