BASIL nang DA BFAR Iniliunsad sa Laguna; Katutubong mga isda pinakawalan ng DA BFAR at DA Sec at Sen Villar nakibahagi sa BASIL

BASIL nang DA BFAR Inilunsad sa Laguna

 Los Baños, laguna- Inilunsad ng Department of Agriculture-Bureau of Fisheries and Aquatic Resources kamakailan ang programang Balik Sigla sa Ilog at Lawa o BASIL kung saan layunin nitong muling buhayin ang mga lawa at ilog sa pamamagitan ng pagbabalik ng mga katutubong isda sa mga ito.

Kasama ang ibat-ibang stakeholders gaya ng mga magingisda buhat sa mga lalawigan ng Region 4A o CALABARZON (Cavite, Laguna, Batangas, Rizal at Quezon)nagkita kita ang mga ito sa okasyong pinangunahan ng BFAR kung saan mismong ang agriculture Secretary ang nagsilbing panauhing pandangal.

Isang mahalagang rutang daanan sa kasaysayan ang ating mga ilog at sa paligid ng makasaysayang Laguna De Bay naman ay umusbong ang mga lipunan nuong panahon ng mga Espanyol dahil sa Ilog Pasig na dinaraanan mula sa Look ng Maynila.

Ibat ibang species ng mga isda ang pinakawalan o tinatayang 200 million fingerlings ang pinakawalan sa lawa sa layuning I re populate ng mga ito ang yamang tubig na pinagkukunan ng kabuhayan ng maraming taga Laguna, Rizal, Kamaynilaan atbp.

Ilan sa mga national agencies na nakibahagi ay ang Laguna Lake Development Authority, National Anti Poverty Commission, Department of Social Welfare and Development at ang Department of Environment and Natural Resources.///Michael N. Balaguer

-30-

Katutubong mga isda pinakawalan ng DA BFAR

Lawa ng Laguna , Pilipinas-mga katutubong isda gaya ng gorami, ayungin, biya, kanduli at mga isdang non invasive ang halos 200 milyong fingerlings na mananahan sa lawang ito at ilinagay ng Bureau of Fisheries and Aquatic Resources kasabay ng paglulunsad ng BASIl program ng ahensya kung saan ang layunin ay ibalik ang sigla ng mga lawa.

Kaagapay ang National Agiculture and Fisheries Council at ang Universilty of the Philippine Los Baños layunin nitong mas manaig ang bilang ng mga katutubong non invasive na isda kontra sa mga knife at janitor fish na nagkalat at naglalakihan na sa lawa bunsod ng iresponsableng pagtatapon.

Ayon naman sa komunidad ng agham na nakabase sa nasabing lungsod, ini engganyo nilang mag alaga ang mga mangingisda ng lawa ng mga hipon, hito, ulang at dalag dahil mga madaling dumami ang mga ito at makapagdaragdag ng kita sa mga mangingisda.

Pagkatapos ng paglulunsad ay sa ibang mga lawa naman magtutungo ang ahensya gaya ng Lake Buhi, Lake lanao, Lake Sebu, Taal Lake, lake Mainit at Naujan Lake.///Michael N. Balaguer

-30-

Secretary Piñol at Sen Villar nakibahagi sa BASIL

 Bgy. Baybayin, Los Baños Laguna-Si Department of agriculture Secretary Emmanuel Piñol at Senator Cynthia Villar na head ng Senate Committee on Agriculture and Food ang nakibahagi sa BASIL o Balik Sigla sa mga Ilog at Lawa na pinangunahan ng BFAR.

Bukod sa paglalagay ng mga katutubong isda sa lawa na bahagi ng programa ay namigya naman nang mga gamit pangisda at pangkabuhayan ang kalihim at senador sa mga mangingisda na dumalo sa nasabing paglulunsad,.

Mga bangka na gawa sa fiberglass at brand new na mga motor ng bangka kasama ang mga lambat, lifevest at mga kagamitang magagamit ng mga mangingisda sa laot ang ipinamigay habang ang mga grupo ng mangingisda ay binigyan ng senadora ng mga livelihood assistance na halos milyon din ang halaga upang makatulong sa kanilang kabuhayan.

Ayon sa kalihim ng agrikultura, ang mga ipinamigay na bangka ay pagmamay ari ng dalawang pamilya upang maiwasan ang agad na pagsangla o pagbenta ng mga ito at matiyak na magagamit ito para iangat ang kabuhayan ng mgamay ari.///Michael N. Balaguer