Libu-libong tagasuporta nang Pangulong Duterte dinagsa ang Malolos Sports Complex
Libu-libong tagasuporta nang Pangulong Rodrigo Roa Duterte ang nakibahagi sa malakihang panunumpa ng mga bagong kasapi sa Partido Demokratiko Pilipino Lakas ng Bayan (PDP LABAN) sa pangunguna ni Malolos Mayor Christian Natividad.
Marami sa mga halal at nakaupong punong bayan at lungsod sa Bulacan ay nakibahagi sa nasabing aktibidad kabilang ang din ang mga lnakaraang lider ng lalawigan na kaalyado na ngayon ng pangulo.
Sa kabila nang buhat sila sa magkakaibang partido nuon ay nagsama sama ang mga magigiting na Bulakenyo para isulong ang mga programang katuwang nila ay naisusulong na ng presidenta gaya ng digmaan kontra droga at kontra korapsyon habang kasalukuyang nagkakaroon ng malawakang pagpapakalat ng mahalagang impormasyon ukol sa pederalismo.
Layunin nitong baguhin ang kasalukuyang porma ng pamahalaan buhat sa unitary presidential hanggang sa presidential federal gaya ng gobyerno ng Amerika.
Aminado ang mga opisyales ng partido sa nasyunal na mahaba pa ang lalakbayin ng pangarap na ito ng gobyerno ngunit unti unti dahil sa malawak na ang narating mga mga nagsusulong nito ay matututunan na rin ng mas nakararami ang magiging kabutihan nito sa lalawigan, sa rehiyon at sa buong bansa. mula sa larawang kuha ni Marcy Najera. {Marissa Mayo, 09550996412, diaryongtagalog@ymail.com}

FISHYALAN ng DA-BFAR Binuksan
Uso na ngayon ang Agri-Tourism o ang fusion ng agrikultura at turismo. Sa bahagi ng paghahayupan at paghahalaman ay matagal na itong naisakatuparan at marami na itong binuhay na agri entreprenyur ngunit sa sektor pangisdaan ay ngayon pa lang.
Nitong January 30 2018 ng Department of Agriculture-Bureau of Fisheries and Aquatic Resources National Inland Fisheries Technology Center sa Tanay Rizal ang FISHYALAN o Pangisdaan at Pasyalan All In One.
Layon ay makalikha ng alternatibong destinasyon pang turismo sabay pagsulong sa pangangalaga ng kalikasan at kabuhayan para sa itinuturing na pinakamahirap na sektor ng lipunan, ang pangisdaan.
Sa pamamagitan ng paghahalo ng makabagong teknolohiya at natural na kasipagan sabay ang kagandahan ng kapaligiran ay maari ng mabuo ang isang progresibong industriya na maaring ituring na ekolohikal turismo.
Kabilang sa mga dumalo sa paglulunsad ay sina DA-BFAR Director Usec. Eduardo C. Gongona, Tanay Rizal Mayor Rex Manuel Tanjuatco, Asec. Josephine David ng Department of Tourism at DA-BFAR Assistant Director Drusila Esther Bayote.///with text and photos by Michael N. Balaguer, 09333816694, michaelbalaguer@diaryongtagalog.net