BULACAN fires up National Arts Month
CITY OF MALOLOS- Provincial Government of Bulacan joined the country in celebrating the National Arts Month spearheaded by National Commission of Culture and the Arts ( NCCA) through the Provincial History, Arts Culture and Tourism Office launched the celebration with the its theme version “Kislap ng Sining sa Bulacan” during the
Monday Flag Ceremony held at the Bulacan Capitol Gymnasium which showcased the Bulakenyo talents.
Formally open the arts month, Sining Bulakenyo fires up everyone in a
performance dubbed as “Ani ng Sining, Alab ng Sining” where the PGB officials took part in reciting and dancing as a glimpse to the yesterday and recognized some Bulakenyo artists who excelled various in their field and gave pride to the province.
Vice Governor Daniel R. Fernando in behalf of Governor Wilhelmino M.
Sy-Alvarado encouraged everyone to help preserve the arts and appreciate their God-given talents.
“Appreciate. Ito ang pinakamabisang paraan upang mapangalagaan at mapreserba ang ating sining. Mahalin natin ang sariling atin at
hayaang mahalin din ito ng mga susunod na henerasyon,” Fernando said.
Moreover, Dr. Eliseo dela Cruz invited the Bulakenyos to witness and participate in the series events including Kulturang Handog ng FCCP para sa Kabataan ng Bulacan Cultural Showcase on February 22, 2018,1pm at The Pavilion, Hiyas ng Bulacan Convention Center; Konsierto ng Musikerong Bulakenyo at Parangal sa Kislap ng Sining and Launching of the Sineliksik Bulacan Docu Fest 2018 on February 27, 2018, 3 pm at the Bulacan Capitol Gymnasium and; BulacArt 7 Art Exhibitions on February 28, 2018 at 1 pm at the Bulacan State University.
Meanwhile, the Provincial Disaster Risk Reduction and
Management Office announced the awards the province have received in the Search for Best Implementing Schools in the Brigada Eskwela 2017.
Subsequently, the awards include being the National and Regional Champion in the Mega School Category in the Search for Best Implementing Schools of Prenza Elementary School, Marilao; the Patubig Elementary School, Marilao won second place in the National Level and champion in the Regional Level for the Jingle Making Contest; and Bryan Amiel De Jesus, senior education program specialist for being the recipient of the Leadership Award in the National Level for the Brigada Eskwela
Division Coordinator Category.
Finally, the Provincial Cooperative Development Council of Bulacan and Micro and Small Entrepreneurs Association of Bulacan also took their oath of office during the program. (MJ Olvina- Balaguer, 09053611058,maryjaneolvina@gmail.com)
GAWAD BALMASEDA 2016 IGINAWAD SA ARAW NI BALMASEDA (mula sa headline)
Ginanap sa bulwagan Leandro Locsin sa National Commission for Culture and the Arts (NCCA) sa Intramuros ang aktibidad ng Komisyon sa Wiakng Filipino ukol sa Araw alay para kay Kgg. Julian Cruz Balmaseda.
magkatuwang na itinaguyod at pinangunahan ng dalawang komisyon ang pagpaparangal sa mga natatanging Tesis Masterado at Tesis Doktorado, mga tesis sa kolehiyo na nakaliwat sa o naisulat na taal sa wikang Filipino at hindi sa wikang ingles kagaya ng karaniwang ipinagagawa sa mga mag aaral.
Nagbigay ng kanyang mensahe si Kgg. Adelina Suemith, Executive Director ng NCCA habang klasunod ay ang pagkakaloob ng Susing pananalita ng historyador na si Kgg. Gemma Cruz Araneta ukol sa naturang mahalagang aktibidad para sa Wikang Filipino.
Pagkaraan ng pagkakaloob ng mga pagtatanghal pangkultural nni Prop. Bernadeth Santos pinangalanan na ang mga nagwagi nitong nakaraang taon sa Gawad Julian Cruz Balmnaseda na binanggit at binati ng Lupon ng Inampalan kabilang amng Historyador na si Michael Charlston Chua.
Tumanggap ng kani kanilang mga parangal sina Roman R. Sarmiento , Jr. II at Dr. Gilbert E Macarandang. sa bahagi naman ng pamilya Balmaseda na naroon rin at nakibahagi ay si G. Jojo Balmaseda Fua ang nagbigay ng kanyang munting mensahe. binuksan na rin pagkatapos ang pagtanggap ng mga entry para sa taong 2017.
Ilan pang mga mensahebuhat sa Komisyon sa Wikang Filipino at ang paghuling pananalita ay buhat sa Direktor Heneral ng Komisyon na si Roberto T. Anonuevo. Isang mahalagang bagay para sa ating lahi ang maitanghal ang ating wikang Filipino bilang wika ng mga intelektuwal o ang wikang maaring gamitin sa pagsulat ng mga maka agham na akda o maging mga tesis sa kolehiyo.
