ALTERNATIBONG KANDIDATO NG OPOSISYON SA MINDANAO

WALA nang naging mas mabigat na representante ang Mindanao sa pambansang gobyerno sa Maynila bukod sa mga Duterte ngayon at ang ikatlo sa pinakamalaking pulo ng bansa ay naghahangad pa rin ng isang alternatibong pamunuan.

Kamakailan ay nakadaupampalad ng publikasyong ito (www.dzmjonline.net at www.diaryongtagalog.net) ang isang Mindanaoan Presidential Candidate mula sa Cotabato at naganap ito sa loob ng Commission on Elections sa Palacio Del Gobernador sa Intramuros Manila.

Pagkaraan ng kaunting kwentuhan tungkol sa klima ng pulitika sa lokalidad nila at tungkol sa kanyang sarili nag iskedyul na kami ng panayam kay Ephraim “Ninoy” Baldomero Defino, na tumatakbo sa ilalim ng Labor Party of the Philippines at nais niyang makilala bilang “Alternative Opposition Leader”.

Tumatakbo siya bilang Pangulo ay siya ay naging Gobernador ng 15 taon buhat nuong rehimen ni Cory Aquino at sinabi niyang siya ang nanguna ng “People Power” laban kay President Marcos.

Siya ay kapwa inihalal at itinalaga sa pwesto ng rehimen Aquino. Kasama niyang tumatakbo ang kanyang mga Senators, Mel Chavez at Jose vPagatpat Castillo. Kabilang sa kanyang mga plataporma de gobierno ay ang pagkakaloob ng 1 sakong bigas sa bawat isang mamamayan ng Pilipinas na hindi itatangi ang relihiyon ,lahi at antas ng pamumuhay.

 Libreng pag aaral at pabahay lalo sa mga mahihirap kung saan itinuring niyang mga “pinabayaan ng pambansang gobyerno” pinuna rin niya ang pamamahala ng pamahalaan ngayon sa COVID-19 pandemic kaya nga raw kailangan siya ng bansa ngayon.

Sa panayam naitanong rin ang kanyang mga credentials at achievements na papasa para maging Pangulo ng bansa kaya binanggit niyang siya ay Graduate, may Doctoral Degree in Political law sa Notre Dame University sa Cotabato City.

Siya rin ay isang professor sa Notre Dame College sa loob ng 20 taon nanagtuturo ng Political Science. Ang kanyang ama ay nasa US Navy at isang opisyal sa Pacific at siya rin ay nagtungo nan g US at nag aral sa Harvard.///Michael Balaguer, 09333816694, michaelbalaguer@yahoo.co.uk at konekted@diaryongtagalog.net

Mindanao’s Alternative Opposition Candidate

-XXX-

PARTIDO NI BBM NAGLUNSAD NG ‘BEST BET’ STRATEGY PARA SA OFWs

Nitong Martes, naglunsad ng isang pangmatagalang plano ang partido ni Presidential aspirant Ferdinand ‘Bongbong’ Marcos, Jr. upang mapagbuti ang kalagayan ng mga Overseas Filipino Workers (OFWs) at mga migranteng Pinoy sa iba’t-ibang bahagi ng mundo.

Iprinisenta ng Partido Federal ng Pilipinas (PFP) International Affairs Committee na pinamumunuan nila Chairperson Ms. Saidah Tabao Pukunum sa pamamagitan ni President Jeremy Henry Amar at Secretary-General Atty. Henry Capela ang Strategic Plan Vision 2028 for OFW kay PFP Secretary-General Tom Lantion at PFP General Counsel Atty. George Briones sa isang pagpupulong sa kanilang tanggapan sa Maynila.

Binuo ang komite upang isulong at kilalanin ang kontribusyon ng mga OFWs bilang mahalagang sektor sa lipunan at ipatupad ang mga programa ayon sa vision ng standard-bearer ng partido na si dating senador Ferdinand ‘Bongbong’ Marcos’, Jr.

Nabatid ng komite na karamihan sa mga OFWs ay kadalasang nagtatrabaho sa mga lugar na hindi katanggap-tanggap ang kundisyon, dumaranas ng pagkabalisa dahil sa matagal na pagkawalay sa kanilang pamilya at napipilitang isakripisyo ang oras na dapat ay para sa kanilang pamilya upang kumita.

