July 1 2018, Tagaytay City, Cavite-Bahagi na ng kultura ng sangkatauhan ang mga bituwin. gamit ito sa maraming pagkakataon nuong hindi pa ganoon kataas ang antas ng ating teknolohiya. Ang mga bituwin ang sinusundan ng mga manlalayag sa karagatan upang hindi sila maligaw. Ang mga tala rin sa kalangitan ang pamantayan ng mga sinaunang dalubhasa at batayan ng relihiyong Kristiyanismo na siyang nagturo sa lugar ng kapanganakan ng kanilang sugo.
Sa pagdaan ng panahon bagaman nabawasan ang interes ng ilang Filipino sa Astronomiya, marami pa rin ang nakakahiligan ang disiplinang ito patunay ang pagpapalipad ng DIWATA micro satelit ng bansa sa kalawakan at sa katunayan ay may kurso na rin sa kolehiyo na nagtutro ng nasabing disiplina, ang Rizal Technological University (RTU) kaagapay ang Department of Science and Technology (DOST) sa pamamagitan ng pangunahing ahensya ng kagawaran sa bahagi ng meteorolohiya at astronomiya, ang Philippine Atmospheric geophysical and astronomical Services Administration (PAGASA).
Pangunahing mandato ng PAGASA ay ang pagtaya nang panahon upang tulungan ring makapag adapt sa pagbabago ng klima ang mga Filipino at mabawasan ang mga madidisgrasya tuwing may kalamidad ngunit bahagi ng patuloy na modernisasyon ng ahnesya ay ang popularisasyon at pagtuturo sa susunod na henerasyon ng kahalagahan ng Astronomiya o ang agham na nag aaral sa mga bagay na nasa kalangitan.
Kasabay ng kamakailan lang ay ginanap na tatlong araw na Media Seminar workshop for NCR 2018 sa lungsod na ito kung saan mga mamamahayag sa peryodiko, telebisyon, radyo at online ang nakibahagi, ipinahayag ng ahensyang bahagi ng kanilang modernisasyon ang pagtatayo ng isang malaking observatory sa labas ng Kamaynilaan. Layon nitong paigtingin ang pagsasaliksik ukol sa astronomiya katulad ng mga bansa sa ibayong dagat na binuhusan ng malaking suporta ang agham na ito.
Ang Astronomiya ay eksaktong agham, ayon kay G. Mario M. Raymundo, Chief Astronomical Division ng PAGASA sa kanyang pagtalakay ukol sa kahalagahan nito at ang kaugnayan nito sa oras at taya ng panahon. Ayon sa batas, ang PAGASA ang opisyal na time keeper ng bansa. Plano ng ahnesyang ilipat ang kanilang observatory na kasalukuyang nasa University of the Philippines sa lupaing pag aari ng PAGASA sa Tanay, Rizal kung saan inaasahan nilang duon magmumula ang mga susunod na magpapaka dalubhasa sa Astronomiya para sa susunod na henerasyon.
Regular na isinasagawa ng PAGASA ang media seminar upang ipakilala sa mga mamamahayag ang kahalagahan ng kanilang trabaho at kung paano ito nakapagliligtas ng buhay at ari-arian. Sa mga nakaraang panaho di lang sa pagtaya ng panahon at pagbilang ng mga bagyo bumida ang PAGASA dahil mahalagang sangkap din sila sa Disaster Risk Reduction and Management (DRRM) lalo’t humigit kumulang 20 ang bagyong bumibisita sa bansa taun-taon.
Kabilang sa mga nakibahagi at nagbahagi ng kanilang kaalaman na buhat sa PAGASA ay sina Dr. Cynthia P. Celebre ang Chief ng Research, Development and Training Division; ms. Venus R. Valdemoro na OIC ng Public Information Unit; Ms. Sharon Juliet M. Amuejo na Assistant Weather Services Chief na nagbahagi ukol sa Weather Systems affecting the country and Typhoon tracking Exercises; Dr. Esperanza O. Cayanan ang Chief ng Weather Division sa kanyang End to End Early Warning System;
Tropical Cyclone Warning System ni Mr. John Ariel T. Rojas, Weather Specialist 1; Flood Forecasting and Warning System ni Ms. Shiela S. Schneider, Weather Specialist 2; Climatological Services at ENSO Climate Variability and Change ni Ms. analiza S. Solis, OIC NG CLIMPS,CAD; Dr. Landrico U. Dalida Jr., Deputy Administrator for Operations and Services sa kanyang Walking through the bagong PAGASA website (http:www.bagong.pagasa.dost.gov.ph/); Dr. Bonifacio O. Pajuelas, Chief NCR PRSD sa kanyang PAGASA Regional Operations at Mr. Mario M. Raymundo, Chief Astronomical Observatory sa kanyang Astronomical Services and Events kung saan sa pamamagitan ng teleskopyo ng PAGASA ay nakita ng mga partisipante ang mga planetang Saturn, Jupiter at ang buwan.
Patuloy na isinasagawa ng ahensya ang mga katulad na seminar sa mga mamamahayag sa layuning ma iba ang impresyon ng publiko sa pangunahing ahnesya sa pagtaya ng panahon sa bansa kasama rin ang Philippine Information Agency (PIA) at ang Science and Technology Information Insttitute (STII-DOST). Ang nakaraang Media Seminar ay mula June 29 hanggang July 1 2018 at bahagi ng Typhoon and flood awarenes Week. Kasama si Mj Balaguer ng DZMJ Online, 09053611058, maryjaneolvina_balaguer@diaryongtagalog.net ///Michael Balaguer, 09333816694, michaelbalaguer@diaryongtagalog.net
Ipinagdiriwang ngayong taon 2018 ng Philippine Atmospheric Geophysical and Astronomiical Services Administration ng Department of Science and Technology (PAGASA-DOST) ang taunang Typhoon and Flood Awareness Week (TFAW) na may temang “Science and Technology Innovation a way to typhoon and flood Risk Reduction”.
Ayon kay PAGASA Administrator Dr. Vicente Malano na panahon na naman ng tag ulan at pagpasok ng mga bagyo sa bansa, kailangan nating bantayan ang panahon ngayon ng bagyo at ulan. Dalawa ang monsoon season ang south west at north east monsoon o amihan at habagat dahil sa mga dulot nitong pagbaha sa maraming lugar sa bansa upang maiwasan rin ang casualties.
Inaasahan din na magkakaroon ng mga pag ulan sa hapon o gabi kaya kinakailangan ang masusing paghahanda kapwa ng mga mamamayan at nang mga Local Government Unit sapagkat nabatid na nuong mga nakaraang tag ulan ay hindi naiiwasan ang mga disgrasya dahil sa kawalan ng kaalaman at tamang paghahanda.
Ang pagdiriwang ng taunang flood and typhoon awareness ay Batay sa proclamation 1535 series of 2008 na nilagdaan sa termino ng dating Pangulong Gloria Macapagal Arroyo.
Sa pulong balitaang isinagawa ng PAGASA sa kanilang punong tanggapan sa Lungsod Quezon ipinaliwanang ng mga dalubhasa sa opisyal na tagapag ulat ng panahon ang kanilang mga ginagawa upang mapaghandaan ng tao ang mga disaster na dulot ng bagyo at ang pagbaha kaalinsabay ng TFAW 2018 ay ang samut saring aktibidad na maaring daluhan ng publiko upang matuto ang lahat ukol sa panahon, pagbaha at bagyo.///larawan at panulat buhat kay: michael balaguer, 09333816694, michaelbalaguer@diaryongtagalog.net