PAGSUGPO SA MALNUTRISYON, PANGANGAILANGAN SA MALINIS NA INUMING TUBIG AT KAHALAGAHAN NG NIYOG IPINALIWANAG SA RSTW MIMAROPA

PANGANGAILANGAN sa malinis na inuming tubig, pagsugpo sa malnutrisyon sa mga bata partikular sa mga kapuluang gaya ng MIMAROPA lalo sa lalawigang ito at ang kahalagahan ng Niyog ang kabilang sa tinalakay at ipinrisenta sa huling araw ng RSTW 2017 MIMAROPA.

Malaking suliranin ang malnutrisyon sa mga bata, katunayan ay ito ang isang adbokasiyang sinasakyan ng maraming pamahalaan at non government organization sa mundo na isang napakahalagang problemang kailangang lutasin.

Maaring hindi batid ng nakararami ngunit bahagyang nasulusyunan na ng Department of Science and Technology (DOST) ang problemang ito sa bansa at ngayon ngang RSTW sa bahaging ito ng MIMAROPA ay kanilang inihatag upang ipaalam sa madla.

Kabilang sa mga paunang ipinrisenta ay ang “Combating Malnutrition through Complementary Baby Foods” ni Rachel B. Montero ng DOST Oriental Mindoro,  kung saan ang naging moderator ay ang Philippine Science and Technology Director na si Jesse M. Pine.

Ang mga complementary baby foods ay likha ng Food and Nutrition Research Institute (FNRI) upang solusyunan ang problema ng mga bata sa kanilang nutrisyon, sa mga liblib na lugar sa bansa, mga kabundukan pati na rin sa mga pulo gaya ng MIMAROPA,, aminadong may kakulangan ang nutrisyon ng mga bata.

Ang interbensyon na ito ng kagawaran ng agham sa kalusugang nutrisyunal ng mga bata ay ugma sa pandaigdigang suliranin sa malnutrisyon ng World Food Programme (WFP).

SAMANTALA,kung napag usapan ang pagkain na maaring maging panlaban ng bata sa malnutrisyon ang unang tinalakay ng Provincial science and Technology Director ng Mindoro, tungkol naman sa inuming tubig ang pinag usapan sa sumunod na bahagi ng mga presentasyon.

Ang Ceramic water Filter kung saan ang clay na ginamitan ng nano technology ay nabatid na kinukuha pala sa Marinduque

,isang napakahalagang resource ang inuming tubig lalo sa mga kabundukan at kapuluang gaya ng MIMAROPA region at ang pagka likha dito ng Industrial Technology Development Institute (ITDI) ng DOST ay isang mahalagang hakbang upang masolusyunan ang suliranin sa mga water borne diseases na nagbibigay ng karamdaman o higit kamatayan sa mga bata o mga mamamayan sa mga lugar ng disaster, mahihirap o di maabot na mga lugar.

KAUGNAY NITO,isang malaking isyu ang tungkol sa pandaigdigang kalagayan ng industriya ng niyog na sinisiraan ng United States of America (USA) dahil may mga iba silang nakatagong agenda na dahilan ng kanilang pagsira sa industriya. Napag alamang bukod sa kopra ay maraming produktong maaring pigain sa niyog na tinagurian natin “Punongkahoy ng Buhay” ayon sa pag aaral ng Philippine Coconut Authority ng Department of Agriculture. Ayon sa PCA kung magtatagumpay ang pagsira ng Amerika sa kredibilidad ng buko, maaring maapektuhang malaki nito ang isang malaki at malawak na industriya ng Enerhiya, pagkain, pharmaceuticals, konstruksyon atbp dahil bawat himaymay ng punongkahoy ng niyog ay gamit-na-gamit sa lahat ng aspeto ng buhay.

Ilan sa mga halimbawa ay ang nata de coco na gamit at sangkap sa paglikha ng mga integrated circuit at micro chips, virgin cocnut oil na gamit sa mga bansang japan at korea bilang sangkap sa wellness industry bilang mga kagamitan sa kanilang mga spa, bukod sa medicinal and pharmaceutical value nito bilang pampapayat at vitamins din ng aso upang di maglagas ang balahibo.

Batid na ang ang sukang galing sa niyog at ang fermented coconut juice na lambanog ay sumisindi dahil sa combustibility nito at mainam na fuel bukod pa sa nutritional value nito na bantog na sa buong mundo bilang energy drink replacement.

Sa huli, ang mga ipinrisinta sa huling araw ng RSTW sa MIMAROPA region ay di lang mahalaga sa mga mamamayan nito kundi pati din sa buong bansa, ang solusyon upang lutasin ang problema ng malnutrisyon sa mga bata sa pamamagitan nang paglikha ng complementary food ng FNRI ay isang maka agham na solusyong kasabay ng paglikha ng ITDI ng ceramic water filter na lalaban sa mga waterborne diseases upang bawasan ang mortality rate sa lugar at dahil sagana ang isla ng Romblon sa buko ay mabuting ipina alam ng PCA ang mga kabutihang dulot nito di lang sa kalusugan kundi pati rin ang mga oportunidad na I negosyo ito mismo ng mga magtatanim na siyang benepisyo ng kontrobersyal na coco levi fund.(MJ Olvina-Balaguer, 09053611058, maryjaneolvina@gmail.com)

-30-