
Nakatakdang hanapin ang isang pulong balitaan ukol sa African Swine Fever at ang kasalukuyang mga teknolohiyang hatid ng kagawaran ng agham para tugunan ang sektor ng mga nag aalaga ng baboy para sa katiyakan sa pagkain.
Pangungunahan ng Philippine Council for Agriculture Aquatic and natural Resources Research and Development (PCAARRD) ng Department of Science and Technology (DOST) ang nasabing pulong balitaan kung saan magkakaroon ng mga pagtalakay at paglalahad ng mga solusyong maka agham sa naturang pandaigdigang suliranin sa pinagkukunan ng pagkain ng maraming Pilipino.
Ito ay bahagi ng programang Technology to People ng kagawaran ng agham na tinaguriang “PIGusapan: Agham Teknolohiya at Inobasyon Laban sa African Swine Fever”
Kabilang sa mga inaasahang darating para makibahagi sa nasabing pulong balitaan ay sina DOST Sec Dr Renato U Solidum Jr, PCAARRD Executive Director Dr Reynaldo V Ebora, PCAARD Livestock Research Division DR Synan S Baguio na mag sulat sa estado ng ASF sa Pilipinas ngayon at ang TUSLOB at VIPtek at Business Development Manager ng BioAssets Corporation Mr Shervi N Emcabo na tatalakay ukol sa BioAssets Mobile Biocontainment Laboratory.
Inaasahang dadalo din ang mga mamamahayag na nag sulat sa agrikultura at agham at iba pang kaugnay na pagbabalita sa nasabing mahalagang pulong balitaan.

