

ENERO 10, 2021- ang pagkakasabay sabay ng lahat ng mga relo sa buong 7,100 plus na kapuluan ng Pilipinas ang isinusulong ngayon ng Department of Science and Technology (DOST) sa bagong “ORAS PINAS” bilang pagsunod sa Philippine Standard Time (PST).
Matatandaang ito ay ang dating “Juan Time”, ang kampanya sa pagususlong sa ORAS PINAS ay para mai sync ang PST nationwide at lahat ng mga relo sa PST, ang bagong Filipino Time.
Kada taon, pinangungunahan ng DOST ang observance sa National Time Consciousness Week (NTCW) alinsunod sa Republic Act No. 10535 o ang Philippine Standard Time (PST) Act ng 2013.
Ang NTCW ay tuwing unang lingo ng Enero kada taon na naglalayong ituro ang kahalagahan ng pagrespeto sa oras dahil dito ay matututo ang tao na pahalagahan ang oras lalo pag tama at synchronized ito.
Mula sa temang “Synchronizing Filipino Time with ORAS PINAS”, layunin ng NTCW 2021 na ipakilala ang ORAS PINAS bilang bagong brand ng PST na may tagline na , “One Nation, One Time: Pilipinas ON TIME”. Sa pamamagitan ng brand na ito inaasahan ng kanilang kampanya na ma institutionalize ang isang bagong kultura sa Filipino na maging lagi nang on time at may only one time sa buong bansa.
Ang PST ay set ng DOST-Philippine Atmospheric, Geophysical and Astronomical Services Administration (PAGASA), ang official timekeeper ng bansa simula pa nuong since 1978 as mandated ng Section 6 of Batas Pambansa Blg. 8.
Ang Isini set ng DOST-PAGASA na timing system ay ang rubidium atomic clock, Global Positioning System receiver,time interval counter, distribution amplifier, at computer. At pang i-sync ang mga relo ay maaring bisitahin ang DOST-PAGASA website http://bagong.pagasa.dost.gov.ph/ and get the new Filipino Time.buhat sa mga detalye galing DOST-PAGASA.///Michael Balaguer, +639333816694, konekted@diaryongtagalog.net
-30-

.
Proyektong GULAYAN SA PAMAYANAN na take off sa 3 barangay ng NCR
ENERO 10, 2021- Tatlong barangay sa kamaynilaan ang binigyan ng mga kagamitan para magsimula ng gulayan upang maging katiyakan sa seguridad sa pagkain ngayong pandemya.
Mga urban gardening technologies gaya ng Enriched Potting Preparation (EPP) at Simple Nutrient Addition Program (SNAP) Hydroponics. Ang nasabing inisyatibo ay bahagi ng programang GALING-PCAARRD Kontra COVID-19 ng Philippine Council for Agriculture, Aquatic and Natural Resources Research and Development of the Department of Science and Technology (DOST-PCAARRD). Ang “GALING” ay acronym para sa Good Agri-Aqua Livelihood Initiatives towards National Goals.
Isa sa mga component ng nasabing programa ay ang “Gulayan sa Pamayanan,” na naglalayong magbigay ng kabuhayan sa mamamayan sa pamamagitan ng maka agham na paraan ng agrikultura sa pagtatanim ng gulay sa kamaynilaan o sa lungsod.
Ang mga lider ng mga komunidad ay binigyan ng capacity-building exercises and training sa S&T-based urban gardening technologies. Inaasahan ng programa na mabawasan ang kagutuman sa mga kabahayan at pamayanan ngayong COVID-19 pandemic.
Ang DOST-National Capital Region, sa pamamagitan ni Director Jose B. Patalinjug III at Ms. Elvin B. Almazar, ang nag implimenta ng Gulayan sa Pamayanan project sa ilalim ng gabay ng Agricultural Resources Management Research Division of DOST-PCAARRD. Buhat sa detalyeng mula sa PCAARRD at DOST NCR.///Michael Balaguer, +639333816694, konekted@diaryongtagalog.net
