HINDI LANG Bigas ang pwedeng staple food ng Pinoy
SCIENCE CITY OF MUNOZ, Nueva Ecija -November 13 2018 Hindi lamang bigas ang maaring maging staple food ng pinoy, pwede ring mais dahil sa ibang bahagi ng bansa, ang mais ang kanilang ginagamit na kagaya ng bigas na isinasaing at kinakain.
Sa ginaganap na Farms and Industry Encounters through the Science and Technology Agenda o FIESTA ng Philippine Council for Agriculture Aquatic and Natural Resources Research and Development ng Department of Science and Technology o PCAARRD DOST at ang kanilang sangay sa Gitnang Luzon ang Central Luzon Agriculture Aquatic and Natural Resources Research and Development Consortium o CLAARRDEC at ginanap sa Philippine Rice Research Institute o PHILRICE.
Sa panayam ni Mj Balaguer ng www.dzmjonline.net nakapanayam niya si Dr Honorio Soriano ng President ng PSAU at Chair ng RRDCC at CLAARRDEC at kanyang ipinaliwanang sa video interview ang pangangailangan na magsama din sa diet ng pinoy ng mga pagkain na hindi bigas o rice based, cassava at sweet potato o potato. Maari din ihalo gawing kalahati bigas at kalahati mais.
Sa ikalawang araw din ng FIESTA ay itinanghal ang ibat ibang aktibidad gaya ng on the spot poster making contest, documentary making contest na lahat ay ukol sa tema ng bigas at para sa wasto at maayos na pagkain nito. Nagkaroon rin ng isang Fashion Show na ang ginamit na kasuotan ng mga kalahok ay mga kagamitang ginagamit sa palayan, gaya ng palay, sako atbp. Kabilang sa mga panauhing pandangal ay si Nueva Ecija Board Member Rommel Padilla at PCAARRD ACD Director Ms Marita Carlos.///Michael Balaguer, michaelbalaguer@yahoo.co.uk 09333816694