“Juan Science, One Nation” 2016 NSTW “Syensaya” LBSF 2016
SA kasagsagan ng sabayang pagdiriwang ng National Science and Technology Week nitong nakaraang linggo kung saan ginanap ang 2016 NSTW sa Manila Science Community, Bicutan Science Community, Quezon City Science Community, Los Banos Science Community at sa mga Regional Offices ng DOST tinutukan ng www.diaryongtagalog.net ang ginanap na pagdiriwang sa punong tanggapan ng Philippine Council for Agriculture Aquatic and Natural Resources Research and Development of PCAARRD sa Los Banos Laguna, July 25, 27 at 29 ng taong kasalukuyan.
Kinapapalooban ng mga exhibits at showcase ng mga teknolohiyang may kaugnayan sa grikultura, pangisdaan at paghahayupan ang namalas sa buong limang araw na itinagal ng 2016 NSTW sa PCAARRD kaalinsabay rin ng pagbibigay nila ng parangal sa mga napagkalooban nila ng mga tulong at teknolohiya o maging mga napondohang programa t proyekto na napakinabangan ng mga adaptors sa sektor ng agrikultura, natural resources at pangisdaan.
Nakibahagi rin sa nasabing okasyon si DOST Sec. Fortunato T. dela Pena, PCAARRD Acting Executive Director Dr. Reynaldo Ebora, dating PCAARRD Executive Director Dr. Patricio Faylon, Dating DOST Undersecretary Dr. Amelia Guevarra at si adating DOST Secretary Mario G. Montejo. Sa National Symposium naman on Agriculture Aquatic and Natural Resources Research and Development ay nagkaroon ng mga paglagda sa mga Memorandum of Agreement sa pribadong sektor na nood ay dumalo upang gamitin ang mga teknolohiyang nilikha ng ahensya bahagi ng pagpapakilala nito sa madla na naglalayong ibaba ang mga biyaya ng agham sa grassroots at sa mga rehiyon na mandatong iniutos ng Pangulong Rodrigo Roa Duterte sa mga kagawaran.///Michael N. Balaguer
—————————————————————————————————————————————————
Edwin Ong, Kapalit ng Ama sa paglilingkod sa Hilagang Samarenyo
SA pag-graduate ng kanyang ama bilang maituturing na pinakamahusay na lingkod bayan sa kanilang lalawigan ng Northern Samar, nasa balikat ng panganay nina dating Congressman Emil Ong ang responsibilidad upang siyang humalili sa ama bilang representante sa kongreso ng ikalawang distrito ng Northers Samar.
Sa naging panayam kapwa ng www.diaryongtagalog.net at ng DZRJ 810 Khz AM sa bagitong mambabatas, sinabi niyang marami siyang naka abang na lehislasyon na kanyang isusulong sa kamara ngunit prayoridad pa rin niya ang mga batas na nakatakda sanang isulong ng kanyang ama nuong huling termino nito.
Bukod sa mga agenda na pambansa ay pangunahin rin sa mambabatas ang kapakanan ng kanyang mga kababayan sa Northern Samar gaya ng nakagawian na ng kanyang ama na si Cong. Emil Ong. Di naman kaila sa mga mamamayan ng Hilagang Samar na napakarami nang nagawang programa at proyekto ni Ong na nakatulong upang maiangat ang kabuhayan ng mga mamamayan sa nasabing lalawigan. Kasama si MJ Balaguer ng DZRJ,////Michael N. Balaguer
—————————————————————————————————————————————————-
GINANAP nitong unang araw ng Hulyo ang paglulunsad ng programang Tryk ni Juan sa pangunguna ng Industrial Technology Development Institute ng Department of Science and Technology kasabay na rin ng 115th Foundation Anniversary ng ITDI. Pinangunahan ni ITDI Director Dr. Patricia V. Azanza sa isang pambungad na pananalita kasunod ang Project Overview ukol sa Abaca Fiber Reinforced Composite ng Tryk ni Juan mula kay Dr. Blessie basilia, hepe ng MSD ITDI.
Nagpaliwanang naman si Dr. Byung-sun Kim, Director ng KIMS ASEAN Collaboration (Korea Institute of Material Science) ukol sa ITDI KIMS Collaboration on Abaca Fiber Reinforced Composite for Industrial Application habang ipinakilala ni Dr. Marissa A. Paglicawan, Project Leader ng KIMS ITDI Project si KIMS South Korea President Hai-doo Kim. Pagkatapos ay ipinakilala ni Engr. Reynaldo L. Esguerra, OIC Deputy Director for R&D ng ITDI si Taguig City Mayor Laarni Cayetano at pagkatapos ng turn over ceremony ng pamunuan ng DOST ay dumating ang panauhing pandangal na si DOST Secretary Prof. Fortunato T. dela Pena, dating USec. ng kagawaran at nagsilbi ring Director ng Technology Application and Promotion Institute.
Pagkaraan ng talumpati ni DOST Sec ay kasunod ang mga ipinamahaging Abaca Reinforced composite tricycle driver’s roof sa mga miyembro ng GSS LUBTTODAI kasama ang Pangulo nitong si Jose Clarete at ang 15 benepisyaryo nito. Makikita ring naka display sa ibaba ng tanggapan ang buong tricycle na gawa ng ITDI. Ang teknolohiya ng Fiber Composite ay napakaraming aplikasyon pang industriyal at militar kaya ang Philippine Army ay may mga representante sa nasabing paglulunsad sa pangunguna ni LTC Leo Edward Y Caranto OS (GSC) PA.
Ginanap rin ang Stakeholders Forum on Industrial Green Composite Application pagkaraan ng paglulunsad kung saan ang mga Koreans din ang kasama na nakibahagi, wika sa open forum sa tanong ng www.diaryongtagalog.net ukol sa halaga ng ipinamahagi sinabi nilang nasa P12,000 ngunit kung ang buong sidecar ay mas tataas pa ng halaga nito.///Michael Balaguer