“Ukay” Hadlang sa Pagsulong ng Philippine Textile Circular Economy batay sa 5th InnoSight Workshop

“Ukay” Hadlang sa Pagsulong ng Philippine Textile Circular Economy batay sa 5th InnoSight Workshop

Sa temang “Nature to value towards a circular textile industry, pagbuhay at pagpapasigla nang industriya ng tela sa bansa na kapantay o mas mahihigitan pa ang industriya ng tela sa ibayong dagat.

Kasama ang Taiwan Textile Research Institute sa pamamagitan ng kanilang representante na si Mr. Yang Ping Shih, Industrial Technology, Industrial Technology Research Institute ng Taiwan Dr. Chang Jung Chang kasama sina Philippine Textile Research and Institute Executive Director Dr. Celia Elumba, Executive Vice President for External Affairs and Internationalization at miyembro ng National Academy of Science and Technology Dr. Alvin Culaba ng Dela Salle University.

Kasama ring nakibahagi si Technology Applications and Promotion Institute Executive Director Engr. Edgar Garcia kasama si DOST USec. Brenda Nazareth Manzano.

Ang pagiging eco-friendly ng mga ginagamit na dye ang pangunahing layunin ng Taiwanese textile industry  sa nasabing workshop habang conservation naman n gating mga indigenous textiles at patterns ang take n gating bansa sa nasabing workshop.

May programa ang PTRI na TELA o acronym para sa Textiles Empowering Life Anew kung saan ang mga katutubong habi ay kanilang ina upgrade at itituturo sa mga susunod na henerasyon habang isinasabay sa mga makabagong teknolohiyang hatid ng kagawaran ng agham kaya ng body scan kung saan maari malaman ang tamang sukat ng katawan para tama ang damit na isusuot.

Sa isang panayam naman ng www.dzmjonline.net kay Dr. Celia Elumba ukol sa kumakalat na mga ukay ukay, wika niya hindi naman ito makasasama sa takbo ng circular economy ng tela sa bansa sa katunayan ay maari pa itong magkaroon ng bagong buhay sa pamamagitan ng ashion at pag incorporate ng mga makabagong teknolohiya dahil gaya ng makabago ng teknolohiya ng mga Taiwanese sa pagreresiklo, maari na ring I resiklo ang tela o mga plastic na ginagawang tela na ginagawa ring damit paglaon.

Sa panayam naman ng www.diaryongtagalog.net kay Dr. Elumba nabanggit ang Tzu Chi Foundation, isang NGO na nagsusulong ng recycling technology at kanilang ginagawa itong mga ready to wear na damit. Ang iba ay kanilang ginagamit para ipamigay sa mga disaster stricken areas, wika ni Eluma ay nagkita na ang DOST at ang Tzu Chi at kanilang napag usapan ang teknolohiya ngunit ang problema ay walang negosyanteng pinoy na maaring mag adapt nito kaya hindi nito ma penetrate ang local na industriya.///Michael Balaguer, 09333816694, michaelbalaguer@diaryongtagalog.net