Dalawang DAR tire path gagabayan ang mga magsasaka sa Nueva Vizcaya sa pag-unlad

Kayapa, Nueva Vizcaya- Ang dating hiwalay at liblib na barangay ng Nansiakan ay makapagmamalaki na ngayon ng mga dadaang motorista at sasakyan sa kanilang lugar upang maghatid ng mga produkto at iba pang kalakal ng mga agrarian reform beneficiaries (ARBs) sa pamilihan, dahil sa dalawang (2) proyektong tire path na isinalin kamakailan ng Department of Agrarian Reform (DAR) sa pamahalaan ng Kayapa, Nueva Vizcaya.

Ayon kay Provincial Agrarian Reform Program Officer Dindi Tan ang dalawang proyektong sementadong daanan, na parehong maayos na naisagawa sa tabi ng bundok, ay ang Monggol Aw-awa sa Barangay Nansiakan at ang Pallas-Nansiakan sa Barangay Pinayag, Kayapa, Nueva Vizcaya.

Sinabi ni Tan na ang 625-meter Monggol Aw-awa tire path ay pakikinabangan ng 703 mga residente, habang ang 450-metro na Pallas-Nansiakan, na may dalawang yunit na cross drainage ay pakikinabangan ng halos 1,000 mga residente, na sa maraming taon ay nahirapang maghatid ng kanilang mga produkto sa pamilihan.

“Ang pakiramdam ng mga tao dito, sila ay hiwalay sa kabayanan dahil kailangan pa nila maglakad ng napakalayo at literal na buhat buhat ang kanilang mga produkto upang maihatid lamang ang mga ito sa merkado,” diin ni Tan

Ayon kay Tan ang mga proyekto, na may pondong tig-P1.1 milyon bawat isa mula sa DAR at lokal na pamahalaan ng Kayapa, ay naglalayong padaliin ang pagbebenta at transportasyon ng mga produkto ng ARBs mula sa kanilang sakahan, lalong-lalo na ang mga naninirahan sa malalayo at liblib na lugar sa kanayunan, patungo sa pamilihan.

“Ang mga proyektong ito ay napondohan sa pamamagitan ng Bottoms-Up Budgeting na ngayon ay mas kilala sa tawag na Grassroots Participatory Budgeting for 2014. Inaasahan namin na dahil sa mahalagang proyektong ito, unti-unti na naming nabibigyan ng daan hindi lamang ang mga motorista upang maghatid ng mga produkto ng ARBs sa pamilihan, ng mas mabilis at maginhawa, kung hindi nagagabayan din namin ang mga ARBs sa kanilang pag-unlad dahil sa pagkakataong mapabuti ang kanilang kita at pamumuhay. Inaasahan naming na aalagaang mabuti ng mga benepisyaryo ang mga nasabing proyekto,” sinabi ni Tan.

# # #

Photo captions: Picture 1: DAR Secretary Brother John Castriciones discussing issues and resolutions during the conference. ; Picture 2: Support Services Office Undersecretary Emily Padilla speaking before the participants of the conference. ; Picture 3:  Some of the participants during the conference.

DAR mag-oorganisa ng mas maraming ARBOs

Upang lalong mapaunlad ang pamumuhay ng mga agrarian reform beneficiaries (ARBs), paiigtingin ng Department of Agrarian Reform (DAR) ang pagkakaloob nito ng support services sa pamamagitan ng pag-oorganisa ng mas maraming agrarian reform beneficiaries’ organizations (ARBOs) sa buong bansa upang mas maraming mga magsasaka ang makinabang dito.

Sinabi ni DAR Secretary Brother John Castriciones na karamihan sa mga suportang ibinibigay sa mga magsasaka ay idinadaan sa mga ARBOs dahil ang mga organisasyon ng mga magsasakang ito ay karaniwang iisa ang layunin na paunlarin ang kanilang agrikultura at pamumuhay, kung kaya’t alam nila ang mga prayoridad alalahanin at pangangailangan ng kooperatiba.

“Ang pagbibigay ng imprastraktura, makinaryang pang-bukid at mga kagamitan, farm inputs, credit assistances, at livelihood trainings, ay ilan lamang sa mga suportang serbisyo na ibinibigay ng DAR upang maseguro ang tagumpay ng mga ARBs. Kaya, sisiguruhin natin na ang mga bagong magsasaka-benepisyaryo na tatanggap ng titulo ay sasapi sa ARBOs, tutulungan natin silang mag-organisa sa pamamagitan ng oryentasyon at training bago nila tanggapin ang kanilang mga certficates of land ownership award (CLOAs),” ani Brother John sa ginanap na pangalawang grupo ng 2020 summative assessment and 2021 planning conference sa Palo, Leyte, noong Marso 1-3, 2021,

Idinagdag pa ng agrarian reform chief na bukod sa paghihikayat sa mga baong ARBs na magtatag ng ARBOs, bibigyang solusyon din ng ahensiya ang mga may mababang miyembro na mga dati ng ARBOs.

