NAST Talent Search for Young Scientist; Family planning Groups Iginiit na kulang ang suporta ng gobyerno at GM Crops Makakatulong sa Nutrisyon ng Pinoy-Monsanto

Pasay City, PILIPINAS- Muli na namang nagbukas ang Talent Search for Young Scientist na pinangunahan ng National Academy of Science and Technology ng Department of Science and Technology sa lungsod na ito ginanap ang paper presentation ng mga finalist.

Lima ang mga presentation na ipinakita sa mga taga NAST ngayong taon una ay ang presentasyon ni Dr. Angel A. Bandala ng Dela Salle University na may titulong “Implementation of varied particle container for smoothed particle hydrodynamics-based aggregation for unmanned aerial vehicle quadrotor swarm”

Kasundo ay ang kay Dr.Jonathan Carlo A. Briones ng University of Santo Tomas na may titulong ” Clarity in community trophic interaction is essential for the biodiversity conservation and fisheries management of Philippine aquaculture lakes”

ang ikatlo ay ang kay Dr. Rafael A Espiritu muli ng Dela Salle University na may titulong “Interaction between the marine sponge cyclic peptide theonellamide A in sterols in lipid bilayers as viewed by surface plasmon resonance in solid state @H nuclear magnetic resonance”

Ikaapat ay kay Dr. ramon Christian P. Eusebio muli ng Dela Salle University na may titulong “Optimal Selection of desalination System using fuzzy AHP and grey relational analysis”

at ika lima ay ang kay Dr. Jerrold M. Tubay ng University of the Philippines Los Banos na may titulong “Microhabitat locality allows multi species coexistence in terrestrial plant communities”

mapapansing tatlo ang buhat sa dela Salle university at isa sa University of santo Tomas at University of the Philippines System, kapansin pansing ang mga bagong sioyentista ngayon ay di na lamang limitado sa unibersidad ng Pilipinas.

ang naghandog ng pangunang pananalita ay ang NS. raul V. Fabella, ang Chair ng Social Science Division ng NAST at siya ring Chair ng NTSYS Board of Judges at nagpakilala sa mga board of judges at ang criteria for judging.

habang nagbigay naman ng pangwakas na pananalita si ACD Jose Maria P. Balmaceda, miyembro ng Mathematical and Physical Sciences division ng NAST at miyembro rin ng NTSYS board of judges.

Patuloy ang kagawaran ng agham at ang NAST sa paghikayat sa mga kabataang isulong ang pag aaral ng agham sapagkat ito ang tunay na susi sa pag unlad ng bansa.///Michael Balaguer

-30-

Quezon City, PILIPINAS- Iginiit ng mga grupong nagsusulong ng maayos na pagpaplano ng pamilya na kulang ang mga ini implimentang programa ng gobyerno lalo sa Reproductive Health Law at sa kabila nang may batas na aay di pa rin pinapayagan na maikalat ang mga contraceptives para sa vmga kababaihan.

ayon pa sa Family Planning Organization of the Philippines sa isinagawa nilang media forum hindi naman naiimplimentang buo ang reproductive health law, maraming probisyon sa batas na ito na hindi nai implimenta.

bukos sa reklamo nilang hindi tunay na nabibigyan ng tamang edukasyon ang mga kababaihan hinggil sa kanilang mga karapatan pang reproductive at kalusugan sinasabi rin sa presentasyon ni Atty. Claire Padilla na hindi pinapayagang maibigay sa mga kababaihan ang mga gamot na kailangan para sa emergency abortion gaya ng sa mga nagahasa o mga batang nabuntis.

patuloy pa rin umano ang diskriminasyon sa komunidad ng LGBT at may mga lesbian na nagagahasa sa Mindanao na hindi na nagsasampa ng reklamo dahil sa pangambang di naman maa aksyunan.

Kabilang sa mga dumalo ay si dating Department of Health Secretary Dr. Esperanza Cabral, PLCPD Director Ron Dongeto.///Michael Balaguer

-30-

Quezon City, PILIPINAS- Genetically Modified Crops Makakatulong sa Nutrisyon ng Pinoy ayon sa nutritionist ng multi National agricultural research company na Monsanto batay sa pulong balitaan nilang isinagawa sa lungsod na ito ngayon.

” crops like golden rice has beta carotene, biosynthetic gene3s to combat vitamin A deficiency can help prevent 1 to 2 million deaths and 500,000 cases of irreversible blindness annually” ayon kay Dr. Milton Stokes.

si dr. Stokes ay is sa top nutritionist ng kumpanyang Monsanto na nagbigay ng kanyang presentasyon sa mga mamamahayag. bagaman kabi kabila ang mga napapatunayang dulot ng GM crops for food security at para mapakain ang maraming tao ay patuloy pa rin ang debate sa pagiging ligtas nito.

Sa bansa ngayon, bagaman maraming GM crops ang ginagamit na bilang pagkain, gamot at cosmetics at hayagan nang napatunayana na ang makabagong agham ang bisa at pagiging ligtas ng maraming GM crops may mga isyu pa rin na may nature na politikal kaya sa kabila ng kabutihang dulot ng mga pag aaral at pagsasaliksik..///Michael N Balaguer