
Sa pagtutulungan ng pribado at pamahalaan ay tunay na magkakaroon ng saysay at ang mga solusyon para wakasan of pigilan ang pagdami ng mga Mai impeksyonan ng African Swine Fever Virus ay susubukang solusyunan ng tatlong teknolohiya sa pag i detect at pag manage ng ASF virus sa pamamagitan ng agham teknolohiya at inobasyong lokal o gawang Pinoy.
Sa pambungad na talumpati ni Dr. Renato U Solidum Jr., ang kasalukuyang Kalihim ng Department of Science and Technology “Kaya nga kailangang ma establish na ang Virology and Vaccine Institute of the Philippines dahil May mga sakit na dito lang talaga sa bansa kaya kailangan ma develop ang bakuna dito rin sa atin dahil maaring hindi akma ang foreign vaccine sa local viruses”


Kabilang si DOST USec for R&Di Leah Buendia at ITDI Director Dr, Annabelle Briones at PCAARRD Director Dr Reynaldo V Ebora at Ms Mayet Carlos ng PCAARRD ACD kasama rin ang BioAssets Corporation na isang pribadong laboratoryo.
Ayon kay Dr Synan Baguio, dahil bagong virus ang ASF lahat halos ng commercial hog farms na malalaki ay naapektuhan at marami ang naging mga losses sapagkat sila ang laging naibalita sa media ngunit ang mga backyard raisers ay apektado rin at ang ASF ngayon ay nasa pandemic proportion na ngunit sa pinakaraming native pig, (anim ang breed natin ngayon) dalawang breed ang hindi na apektohan ito ang nasa Marinduque at ang nasa Benguet.
Para sa kaalaman ng lahat ang commercial breed ngayon ay tatlo, Land Raise, Large White at Duroc. Sa Islam ay bawal kainin ang baboy ngunit sa estado ng katiyakan sa pagkain ng maraming Pilipino, bahagi ng hain sa mesa ng Pinoy ang baboy at ang pagtaas ng halaga nito ay mabigat din sa bulsa ni Juan.