Kung sa ibayong dagat ay ipinagmamalaki ng mga dayuhan ang kanilang wika na kanilang ginagamit upang sumulat ng mga maka agham na akda sa larang ng Pisika, Kemika, Enhinyerya at Matematika, dito sa atin tanging para sa mga akdang pam panitikan lamang ginagamit ang Wikang Filipino, sa paggawad ng parangal na ito ay nawa maitaas ang antas ng ating wika bilang isang wikang gamit pang intelektuwal../// Michael Balaguer
THREE DAY ROTARY INTERNATIONAL BAZAAR AT TIENDESITAS (mula sa headline)
Ang Rotary International ay isang humanitarian organization na may layuning tumulong sa kapwa at ngayon ang kanilang adbokasiya ay ukol sa iradiksyon ng sakit na dengue.
Ito ang nagtulak sa Rotary International District 3780 para iorganisa ang kanilang 2016 Family Bazaar, pinaka inaasahan at hinihintay ito kapwa ng mga miyembro at mga pinoy na naniniwala sa mga adboksiy at panuntunang isinusulong ng pandaigdigang rotary.
Ginanap ang bazaar sa pamosong tiendesitas sa Pasig kung saan nakipagtulungan sila sa kilalang e-commerce website na OLX. Paraan din ito ng Rotary upang maka raise ng kaukulang pondo upang tustusan ang kanilang patuloy na programang pangkalahatang iradiksyon ng Polio sa buong mundo lalo sa Pilipins.
“be a Gift to the World” wika ng gaya ng “the Four Way Test” mga katagang magpapakilala sa Rotaryo bilang isang makataong orgnisasyon na tumutulong sa pagpapa ospital at paggamot sa mga biktima nang nasabing mga nakamamatay na karamdaman.
Nasa 100 mga booth exhibitors at tintayan 5000 mga Mamimili ang dumalaw upang sumuporta sa pamamagitan ng pagpatronize sa mga produkto.
Kabilang din sa mga exhibitors ay ang Crosswind Travel and Tours, KATA,PruLife UK,MX3, Ford Libis, HMR Philippines, Chill Mobile, Realistic Training Options PTY. Ltd., Enchanted Kingdom Theme Park, CAVASPRI GOODIES TIPSY COOKIES ni Christian dela Cruz, KUDC IMPLANT AND DENTAL CENTER, NEUGEN TIRE MARKETING at La Rouge.
Kasama rin sina Ms. Donna Raquiza, Mr. and Mrs. Nez Aguilar,Dr. Virginia Irene R. Santos ng BATAAN DEVELOPMENT BANK at si Rotary International District 3780 District Governor Reynaldo C. David RY 2015-2016. ///Michael Balaguer
“One San Rafael” nagkakaisa ngayong 2016
Ayon kay San Rafael Mayor Cipriano D. Violago Jr., sa pamamagitan ng kanyang Municipal Secretary Mr. Jun Sevilla at Mr. Ben Violago, Kapatid ng alkalde nagawa nilang magkaisa ang lahat ng mga pulitiko sa kanilang bayan at isang team na lang.
matutuloy pa rin ang halalan sa kanila ngunit ang dati na hiwa hiwalay, ngayon ay nagkakaisa na. Nagkaisa silang iboto bilang Pangulo si Vice President Jejomar Binay, Gobernador si Governor Wilhelmino M. Sy-Alvarado, at si Congresswoman Lorna Silverio ang kanilang kongresista. Masasabing ilan sa maipagmamalaki ng bayan nang San Rafael ay ang kanilang mga resorts gaya ng pamosong 8 Waves, Golf Courses at Dragon Fruit farms.
Nananatili pa rin namang isang bayang agrikultural ang San Rafael ngunit marami na rin itong mga pagawaan at industriya CJ Rations at East West Seeds at sa bayan rin na ito ang punong tanggapan ng kilalang Dragon Fireworks.///Michael Balaguer
YES TO MAR BUMISITA SA 3 LUGAR SA BULACAN (buhat sa headline)
MISMONG si Baliwag Mayor Dr. Carol Dellosa ang nanguna sa Palengke Tour ng “Yes To Mar”, “RORO” o Roxas-Robredo at mga grupong sumusuporta kay Secretary Mar Roxas at Congresswoman Leni Robredo na kasamang inorganisa ng negosyanteng si Mr. Tony Tengco para sa Bulacan.
