Wedding of the century at the century city mall; Seguridad sa Pangkain at Kontra Malnutrisyon sa 44th FNRI Seminar Series at Data Privacy..Kailangan ngayon!

Make-up my Marvin Tulawan of 4:13 event Pro

————————————————————————————————————————Wedding of the century at the century city mall

Whether you are thinking of getting married, already married and about to renew your vows or just wanting to find a suitable couturier, venue, photographer, videographer, make-up artist, caterer and essentials on your dream wedding, this recent event on century city mall in Makati is what is best for you.

Dubbed as “Wedding of the Century at Century City Mall” it has showcased elegant apparel from prestigious designers such as Edwin Uy, Dave Ocampo and Chynna Mamawal held at the Event Center of the mall and also held a Fashion show on the first night. The event took place June 30 to July 1 2018.

Though many of the exhibitor’s price range aren’t that friendly on the pocket anyway as they say weddings come once in a lifetime so to speak. From re invented photo boots to astonishing facial make over to gastronomically delicious cuisine.

It also is a bridal fair, because most of the exhibits cater to the bride rather than the groom. True enough even the blogger has some chance of experiencing a not so extreme make over.

Designers Edwin Uy, Dave Ocampo and Chynna Mamawal showcased different trends for brides and groom. From the simple and delicate to a more glamorous style, brides-to-be were at awe with the designs showcased in Century City Mall’s Wedding of the Century.

Brides-to-be were also able to experience a make-up session from the Hair and Make-up artists present in the venue and can book there for their upcoming wedding.

Food tasting from Le Chef by Chef Billy King were present in the event, which guests were given a sumptuous food spread all over wedding themed entrees and desserts that would make you feel the love given in making the occasion more special.

Wedding of the Century Bridal Fair was such a success with all the couples and guest that attended and joined us in Century City Mall that we hoped you can join us again at the Century City Mall. Follow us on the following hashtags: #WeddingsOfTheCentury #CenturyCityMall

With Photos from Michael Balaguer (09333816694, michaelbalaguer@diaryongtagalog.net), (MJ Balaguer, DZMJ ONLINE, 09053611058, maryjaneolvina@gmail.com

 

Seguridad sa Pangkain at Kontra Malnutrisyon sa 44th FNRI Seminar Series

Dahilan sa patuloy na lumalaking populasyon ng bansa kung saan nagsisiksikan sa mga malalaking lungsod ang bulto ng mga tao, kailangan ng pamahalaang tiyakin na sapat ang pagkain ng bayan at maiiwasan ang malnutrisyon.

Ito ang nasa likod ng mga programa ng pamahalaan sa pamamagitn ng Department of Science and Technology, Food nad Nutrition Research Institute (DOST FNRI), nitong July 4 hanggang 6 isinagawa ang 44th FNRI Series on Food and Nutrition Research at Science and Technology Activities sa Sentury Park Hotel maynila kung saan ang kanilang tema na Generating sustainable food resources for food security, optimum nutrition and wellness.

Holistic ang approach ng gobyerno upang labanan ang malnutrisyon at ang gutom lalo na para sa mga mahihirap na hi hamak mas malaki ang populasyon kaysa sa middle class at kakaunting mayayaman. Nagkaroon ng exhibits of researches buhat sa ibat ibang sektor pangnutrisyon na nasasakupan ng DOST, DOH at DSWD.

Pinangunahan ni Dr. Mario Capanzana ang Director ng FNRI ang aktibidad kasama sina Dr. Rowena Cristina Guevara, DOST USec for Resaerch and Development, Dr. Edwin Villar ng PCAARRD at Ms. Udarbe ng FNRI at DOST Sec Fortunato T. dela Pena at mga Punong Bayan buhat sa Luzon, Visayas at Mindanao.

Multi stakeholder ang nasabing aktibidad kung saan ang mga sektor na may kaugnayan sa nutrisyon ay naroon at nakibahagi kasama ang National Nutrition Council, mga pribadong kumpanya pang agrikultura gaya ng Monsanto atbp.kasama si MJ Balaguer ng DZMJ Online, 09053611058, maryjaneolvina_balaguer @diaryongtagalog.net///Michael Balaguer, 09333816694, michaelbalaguer@diaryongtagalog.net

Isang malaking biyaya ang naidulot sa ating lahat nang dumating ang Internet. Lalo at higit sa bahagi ng komunikasyon, ang dating malalayo ay napaglalapit at nagkakaroon ng pagkakataon ang mga magkakamag anak na magkita kita saan man sila naroon sa ibat ibang sulok ng daigdig.

Sa kabila ng maraming kabutihang naidulot nito kaalinsabay rin ang pagkakaroon ng kaugnay na mga negatibong epekto at isa na rito ang privacy.Sa panahon ngayong patuloy na nagiging mabilis ang paglipas nang antas ng teknolohiyang ginagamit natin gaya ng mga smart phones, mga application files, social media accounts at e-commerce mas lalong kailangan nating intindihin ang ating mga ini encode na mga mahalagang detalye sa ating buhay.

Sa pagdiriwang ng unang National Data Privacy Conference na pinangunahan ng National Privacy Commission, ipinaunawa ng komisyon kasama ang Department of Information and Communication Technology, Department of Trade and Industry at mga pribadong software companies ang tunay na kahalagahan ng data privacy para sa buhay, negosyo atbp lalo sa panahon ngayon na madaling makuhanan ang sinuman ng kanyang mga mahalagang detalye sa kabila ng mga makabagong security features na ino offer ng mga software companies.

Sa napipintong pagtulak sa implimentasyon ng Nationa Identification Card para sa lahat ng Filipino, bumalik na naman ang mga agam agam ng ilan na maari nitong labagin ang mga karapatan para sa data privacy.

Maaring tama nga ang mga kritiko sa unang tingin dahil pangunahing mga detalye sa buhay natin ang napipintong mai encode sa nasabing ID gaya ng biometrics (Retina, Fingerprint atbp) kaakibat pa nito ang pangalan, araw ng kapanganakan, tirahan at contact numbers. Habang ang nakikita nang marami na mabuting maidudulot nito ay magkakaroon na lamang ng isang unified Identification Card na maaring gamitin sa mga transaksyon sa gobyerno man o pribado gaya ng bangko.

Sa kabila nito ay maarin din naman itong gamitin para i profile ang mga sinasabing kaaway ng estado upang maagapan sakaling may gawin silang maaring maka sama o makapagdulot ng kaguluhan sa maraming tahimik na mamamayan. Sa huli, wika nga ni Chairman and Commissioner ng National Privacy Commission raymunt Enriquez-Liboro sa panayam ng www.diaryongtagalog.net-DZMJ ayaw man nating gawin ay kailangan nating maging makasarili.
Hindi umano makakabuti para sa atin ang pagse share ng ating mga mahalagang detalye sa social media dahil maari natin itong ikapahamak, hindi dapat iisa lang ang passwords para sa ibat ibang social media at email accounts, hindi dapat maniwala sa lahat ng sinasabi sa internet kailangang alamin kung reputable ba ang pinagkukuna ng impormasyon, ang 1st national Data Privacy Conference ay ginanap ngayong 28 at 29 ng Mayo, 2018 sa Philippine International Convention Center.

Sa european Union countries isinusulong ang General Data Protection Regulation (GDPR)dito naman sa atin ay PSST!!! o ang Privacy, safety, Security and Trust online.///larawan at text ni Michael Balaguer, 09333816694, michaelbalaguer@diaryongtagalog.net