DAMO GINAWANG GAMOT NANALO NG GOLD MEDAL

Bulacan, PILIPINAS- “Ibang Trip ‘to..serious trip” .ISA sa mga kontrobersyal na lehislasyon na isinusulong kapwa sa mababa at mataas na kapulungan ng kongreso ay ang batas patungkol sa Marijuana (Cannabis) bilang gamot o para gamitin pang medikal.

Sa ibang bansa malayo na ang narating ng Marijuana bukod sa isang dangerous illegal drug ay ang sari- sari ng produkto ang nakukuha dito kabilang ang mga hina-habing tela na ginagawang damit.

Sa ibayong dagat ang mga produktong hinabi gaya ng damit atbp., May mga sapatos pa at bag ay legal ngunit ang paggamit sa medikal ay iligal sa ibang bansa gaya ng Pilipinas kaya nga ilang mga Senador gaya ni Senator Abdulazis Robinhood C Padilla ang hayagang nagsusulong nito kaakibat ang mga kabutihan nito na idudulot sa maraming tao.

kaya nga ang BauerTek Farmaceutical Technologies sa pangunguna ni Mr. Richard Nixon Gomez ay lumikha ng

GAWANG PINOY NA MEDICAL CANNABIS na kinilala sa buong mundo ay ang CANCUR na nagwagi ng Pharma award sa E-NNOVATE International Innovation Summit na ginanap nitong May 16-17 sa Krakow, Poland.

Ang CANCUR ay likha ng Filipino Inventors and Scientists na sina Richard at ng kanyang anak na si Rigel Gomez. highlight nito ang paggamit ng mga isolated o purified THC, CBD na May kasamang synergistic effects na mula sa Curcumin and Piperine.

Ang nasabing pagkilala sa pandaigdigan ay ebidensya na tunay na May sariling teknolohiya ang Pilipinas at May kapasidad na lumikha ng mga cannabis-derived na medisina at kikilalanin din na angat sa buong mundo.

Ang Medical Cannabis ay aprubado at legal sa 60 countries, kabilang ang Poland at inaasahan sana ng BauerTek na maging legal ito sa Pilipinas bago magtapos ang 2024.

Sa kabila ng hindi pa nali legal ang medical cannabis sa bansa, ang pagwawagi ng teknolohiyang Pinoy sa ibayong dagat ay dapat na ipagmalaki at gawing inspirasyon at ‘ito ang dapat trip din natin”.