Ayon naman kay Support Services Office Undersecretary Emily Padilla, nuong 2019 ang DAR ay mayroong 5,662 ARBOs lamang. At nuong 2020, ang ahensya ay nakapag-organisa ng 1,007 bagong ARBOs, kung saan ito ay umaabot na ngayon ng 6,669 ARBOs sa buong bansa.

“Dahil sa agresibong implementasyon ng suportang serbisyo ng DAR, tayo ay nakapag-organisa ng mas maraming ARBOs at patuloy pa rin naming gagawin ito sa darating pang mga taon. Mas maraming ARBOs, mas maraming magsasaka ang ating matutulungan,” ani Padilla.

###

P2.8M tulong pang-kabuhayan palalakasin ang pamumuhay ng ARBs sa Negros Occidental

Naniniwala si Agrarian Reform Secretary Brother John Castriciones na ang pamumuhay ng mga agrarian reform beneficiaries (ARBs) sa Negros Occidental I ay mas magiging maayos pagkatapos nilang makatanggap ng Php2.83 milyong tulong pang-kabuhayan at bungkos ng mga suportang serbisyo mula sa Department of Agrarian Reform (DAR) sa Negros Occidental I.

“Ang DAR ay hindi lamang namimigay ng lupa sa mga magsasakang walang lupain, siniseguro din namin na ang mga ARBs ay mapagyayaman ang kanilang lupain at magiging produktibo ang kanilang pamumuhay,” komento ni Brother John sa naganap na pamamahagi tulong pangkabuhayan sa Bacolod City.

Ayon kay Chief Agrarian Reform Program Officer Rizalina Yuguing ng Program Beneficiaries Development Division (PBDD), mayroon 182 ARBs at kanilang mga pamilya at komunidad mula sa anim (6) na mga ARB Organization (ARBOs) ang makikinabang sa tulong pangkabuhayan na ipinagkaloob ng DAR sa ilalim ng Convergence on Livelihood Assistance for Agrarian Reform Beneficiaries Project (CLAAP).  

Nakapaloob sa P2.4 milyong halaga ng suporta sa 5 ARBOs and bungkos ng productivity support na ipinagkaloob sa Ma-aslob ARB Association sa Barangay Ma-aslob, Calatrava; Sitio Calaptan Sta. Ana Ascalon Farmers Association sa Barangay San Isidro, EB Magalona; at Merian Small Farmers Association, Inc. at Barangay San Pablo Farmworkers Association, na parehong taga- Barangay San Pablo, Manapla; samantalang isang sugarcane production naman ang ipinagkaloob sa San Jose United Agrarian Reform Farmers Association sa Barangay San Jose, Toboso.

Sa hiwalay na seremonya, isang maliit na negosyo ng pagpaparami ng itlog ng bibe na nagkakahalaga ng Php 430,000.00 at ipinatupad sa ilalim ng Sustainable Livelihood Support, na sub-component ng Climate Resilient Farm Productivity Support, ang ipinagkaloob ng DAR sa Hacienda Sto. Niño United Farmworkers Association sa Manapla.

Pagkatapos ng pamamahagi ng mga proyekto, ang DAR ay nagsagawa ng technical capacity development, kasama ang coaching and mentoring sa fertilizer trading at management, enterprise-based organizing, at market assistance para sa mga benepisyaryo.

“Magkakaroon ang ating mga ARBOs ng kakayahan upang magplano, mag-set up, mag-umpisa at mamahala ng livelihood business dahil sa mga ipagkakaloob na pang- seed capital, business training, at technical marketing assistance services,” ani Yuguing.

Sinabi naman ni Manapla Municipal Agrarian Reform Program Officer Ma. Victoria Delgado na ginagawa ng ahensiya ito upang tulungan ang mga magsasakang benepisyaryo na mapakiinabangan  ng husto ang mga lupang tinanggap nila mula sa Comprehensive Agrarian Reform Program (CARP).

“Ang ating misyon ay makapagbigay ng income-generating opportunities sa mga ARBs upang matulungan silang mayroon silang ng mapagkakitaan sa tulong ng livelihood at micro-enterprises,” ani Delgado.

###