DA-PCIC HINIKAYAT ANG MGA MAMBABABOY NA I-INSURE ANG KANILANG MGA BABOY PARA MAKABANGON SILA

ENERO 25, 2021-“As the Department of Agriculture (DA) intensifies efforts to encourage hog raisers to get back to business and, ultimately, help pork production rebound, availing of an insurance coverage is a prudent safety net for existing raisers and for those in ASF-free areas who will venture into this business,” ayon kay Secretary Dar.

HINIKAYAT ni Agriculture Secretary William Dar ang mga backyard at commercial hog raisers na kumuha ng insurance upang makabawi sila sa kanilang mga ginagastos sakaling maapektuhan ang kanilang mga farms ng African Swine Fever (ASF). “Insurance offers stronger security in protecting one’s investments,” dagdag pa nito..

“Do not hesitate to take advantage of the free livestock insurance offered by the DA’s Philippine Crop Insurance Corporation (PCIC). Regain your businesses and protect your livelihood,” pahayag ng kalihim.

Ang DA-PCIC ang tanging agricultural government insurance sa bansa kung saan kabilang sa mga risk cover nito bukod sa ASF ay livestock insurance kaya nang dumating ang nasabing sakit sa bansa ay malaki ang naitulong nila ayon sa Pangulo nitong si Atty. Jovy Bernabe.

Nagkakaloob ng P10,000 insurance cover per head ng baboy ang PCIC, sa premium payment na 2.25% o P225.  Samantala ang mga  small backyard hog raisers ay binibigyan ng libreng insurance kung sila ay nakatala sa Registry System para sa Basic Sectors in Agriculture (RSBSA).

Ang insurance coverage ay iba pa sa ASF indemnification claims, kung saan ang  beneficiaries ay eligible sa P5,000 assistance kada baboy na kinatay, ayon kay Bernabe.  Mag a apply lamang ang mga mambababoy ng insurance online sa pamamagitan ng  DA-PCIC website, o maaring bisitahin ang  13 regional offices, 58 provincial extension offices, at 20 service desks, dagdag pa ni Bernabe.

Ang  provincial,  city o municipal agricultural officer o equivalent official sa kahit saang  lokalidad ay maari ring makahingi ng assistance, dagdag pa niya.

Hinihikayat ang mga  stakeholders sa sektor ng agrikultura na samantalahin ang ipinagkakaloob na  libreng insurance coverage ng gobyerno bilang bahagi ng malawak na  layunin ng DA’s na pagpaparami ng bilang ng mga baboy kung saan may nakalaang paunang pondo na P400-million.

Upang mapagaan ang pangamba sa patuloy na pananalasa ng ASF, patuloy rin ang  DA sa pag implimenta ng “Bantay ASF sa Barangay” o BABay program upang epektibong i-manage, prevent at kontrolin ang nasabing sakit.

Tintugunan ito sa pamamagitan ng matibay na pagtutulungan ng local government units, professional veterinary groups, at state universities and colleges — lalo na ang Central Luzon State University at University of the Philippines Los Banos — at grpo ng mga mambababoy.

“The DA will continuously provide assistance to deter the adverse impacts of the ASF, as well as invest in programs for the longer-term sustainability of the hog industry,” ayon kay Secretary Dar . mula sa detalyeng buhat sa  DA StratComms.///Michael Balaguer, +639262261791 and +639333816694, diaryongtagalog@gmail.com

_ _ _ _ _ _ _ _ _ _ _ _ _ _ _ _ _ _ _

DA CAR NAGKALOOB NG TULONG NA PERA AT PAGKAIN SA APAYAO

ENERO 25, 2021-NAMIGAY ng pera at subsidiya na pagkain para sa mga maralitang magsasaka at mangingisda ang Department of Agriculture Cordillera (DA-CAR)  ay ginanap ito sa Pudtol municipal gymnasium, Apayao kung saan may 34 farmer beneficiaries.

Patungo sa pagpapanumbalik ng ekonomiya ng bansa  sa kabila ng pananalasa ng COVID-19, ang CFSMFF program ay nagkakaloob ng Php 3,000 cash at Php 2,000 halaga ng e-voucher upang makabili ng pagkaingaya ng bigas, manok at itlog. Kasalukuyan ay may, 25 Kgs ng bigas, dalawang tray ng itlog at tatlong kilong manok ang naipamigay.

