Sa 39TH ASM, DEPARTMENT OF FISHERIES Isinusulong ng NAST; FNRI AT IRRI NAGKAISA PARA SA BUWAN NG NUTRISYON at MGA TINATANIMAN NG PRODUKTONG BIOTEK SA PINAS DUMARAMI

 

SA 39TH ASM, DEPARTMENT OF FISHERIES ISINUSULONG NG NAST

BAGONG kagawaran na mangangalaga sa teritoryo ng bansa na mas malaki ang nasasakupan, ito ang humigit kumulang ang pagkakaunawa sa resolusyon ng nakaraang 39th Annual Scientific M<eeting ng National Academy Of Science and Technology sa Manila Hotel.

Batay sa temang “Attaining sustainable and development Goals, Philippine Fisheries and Aquatic Resources 2020” mismong si Department of Science and Technology secretary Prof. Fortunato T. dela Peña mismo ang nagbasa ng resolusyon ng taunang pagpupulong ng mga dalubhasa ng bayan tungkol sa mga usaping may kinalaman sa ating katubigan at mga yamang tubig.

Isang malaking industriya ang pangisdaan atang ating bansa dahil isang kapuluan ay napaliligiran ng tubig ngunit kakatwang sa kabila ng maraming komersyal na mangingisdang pinoy at laman anga ting mga kababayan ng mga dayuhang sasakyang pandagat bilang mga tripulante, nananatiling isa sa pinaka dahop na sektor ang pangisdaan at mahihirap ang mga mangingisda.

Sa panukalanmg pagbuo ng kagawaran ng pangisdaan at yamang dagat, layuning ipunin ang mga karunungan ng mga dalubhasa upang mapag ibayo ang kalagayan ng mga maliliit na mangingisda at magkaroon ng maraming oportunidad sa negosyo ang mga entreprenyur na nangangalakal dito.

Kabilang rin ay ang pagpo proteksyon sa ating mga baybaying dagat na kabilang sa pibnakamahaba sa mundo, mga paraan sa pag adapt sa pagbabago ng klima at sustainability sa negosyo ng pangisdaan.

Kabilang sa mga naging panauhing pandangal ay ang Undersecretary ng Fisheries sa ilalim ng Department of Agriculture at ang Executive Director ng Bureau of Fisheries and Aquatic Resorces USec. Eduardo B. Gongona.///Michael N. Balaguer, +639333816694, michaelbalaguer@diaryongtagalog.net

-30-

FNRI AT IRRI NAGKAISA PARA SA BUWAN NG NUTRISYON

BIGAS ang pangunahing pagkain ng Filipino at sa kabila ng modernong panahon ngayon bahagi pa rin ng nutrisyon ng karaniwang mamamayan sa Filipinas ang pagkain ng kanin kung kaya isang mahalagang sangkap sa pagdiriwang nang buwan ng nutrisyon ang papel na ginagampanan ng International Rice Research Institute (IRRI).

Kasama ang Food and Nutrition Research Institute (FNRI) ng Department of Science and Technology (DOST)at National Nutrition Council (NNC) sa ilalim ng Department of Health (DOH), ipinakita ang mga maka agham na kaganapan sa bigas upang maging akma itong masustansyang sangkap para sa kalusugan ng Filipino.

Ang mga teknolohiyang pagpapalawig ng shelf life ng brown rice at mga katulad nito ang pangunahing isinusulong na agham sa likod ng bigas.

Kabilang sa mga nakibahagi ay ang Director General ng IRRI na si Dr. Matthew Morell, Director at Clinical Nutrition Research Center singapore Isntitute for Clinical Science Prof. Christiani Jeyakumay Henry, Deputy Director General for Research ng IRRI na si Dr. Jacqueline Hughes, Deputy Director General for Communication and partnership ng IRRi na si Dr. V. Bruce J. Tolentino, kasalukuyang Senior Scientist for Nutrition ng IRRI na si Dr. Cecilia Acuin na dating taga FNRI-DOSt at si FNRI-DOST Executive Director Dr. Mario V. Capanzana at isang cooking Demonstration ng mga luto ng bigas sa pangunguna ng chef buhat sa Center for Culinary Arts Manila (CCA) na si Chef Lionel O’Hari Go.

Sa kabila nang nabibilang ang Filipinas sa Top 10 rice consuming countries, nakakalungkot at 3 sa 10 bata sa bansa ay malnourished dahilan upang paigtingin ng gobyerno ang kampanya nito laban sa malnutisyon.///Michael N. Balaguer, +639333816694, michaelbalaguer@diaryongtagalog.net

-30-

MGA TINATANIMAN NG PRODUKTONG BIOTEK SA PINAS DUMARAMI

BIOTEKNOLOHIYA sa palay, pinangangambahan ng ilan dahil hindi nauunawaan sa kabila ng matagal anng nai implimenta sa ibayong dagat at ginagamit rin o kinukunsumo ang mga produktong buhat dito kahit sa bansa ngayon.

Nabatid na sa Filipinas ngayon ay lumalaki ang bilang ng mga lupaing tinataniman ng mga biotech crops ayon sa International Service for the Acquisition of Agribiotech Applications (ISAAA).

Sa pulong balitaan kamakailan na inorganisa ng South East Asian Research Center for Graduate Studies in Agriculture (SEARCA), sa kanilang pag aaral nabatid na ang mga pananim na biotek gaya ng mais ay mas lumawak ang mga pinagtataniman nitong nakaraang taon 2016 kaakibat ng iba pang biotek and/or GM products na  nasa pamilihan na , ang mga produktong gaya ng soya, bulak, canola atbp sa kabila ng di pa inaaprubahan ng gobyerno ang komersyalisadong pagtatanim ng talong at palay, tila ipinakikita ng mga magsasaka na nagtatanim ng biotek na produkto ang kanilang interes dahilan sa potensyal nitong solusyon sa suliranin ng katiyakan sa pagkain.

Simula pa nuong unang taon ng komersyalisasyon ng ilang produktong biotek nuong 1996, tunay na lumaki na ang bilang ng mga lugar na tinataniman ng produkto sa katwirang nagkakaroon ng kapanatagan ang kaisipan ng mga magsasaka. Sa 21 taon ng komersyalisasyon ng mga produkto natiyak ang kaligtasan ng mga ito sa bahagi ng kalusugan ng tao saksi dito ang ibat-ibang ahensya, kagawaran ng gobyerno ng filipinas na sumusuporta sa komersyalisasyon nito gaya ng Department of Agriculture, Department of Environment and Natural Resources, Department of Health, Department of Science and Technology maging ang Department of the Interior and Local government at nais lang ng mga kinaukulan ay I-regulate ang agham sa likod nito gaya halimbawa ng pagpapasok ng dayuhang gene sa mais at hindi ang mais mismo. Kabilang sa mga nakibahagi sa nasabing Media Conference on GlobalStatus of Commercialized Biotech GM Crops in 2016 ay sina Dr. Gil C. Saguiguit Jr., kasalukuyang Director ng SEARCA, Dr. Paul S. Teng, Chair ng Board of Trustees ng ISAAA, Dr. Vivencio R. Mamaril, ang Officer-In-Charge, Director ng Bureau of Plant Industry at siya ring Director ng Philippine Agriculture and Fisheries Biotechnology Program ng Department of Agriculture.///Michael N. Balaguer, +639333816694, michaelbalaguer@diaryongtagalog.net