Plano ng komite na ipatupad ang isang policy framework na may tatlong bahagi at inaasahang bubuo at magdedevop ng mga programang magagamit sa loob ng anim na taon.

Nakapaloob sa framework na ito ang pagtalaga ng isang task force na magsasagawa ng mga pag-aaral upang makabuo ng mga policy recommendation sa gobyerno. Ito rin ay inaasahang susuri sa mga kasalakuyang polisiya upang mapahusay ang serbisyo sa mga OFWs.

Ilan sa mga core programs nito ay ang: skills retraining katuwang ang TESDA, comprehensive benefits and retirement plan para sa mga OFWs, pagtatayo ng isang OFW hospital, health insurance, scholarship grants para sa mga OFWs, legal, mental at psychological support services, pagbuo ng mga OFW cooperatives,  pagtatayo ng OFW Bank at pagpapalakas sa mga community-based fellowship programs.

Pinuri ni PFP General Counsel Atty. George Briones ang binuong komprehensibong policy framework ng komite at sinabing naaayon ito sa mapagkaisang pamumuno na isinusulong ni Marcos.

Pinaalala rin niya sa mga miyembro ng komite na ang PFP ay maipagmamalaking partido ng pangkaraniwang tao. Dagdag pa niya ang PFP ang magdadala kay Marcos sa tagumpay sa paparating na halalan sa 2022.

“The PFP is a party of the common man. A party of the poor. A party of the grassroots. This is the party that will carry Senator Ferdinand Marcos Jr. to victory, ” sinabi ni Briones.

-##-

Pagbubukas ng global economy dapat paghandaan ng Pilipinas – Bongbong

Masusing pagpaplano ang kailangan upang maging handa ang bansa ngayong nagsisimula nang bumangon ang global na ekonomiya mula sa krisis na dulot ng COVID-19, ayon kay Presidential aspirant Ferdinand “Bongbong” Marcos, Jr.

Nakita ni Marcos, standard-bearer ng Partido Federal ng Pilipinas, ang pangangailangan matapos magdesisyon ang gobyerno ng Australia na alisin na ang ban sa canned pineapple products na galing sa Pilipinas.

Aniya isa itong magandang development hindi lang para sa sektor ng agrikultura kundi sa iba pang sektor ng Pilipinas dahil pinakita nito na maari na silang maghandang pumuwesto ngayong nagsisimula nang bumangon ang global na ekonomiya.

“Eto na nagsisimula ng magbukas ang global economy, mabuti in this particular case nasabayan natin dahil may produkto tayong mai-export sa kanila (Australia). Dapat ang positioning natin sa iba’t ibang sector ng global economy ay ganyan din. Kapag nakapagumpisa na sila, ready na dapat tayo na mag-trade, makipagnegosyso, makipagpartner, or magsupply sa kanila,” ayon kay Marcos.

“Kailangan pagplanuhan paano sasabayan yung pagbukas ng mga ibang bansa. Kapag nagre-recover na ang ekonomiya ng ibang bansa kailangan nakahanda tayo para sabayan natin yung kanilang pagbukas at kanilang pag-ahon. Kailangan makapagplano kung saan pupwesto sa recovery ng global economy,” dagdag pa niya.

Pahayag pa ni Marcos, ang ganitong istratehiya ay kasama sa kanyang “Tawid COVID, Beyond COVID” program na naglalayong makagawa ng mga hakbang kung paano makakatulong sa taumbayan at sa ekonomiya ng bansa habang nasa kalagitnaan ng pandemiya at patungo sa panahon na nasa likod na lang ng bansa ang COVID-19.

Kasama sa programa ang pagbuo ng mga istratehiya ang pagbibigay solusyon sa mga problema ng iba’t-ibang sektor gaya ng agrikultura, enerhiya, telecommunication, imprastraktura, edukasyon, kalusugan, at iba pa.

“Una nating kailangan magawa ay tawirin itong COVID, dapat makalabas tayo at masabing nasa likod na natin ito. Hindi masabi na mawawala yan pero dapat ma-manage na natin. Kung makita natin sa ibang bansa umabot na sila sa ganyan,” pahayag ng Presidential aspirant.

“Lahat yan ay kailangan gawin para makasabay tayo sa development ng global economy,” dagdag pa ni Marcos.

-30-