Unang araw ng World Halal Assembly Philippines (WHAP) Very Successful;World Halal Assembly Gaganapin sa Pilipinas

Masasabing naging matagumpay ang unang araw ng World Halal Assembly Philippines na pinangunahan ng Department of Science and Technology Region 12 sa pangunguna ng kanilang Regional Director Dr. Zenaida Hadja Shayma P. Hadji Raof-Laidan kaagapay ang Central Office ng Department of Science and Technology sa pangunguna ni Secretary Fortunato T. dela Pena.

Binubuo ng limang plenary session ang International Halal Conference kung saan ang mga speakers ay pawang mga dayuhang nagpaunawa ukol sa ibat ibang aspeto ng Halal.

Sa panimula ay binuksan sa pagbigkas ng ilang mahalagang sitas ng Banal na Qur’an sa pangunguna ni Ustadj abdul Jalil Hadji Mohammad-Hathimin N. Mahdali, CPA kasunod ang pag awit ng Lupang Hinirang, Panimulang pananalita buhat kay Bai-a-Zeybaaleem Masiu Dr. Zenaida (Hadji Shayma) P. Hadji Raof Laidan, Chairperson ng World Halal assembly Philippines 2018 at Regional Director ng Department of Science and Technology (DOST) Region 12.

Kasunod ay nagkaloob ng kani-kanilang mga Islamic thoughts ang mga naimbitahang leaders at panauhing pandangal kabilang sina: Dr. Arturo G. Valero, Vice Chair ng Regional Development Council (RDC) 11 at Regional Director ng National Economic and Development Authority (NEDA) Region 11;

His eminence Mufti Mustafa  Ceric, President of the Senate, Bosniak Academy of Science and Arts, Bosnia; His Excellency Ibsan Ovut, Secretary General, Standards and Metrology Institute of Islamic Countries (SMIIC), Turkey..

Ipinakilala ng Undesrecretary for Regional Operations ng DOST Dr, Brenda Nazareth-Manzano ang panauhing pandangal na si DOST Secretary Fortunato T. dela Pena, na tinalakay ang kahalagahan ng Halal sa ekonomiya ng bansa at ang appreciation dito hindi lang ng mga bansang Muslim kundi pati ng mga bansang hindi Muslim.

Iginiit rin niya ang kahalagahan nito ngayon lalo na at ito ay isang napakalaking industriya bukod pa sa ikalawa ang Islam sa pinakamalaking relihiyon sa mundo kaya ang merkado ng Halal ay laganap.///Abdul Malik Bin Ismail, 09333816694, abdulmalikbinismail6875@gmail.com

MAYNILA, PILIPINAS-GAGANAPIN sa bansa ang World Halal Assembly at ang Pilipinas ang magho host nito ngayong Ika-18 hanggang 19 ng Enero 2018.

inaasahang dadaluhan ng mga representante buhat sa mga bansang Muslim at sa Gitnang Silangan ang okasyong batay sa kaugalian at turo ng Relihiyong Islam.

Isang Billion Dollar industry ang Halal na hindi lang nagke cater sa mga bansang Muslim kundi pati sa iba pang ekonomiya sa Europa at America. Pangungunahan ng Department of Science and Technology Region 12 sa pamamagitan ng kanilang Regional Director na siyang Chairperson din ng World Halal Assembly Philippines na si Dr. Haja Sittie Shaima Zenaida P. HR Laidan ang okasyon na gaganapin sa Sofitel, Philippine Plaza.

Matatandaan na ang DOST Region 12 ay mag itinayong Halal Laboratory sa Cotabato City bilang kontribusyon ng sektor ng Agham at teknolohiya sa pagsulong ng Halal di lang para sa Muslim kundi para sa pangkalahatang industriya.

Ang sertipikasyon ng Halal ay maraming nasasakupan kabilang ang pagkain, gamot, kosmetiko sa mga industriyang maari nito. Kaagapay ng DOST ang HDCMICE Middle East.

Inaasahang magiging komprehensibo at makapagbibigay ng makabagong kaalaman at opinyon buhat sa mga dalubhasa sa Islam at Agham sa pamamagitan ng mga plenary at forum sessions na gaganapin sa loob ng nasabing dalawang araw na aktibidad.

Ang “Halal” sa wikang Arabik at sa pagkaliwat sa wikang Filipino ay nangangahulugan na “pinapayagan” kabaliktaran sa “Haram” na “ipinagbabawal” ///Abdul Malik Bin Ismail, +639333816694, abdulmalikbinismail6875@gmail.com