5 milyong fingerlings ilinagay ng gobyerno sa laguna de bay
SA KATAPATAN ng pagtupad sa pangakong bubuhayin ang mga inland waters sa pamamagitan ng pagpuno dito ng mga non invasive at katutubong isda nagbaba ng tinatayang 5 milyong pirasong fingerlings ang kagawaran ng agrikultura at ang bureau of fisheries and aquatic resources sa lawa ng laguna.
Pinakamalaking lawa sa bansa ang lawa ng laguna at dahil sa dami ng mga baklad rito ay nagiging polyuted na ito sabay pasok pa ng mga invasive na isda gaya ng knife at janitor fish kaya upang matiyak ang tamang rehabilitasyon nito ay nakipagtulunan ang DA BFAR sa laguna lake development authority sa programa nilang tinaguriang BASIL o balik sigla sa ilog at lawa.
Layunin ng BASIL na maibsan ang kagutuman lalo ng mga maliliit na mangingisda ng bansa na kabilang sa mga mahihirap na sektor ng lipunan. Nasa 3.65 milyong piso ang halaga ng mga fingerlings na buhat sa pamahalaan na kung saan ang 56.3 milyon ay ipinamahagi sa kabuuang 1, 478 na mga mamamalakaya ng calabarzon sa pamamagitan ng mga pagtulong pangkabuhayan, mga bangkang de motor, lambat at mga pautang puhunan na maibabalik naman sa mababang interes./Norma Nodalo-Balaguer/
-30-
BASIL pinangunahan ng DA BFAR
GINANAP ang paglulunsad ng Balik Sigla sa Ilog At Lawa o BASIL na may layuning buhayin ang mga lawa gaya ng lawa ng laguna dito sa bayan ng Los Baños upang makatulong sa kabuhayan ng mga mangingisda sa baybayin ng lawa.
Pinangunahan ng Department of Agriculture, Bureau of Fisheries and Aquatic Resources ang nasabing okasyon na dinaluhan ng Punong Bayan nang Los Baños na si Ceasar Perez kasama ang kalihim ng Kagawaran ng Agrikultura na si Secretary Manny Piñol at Senator Cynthia Villar na chairperson ng Senate Committee on Agriculture and Food bagaman hindi nakapunta ang Punong Lalawigan ng laguna na si Governor Ramil Laurel Hernandez natuloy pa rin ang programang ginanap kasabay ng kaarawan ng pambansang bayani na si Dr. Jose Rizal na isang taga laguna, sabi ng representante ng gobernador ay may aktibidad umano sa kapitolyo kung saan ang gobernador ay gumanap bilang si Rizal sa isang programa kaya hindi ito nakadalo.
Bukod sa lawa ng laguna ay ilan pang mga lawa at ilog sa bansa ang tutunguhin ng kagawaran upang buhayin na bahagi rin ng proyektong BASIL./Norma Nodalo-Balaguer/
-30-
Lawa ng laguna pasisiglahin nang BASIL project ng BFAR
MAKASAYSAYAN ang lawa ng laguna at sa mga akda ng ating pambansang bayaning si Dr. Jose rizal at malimit niyang mabanggit ang kanyang pagyaot dito mula sa kanyang bayan ng Calamba patungong Maynila ngunit ang lawa ng laguna nuong panahon ng mga espanyol at ang lawa ngayon ay may malaki ng pagkakaiba.
Bukod sa pagpasok ng mga invasive species gaya ng knife fish at janitor fish na lubhang mapaminsala at galing lang sa mga iresponsableng mamamayan sa tabi ng lawa na walang habas magtapon ng aquarium fish na di na nila kayang alagaan, ekta ektarya namang mga baklad ang naka hambalang sa malaking bahagi ng lawa na nagpapa polyut sa nasabing makasaysayan at pinakamalaking inland body of water sa bansa.
Bunsod nito ay ang pakikibahagi sa konserbasyon ng lawa na pinangungunahan ng Laguna Lake Development Authority at DENR kung saan kanilang nire regulate ang patuloy na pagtatayo ng mga fish pens ng mga mayayamang residente sa tabi ng lawa na humaharang sa kabuhayan ng mga maliliit na mamamalakaya.
Sa project BASIL di lang bubuhayin ang lawa kundi tutulungan rin ang mga mangingisda na ipagpatuloy ang komunidad nila dahil magiging masigla nang muli ang pangingisda sa lawa gaya nuong panahon ng bayaning si Dr. Jose Rizal.
Nakibahagi rin si LLDA chairman Jaime C. Media na dating punong bayan ng Pateros na isang bayan sa Kamaynilaan na matatagpuan rin sa tabi ng lawa./Norma Nodalo-Balaguer/