RSTW CAR KAAGAPAY ANG APAYAO LGU
LUBOS ang suportang ipinagkaloob nang Local Government Unit ng Apayao sa pagbubukas ng Regional Science and Technology Week sa Cordillera Autonomous Region, habang nagmo motorcade ang convoy kapwa ng DOST at ng LGU ay kapansin pansin ang mga taong nasa tabing daan at nagwa wagayway ng kanilang mga banderitas.
Nagsimula at nagtapos sa Apayao Government Center sa Bgy San Isidro Sur Luna Apayao ang convoy at pagkaraan nito ay nagdaos ng Ribbon cutting kasunod ang isang presentasyong pangkultura alay sa mga bisita sa taunang pagpapakita ng presensya nang kagawaran ng agham sa masa.
Kitang kita ang mga masasayang ngiti ng mga estudyante at mamamayan ng Apayao na nasa mga tabing daan habang makikitang kinakawayan ni DOST Sec dela Pena ang mga ito sakay sa convoy na nagmomotorcade.
Mismong si Apayao Governo Elias Bulut J rang kasama ni DOST Secretary Fortunato T dela Pena, DOST CAR Regional Director DR. Nancy Bantog atbp kung saan inikot nila ang mga exhibits buhat sa DOST agencies gaya ng Philippine Textile Research Institute, Philippine Atmospheric Geophysical and Astronomical Services Administration, Advance Science and Technology Institute;
Science and Technology Information Institute, National Research Council of the Philippines, Forest Products Research and Development Institute kasama rin ang mga sectoral funding councils ng DOST gaya ng Philippine Council for Industry Energy and Emerging Technology Research and Development, Philippine Council for Health Research and Development at Philippine Council for Agriculture Aquatic and Natural Resources Research and Development at PSTC Apayao, Apayao State College, Luna Central School mga consortium sa agrikultura ng CAR atbp.
Pangkalahatan naipakita kapwa ang suportahan ng National Government gaya ng DOST at ng LGU Apayao, eksakto sa tema ng National Science and Technology Week ngayong taon na “ Innovation for collective prosperity” inobasyon para sa samasamang pag unlad.///Michael balaguer, michaelbalaguer@yahoo.co.uk 09333816694