SETUP ADAPTORS NG DOST CAR KINILALA AT PINARANGALAN

SETUP ADAPTORS NG DOST CAR KINILALA AT PINARANGALAN

KINILALA at pinarangalan ang mga natatanging Small enterprise Technology Upgrading Program Adaptors sa rehiyon ng CAR nitong kasagsagan ng Regional Science and Technology Week na ginanap sa Luna Apayao nitong October 22 hanggang 25 2018.

Mga produkto at serbisyong nag avail ng SETUP sa DOST CAR ang ginawaran kabilang sina Ms Norma B Pabaino ng Norens RTW buhat sa lalawigan ng ABRA, Mr Valentino T Vicera ng VFM Food Products na mula sa lalawigan ng APAYAO, Mr Jefferson C Obar ng JCO Bakeshop buhat naman sa lalawigan ng BEGUET, Ms Jasmin T Deleso ng Mila’s Bakeshop buhat naman sa lalawigan ng IFUGAO, Ms Brienda A Gup Ad ng Saquil Food Products na mula sa lalawigan ng KALINGA at Ms Cora B Sigang ng Cora’s Bread galing nang MT PROVINCE.

Sa nasabing aktibidad ay may mga nagsalita ukol sa pagnenegosyo at ang dapat maging mga magagandang katangian ng isang matagumpay at magtatagumpay na negosyante.

Pag aaral, pagpa plano at pagbangon pag nalugi ay mga katangian ng isang magiging matagumpay na entreprenyur o negosyante na nais ituro kapwa ng DOST at ng mga inimbita nitong entreprenyur upang magsilbing inspirasyon sa “sama samang pag asenso o collective prosperity>///Michael Balaguer, michaelbalaguer@diaryongtagalog.net 09333816694