Industriya ng Paghahayupan isang mahalagang bahagi ng agrikulturang Pinoy

Livestock Industry an Important Part of Philippine Agriculture

Pag aalaga ba ng Baka, Manok o maging kambing o tupa msasabi na ang paghahayupan ay isang mahalagang baghagi ng agrikulturang Pinoy kaya nga bukas August 24, 2022 ay gaganapin ang Opening Ceremony ng Livestock Philippines 2022 na gaganapin sa World trade Center sa Pasay City, at ang nasabing aktibidad ay inorganisa ng Informa Markets.

Inaasahana ng pagdalo ng mga opisyales ng gobyerno buhat sa mataas at mababang kapulungan ng kongreso sa bahagi ng lehislatura at sa ehekutibo partikular ay ang kagawaran ng agrikultura.

Ang pagbubukas ay magsisimula ng 9AM kasunod ng pag awit ng pambansang awit at pagdarasal at pagbibigay ng pagbubukas na pananalita ng President and CEO ng Informa Markets Asia na si Ms. Margaret Ma Connolly;

kasunod nito ay ang mga mensahe nina Senator Cynthia A. Villar na tagapangulo ng Senate Committee on Agriculture and Food ng 19th Congress, Senate of the Philippines at ni Congressman Wilfrido Mark Enverga na Tagapangulo ng House Committee on Agriculture and Food 19th Congress House of Representatives Philippines.

Samantala inaasahang dadalo at magbibigay ng kanyang keynote address si Secretary ng Department of Agriculture, His Excellency President Ferdinand Bongbong Romualdez Marcos Jr., the President of the Philippines.

Ang iba pang aktibidad ay ang ribbon cutting, at ang launching of the Gawad Livestock at marami pang iba na maglalahad na tunay na ang industriya ng paghahayupan at isang mahalaga at umusbong na industriyang agrikultural sa Pilipinas.

michael balaguer, 09262261791, konekted@diaryongtagalog.net at michaelbalaguer@yahoo.co.uk