Samantala ang  Pudtol Municipal Mayor Hector Reuel Pascua ay nagpasalamat sa suporta ng mga ahensya ng gobyerno Apayao sa kabila ng mga hadlang gawa ng COVID-19 sa paglalakbay. Nilinaw nitong sa kabila ng mga  interbensyon gaya ng CFSMFF, ang mga magsasaka, mangingisda at maralitang residente ng kanilang bayan ay makatitiyak sa tulong ng gobyerno kahit nasa malayo silang lugar.

“Dakkel iti maitulong na daytoy nga inted ti DA tapnon makabawas iti gastos lalo itadta nga COVID nga haan a makapagtrabaho unay iti tatao. Agyaman kami iti panagsuporta yo iti nakurapay nga mannalon ditoy ayan mi,” pahayag ni Julie Basilio, Matagisi, magtatanim ng mais sa Pudtol.

Alinsunod sa itinatadhana ng batas Republic Act 11494 o ang Bayanihan to Recover as One Act, mandato ng DA na magkaloob ng  extension support direct cash o loan interest rate subsidy sa mga kwalipikadong magsasaka at mangingisda na naapektuhan ng mga socio-economic impacts ng pandemic. Sa ilalim ng Bayanihan Stimulus Package para sa  sektor agrikultura, mag I implimenta ang DA ng mga social Protection at social amelioration projects kasama ang CFSMFF bilang isa sa mga interbensyong nasa kanilang prayoridad. Mula sa detalyeng buhat kay MJDacillo / DA-RFO CAR, RAFIS.///Michael Balaguer, 09333816694/09262261791, konekted@iaryongtagalog.net

Gitnang Luzon, patuloy ang pagsusuplay ng agri-products sa NCR

Tinitiyak ng Kagawaran ng Pagsasaka ng Gitnang Luzon na patuloy ang pagsusuplay ng iba’t ibang lalawigan ng ikatlong rehiyon ng mga produkto tulad ng gulay at karne sa Metro Manila sa kabila ng pademyang kinahaharap ng bansa.

Base sa datos ng DA Agribusiness and Marketing Assistance Division (AMAD), nasa kabuuang 146,245 kgs na lowland vegetables ang naipadala sa National Capital Region (NCR) sa pagsisimula pa lamang ng taong 2021.

Samantala sa datos ng Bureau of Animal Industry (BAI), tinatayang nasa 9,467 heads ng baboy na African Swine Fever (ASF) Free ang naisuplay sa NCR.

Sa pamamagitan nito, ang mga food trading centers na naitatag sa Gitnang Luzon ang tumutulong sa mga magsasaka at mangingisda upang mas mapadali ang pagbebenta ng kanilang produkto na direkta sa merkado.

Ang Nueva Ecija Agri-Pinoy Trading Center o NEAPTC ay itinatatag ng Kagawaran ng Pagsasaka katuwang ang Lokal na Pamahalaan ng Nueva Ecija para mapataas ang ani at madagdagan ang kita ng mga maliliit na negosyanteng magsasaka’t mangingisda. Dagdag pa rito, nagsisilbi rin itong sentro ng kalakalan ng mga mamimili mula sa Metro Manila at karatig na probinsiya.

Layunin nito na matugunan ang mga pangangailangan sa pagkain partikular ang mga gulay na abot-kaya ng mga mamimili, ligtas at masustansyang pagkain para sa lahat.

Pahayag ni Agriculture Secretary William Dar na magiging sapat ang suplay ng agri-products at mahigpit na babantayan ang mga presyo ng mga pangunahing bilihin sa palengke para maiwasan ang pananamantala sa merkado.

“Nais po namin siguruhin na meron tayong sapat na suplay ng pagkain at itaas pa ang produksyon ng mga ito, kabilang ang bigas, karne, isda at gulay (We want to ensure that we have sufficient supply of food and we want to increase the production of these major staples, including rice, meat, fish, and vegetables),” sambit ng kalihim.

Dagdag ni Regional Director Crispulo Bautista na ang nararanasang pagbaba ng suplay ng gulay sa NCR ay dulot ng mga nakaraang bagyo na nagdala ng malawakang pinsala sa lalawigan ng Bulacan at Nueva Ecija noong nakaraang taon.

“Nang dahil sa dumaang apat na bagyo, malaki ang perwisyong idinulot nito sa mga magsasaka kaya nakararanas ng low supply ng vegetables sa Metro Manila. Ang mga magsasaka sa Bulacan at Nueva Ecija ay nag-replant na at by February ay magsisimula ng mag-harvest at unti-unting magbabalik na sa normal,” saad ng direktor. # # # (DA-RFO III, RAFIS)