Nagsimula sa bayan ng Baliwag particular sa pamilihang bayan nito, sa iba’t-ibang bahagi upang mamigay ng mga materyales na naglalaman ng mga detalye ukol kay Secretary Roxas upang lalo siyang makilala ng madlang Bulakenyo gaya ng apron, abaniko atbp.
Nagkita kita ang mga taga suporta ng Liberal sa tahanan ni 2nd District Bulacan Congressional Representative Hon. Gavini “Apol” Pancho bago nila tunguhin ang palenke.
Pagkaraan ng palengke tour sa Baliwag ay tumungo ang mga tagasuporta ni Roxas sa bayan ng Pulilan kung saan sila ay sinalubong ng Punongbayan nitong si Mayor Vicente “Enteng” Esguerra na kabilang rin sa partido Liberal, bagaman wala duon bilang personal na sumuporta, naroon naman at nakibahagi ang Liberal Party Mayoralty Bet Maria Rosario Ochoa-Montejo o “Ate Maritz” sa mga taga Pulilan.
Kabilang sa mga tagapagtaguyod ng grupong “Yes to Mar” sa Bulacan ay sina Former Bulacan Vice Governor Ramon Villarama, Jana Lopez, Jun Ramos, Andy del Rosario, Kap Ato ng Baliwag, Leo Asinas, mga kamag anak ni Mar na sina Bernadette Araneta, Gina Araneta Policarpio at mga kaklase sa Ateneo na Eagles for Mar.
Sa Pulilan ay nakibahi ang BFF o Best Friends Forever ni Maritz Ochoa- Montejo, mula Bgy Taal, Cutcot, Sto Cristo at Lungos habang sa Plaridel public market ay sinalubong ang Yes to Mar ni Mr. Eduardo Olvina at mga kasama.///isinulat ni Michael N. Balaguer kasama ang DZRJ 810 Khz AM at DWJC 90.3 FM Broadcaster MJ Balaguer habang ang mga larawan ay kuha ni Joselito Enriquez ng www.diaryongtagalog.net
YES TO MAR & LENI NAGPAKILALA SA CALOOCAN (buhat sa headline)
MAGKASAMANG dinaluhan nang mga residente kapwa ng barangay 20 at 22 ang inorganisang ugnayan ni Congressman Egay Erice ukol sa “yes to mar & Leni” sa Caloocan na may layuning ipakilala ang mga nagawa ni Secretary Mar Roxas sa madla upang ma justify na ito ang dapat na ihalal bilang Pangulo ng bansa.
Kabilang sa mga nanguna sa nasabing aktibidad ay si Barangay 20 Captain Rosa Justo at Barangay 22 Captain Carding Bagus, naroon rin ang mga konsehal ng Caloocan na sina Carol Cunanan, Tino Bagus at ma tatakbong konsehal na sina Engr. Arnold Divina, Dr. Ed Aruelo at L.A Asistio.
Ipinaliwanag nina Erice na hindi sila nanga ngampanya bagkus y kanilaa lamang ipinbabatid ang mga nagawa ng tuwidna daan at ang magiging resulta kung hindi ito mipagpapatuloy o kung hindi si mar at leni ang miluluklok bilang Pangulo at pangalawang Pangulo.
Ibat-ibang mga programa at proyektong pinasimulan ng daang matuwid ang inilahad sa mga presentasyong ipinakita ng “Yes to Mar”. Nagtapos sa raffle at pamimigay ng mga printed materyales na naglalaman ng mga mahalagang proyekto at programa ni Roxas ang ipinamahagi.
Ayon kay Erice, nais niyang maihalintulad sa Iloilo ang Caloocan na nabiyayaan maigi ng mga programa at proyekto ng daang matuwid. Isang strategic location ang kinaroroonan ng Caloocan, gateway sa norte at sa mga imprastruktura gaya ng ekstensyon ng NLEX at SLEX at LRT sa Caloocan North.///Isinulat ni Michael Balaguer kasama si Mj Balaguer n DZRJ 810 Khz AM at DWJC 90.3 FM.
ROBREDO Bisita sa Pandesal FORUM
Kamakailan ay bumisita rin sa kilalang Pandesal Forum sa Lungsod Quezon si Naga City Congresswoman Leni Robredo na tumatakbo ngayon bilang Pangalawang Pangulo sa tiket ng Daang Matuwid ni Secretary Mar Roxas at ng Liberal Party. Ang nasabing Forum ay pinangungunahan ng kilalang kolumnistang si Wilson Lee Flores.
Sa nasabing forum di lang ipinakilala ni Robredo ang sarili bilang asawa ng namayapang si dating DILG Secretary Jesse Robredo kundi ipinakilala rin niya ang sarili bilang isang civic leader, public servant at advocate ng maraming bagay lalo para sa kabuhayan, kababaihan at sa kanayunan.
