VALENZUELA, SCIENCE DRIVEN CITY NG CAMANAVA
MALINTA, VALENZUELA CITY-MASIGLANG ipinagdiwang ang ikalawang bahagi ng Regional Science and Technology Week sa Kamaynilaan na pinangunahan ng Department of Science and Technology National Capital Region (DOST NCR)nitong nakaraang September 6, 2017.
Ang CAMANAVA S&T FAIRS and EXHIBITS bagaman pinangunahan ng DOST region sa Kamaynilaan ay isang maituturing na pagtutulungan ng buong kagawaran ng agham dahil kabilang sa mga may malaking naiambag sa ikatatagumpay nito ay ang Technology Applications and Promotions Institute (DOST TAPI) at Metals Industry Research and Development Center (DOST MIRDC) at marahil sa lubos na pagsuporta ng pamahalaang lokal ng Valenzuela ay lubos na naging matagumpay ang taunang aktibidad.
Bukod kay DOST Sec. Fortunato T. dela Peña na panauhing pandangal at Valenzuela City Mayor Rexlon T. Gatchalian, inimbita rin ni DOST NCR Dir. Jose B. Patalinjug III si TAPI Director Engr. Edgar Garcia at MIRDC Director Robert O. Dizon.
Nakibahagi rin sina DOST USec Brenda L. Nazareth-Manzano na USec for Regional Operations at George T. Barcelon, ang kasalukuyang Pangulo ng Philippine Chamber of Commerce and Industry.
Ang isang bayan o lungsod na naniniwalang may malaking magagawa ang agham, teknolohiya at inobasyon sa tuluyang pag angat ng kabuhayan ng tao ay makikita sa pagtangkilik nito sa bunga nang nasabing mga kaparaanan at kabilang dito ay ang ginawang pagpapakontes ni Sec. Dela Peña sa mga mag aaral kung saan humingi siya ng representante ng bawat paaralan at kanyang tinanong ukol sa ilang bagay tungkol sa agham at sa kagawaran.
Nakasagot ng tama sa mga naging katanungan ang mga mag aaral isang patunay sa pagtangkilik ng isang progresibong lungsod gaya ng Valenzuela sa disiplina ng agham, sa bunga nito na teknolohiya at ang mga pagbabago o inobasyon na ang dulo ay para sa ikauunlad ng sambayanan.///michael N. Balaguer, 09333816694, michaelbalaguer@diaryongtagalog.net
-30-
SCIENCE 4D PEOPLE SUMIPA SA CAMANAVA KASAMA ANG DOST NCR
LUNGSOD NG VALENZUELA, PILIPINAS-AGHAM na tunay na nararamdaman hanggang sa pinaka pangkaraniwang mamamayang Filipino o ang agham na para sa tao. Sa temang ito halos uminog ang pagdiriwang ngayong taon ng pambansang linggo ng agham at teknolohiya at sa mga rehiyon, tunay nga na bahagyang nadarama ang tema na ito, lalo sa lungsod na ito.
Dating bahagi ng lalawigan ng Bulacan at ngayon ay isa sa mga progresibong lungsod sa Kalakhang Maynila, kinatatayuan ng mga negosyo at industriyang patuloy na naniniwala na ang kanilang mga hanapbuhay ay kailangang magkaroon ng prosesong maka agham, na dapat sumabay sa inog ng bunga nito na teknolohiya at umindayog sa likaw ng pagbabago kaya kailangan ng inobasyon.
Nais ng DOST NCR sa pangunguna ng masipag na Director nitong si Dir. Jose B. Patalinjug III na maramdaman ng CAMANAVA na naryan ang kanilang ahensya at ang buong DOST sa pangunguna ni Sec. Fortunato T. dela Peña na maisakatuparan ang nasabing dakilang layunin na isa ring mandato o atas ng administrasyon ni Pangulong Rodrigo Roa Duterte.
Kaya nga at patuloy na pinag iibayo ang SETUP o Small Enterprise Technology Upgrading Program kung saan pinakamarami pa rin ang negosyong nagpapatulong sa industriya nang pagkain at pagpo proseso ng pagkain.
Pinalakas din ang CEST o Community Empowerment through Science and Technology, sabi nga nang mga nakapanayam ng www.diaryongtagalog.net mas naramdaman nila ang agham nitong pagpasok ng administrasyon ni Digong, maituturing na papuring may kabalintunaan dahil sa kabila ng kaliwat-kanang patayan at usapan ng droga’t pagnanakaw, bumabango pa rin ang imahen ng pamahalaan sa mabuti at makatotohanang serbisyo.
Hindi lang mga entreprenyur ang nakikinabang sa pagbaba ng kagawaran ng agham kundi pati ang mga imbentor at mananaliksik dahil sa tulong ng TAPI na pinangungunahan ni Engr. Edgar Garcia. Panayam kay Engr. Robert O. Dizon ng MIRDC, sa simula naman umano ay hindi rin alam ng mga SETUP beneficiaries ang mga makinang kailangan nilang gamitin para iangat ang kanilang mga negosyo, ang mga sangay sa rehiyon ng DOST gaya ng DOST NCR ang lumalapit sa kanila upang humingi ng tulong teknikal.///michael Balaguer, 09333816694, michaelbalaguer@yahoo.co.uk
-30-
ACBF PRODUCTION PLANT PINASINAYAAN SA VALENZUELA
MAS malaki ang magiging kita sa produksyon ng isang produkto kung sa halip na mano-mano ay mekanisado. Nabanggit ni Food and Nutrition Research Institute (FNRI-DOST) Director Dr. Mario Capanzana ang Complementary Baby Food nila na may mga adaptors na sa ibat-ibang bahagi ng bansa.
Sa patuloy na digmaan kontra malnutrisyon, malaki ang pangangailangan na pag ibayuhin ang mga pasilidad pam produksyon ng mga produktong masusing pinag aralan at sinaliksik ng mga food scientist upang mahikayat ang lokal at dayuhang pamilihan na I adapt ito at magkaroon ng komersyalisasyon.
Sa pakikipagtulungan ng Department of Science and Technology, City Government of Valenzuela, Philippine Chamber of Commerce and Industry at ng Valenzuela Polytechnic College inilunsad ang kauna unahan sa Filipinas na Fully Automated Baby Food Production Facility .
Nakipagtulungan ang DOSTNCR sa LGU at ang MIRDC ang bumili at naglagay ng mga kinakailangang makina habang naatasan ang camber na I-promote ito sa madla.
Tunay na epektibong panlaban sa malnutisyon at pagkabansot sa mga bata ang kombinasyon ng bigas at munggo na maaring ipalit sa nakagiliwan ng mga bata na “junk food”.
May mga pasilidad rin sa ibat-ibang bahagi ng bansa na gumagawa ng mga complementary food gaya sa mga lungsod ng Tuguegarao, General santos, mga rehiyon gaya ng Kabikulan at Antique ngunit panay manu-mano lamang ang paraan ng produksyon rito habang ang nasa Valenzuela Polytechnic College ay fully automated.///michael n. balaguer, 09333816694, michaelbalaguer@diaryongtagalog.net