Sa pagtatanong ng mga mamamahayag sa kongresista, nakilala ng marami ang ibang Leni, isang taong tunay na may puso sa paglilingkod na nais nitong ibahagi di lang sa Naga kundi pati sa buong Pilipinas kung sakaling palaring maipanalo ng Daang Matuwid.
Kasama ni Cong. Leni ay ang Pangalawang Punong Lungsod ng Lungsod Quezon na si Joy Belmonte nagbiro pang nais niyang maging step mother ang biyuda ng nasirang DILG Secretary dahil malapit ito sa kanyang ama na si Congressman Feliciano Belmonte./// Michael Balaguer
Walang Bomba sa Meycauayan City Hall!-Alarilla
Nabatid na matindi ang labanan sa lungsod ngayong 2016 sa pagitan ng mag ina at ma asawa.kapwa maraming taga suporta ang dalawang kampo at lahat ay gagawin ng mga ito upang makahatak ng simpatya ang bawat isa maging sa mga katulad na istratehiya gaya ng panankot.
Katwiran ng Punong Lungsod, kung wika niya ay talagang may intension pumatay ang sinsabing naglagay ng bomba o mapapasabog sa kanila, malamang ay di na ito ia anunsyo at gagawin na lamang, n sinan ayunan naman ng libu-libong sumusuporta kay Alarilla lalo sa kanyang napipintong pagsabak sa kongreso bilang kinatawan ng ika apat na distrito ng Bulacan.
Sa kabila ng nalalapit na ang halalan kung palarin ay ia abot ni Alarilla ang kanyang kamay sa nalalabing apat na munisipyong nasasakupan ng ika apat na distrito bilang konresista, kabilang rito ang Mrilao, Sta. Maria at Obando habang ang kanyang anak na babae ang tatakbo bilang alkalde kalaban ang kasalukuyan kinatawan Linbelle Ruth Villarica bilang lalabang Mayor.
Sasabak naman sa pagka kongresista ang kabiyak nitong si Atty Henry Villarica na katunggali ni Mayor Joan Alarilla.///Michael Balaguer
————————————————————————————————————————————————–
National Year of the Rice (NYR) ng Department of agriculture-Philippine Rice Research Institute (DA-PHILRICE) nitong 2013 tagumpay kaya kasunod ang “Riceponsable” campaign ngayong 2014
Science City of Munoz, Nueva Ecija- MATAGUMPAY umano sa pangkalahatan ang nakaraang National Year of the Rice nitong nakaraang taon 2013 na pinangunahan ng Philippine Rice Research Institute ng Department of Agriculture (PHILRICE-DA), ito ang kanilang ipinahayag sa isang pulong balitaan kasabay ng 32nd Annual Convention ng Central Luzon Media Association (CLMA) na ginanap sa
kanilang punong tanggapan, kamakalawa.
Matatandaang naging malawakan ang kampanya ng ahensya at ng kagawaran ng pagsasaka sa pagsulong ng pambansang taon ng bigas kung saan kanilang layunin ay turuan ang mamamayan na huwag magsayang ng kanin, bigas at palay bagkus kumain lamang o kumunsumo ng tamang ubusin.
Sa kampanya ring ito kanilang ipinakita ang hirap ng mga magsasaka sa pagtatanim ng binhing itinuturing ng marami sa mundo maging Pinoy, na pangunahing pagkain o staple food. Kabilang rin sa showcase nitong nakaraang NYR ay ang Rice Resarch and development kung saan ipinamalas ng mga dalubhasa ang mga bagong pagsasaliksik ukol sa mga mas bago pang variety ng palay na akma sa maraming lugar di lang sa bansa kundi pati sa buong mundo, kasama nito ang mga palay na akma sa mga mabahaing lugar, maasin na kampaligiran, mataas atbp.
Mga mamamahayag sa pitong lalawigan (Aurora, Bataan, Bulacan, Pampanga, Tarlac, Nueva Ecija at zambales) ng gitnang Luzon ang nakibahagi sa annual convention ng CLMA kung saan ang naihalal na Pangulo ay ang taga Nueva Ecija Chapter na si Antonio D. Vallejo kapalit ng dating Pangulo na si Ronald M. Leander. Ang PHILRICE ay ang rice r&d institute sa ilalim ng kagawaran ng pagsasaka at pinangungunahan ni Academician Eufemio T. Rasco ng National Academy of Science and Technology. (jane balaguer)
——————————————————————————————————————————————
mga istorya buhat sa Gitnang Luzon sa pamamagitan ng Central Luzon Media Association (CLMA)