25 Female PDL finished their sentence at CIW
Natapos ang sintensya ng 25 mga kababaihang Persons Deprived of Liberty (PDL) na Naka pilit sa Correctional Institution for Women (CIW) sa Mandaluyong City kasama sina Department of Justice (DOJ) Secretary Jesus Crispin Remulla at Chief Public Attorney’s Office (PAO) Dr. Persida V. Rueda-Acosta
Ang aktibidad ay ginanap sa nasabing piitan( Correctional Institution for Women) kung saan nga binigyang laya ang 25 PDL’ na nakatapos na ng kanilang mga sintensya at makikita ang mga ito sa bidyo kuha ng DZMJ Online kung saana ng mga PDL ay naka damit ng kulay puti na siya rin namang nagpalipad ng kulay puting mga lobo na nagsi simbulo ng paglaya.
Iginiit ng kalihim na bagaman ang hustisya ay hindi naging makatarungan sa ilang PDL na mga inosente at naging biktima lamang ng pagkakataon titiyakin at isusulong niyang makapag palaya ng kada buwan.
Sa bahagi naman ng PAO sinabi nitong kanilang tutulungan ang mga PDL sa kani kanilang mga kaso upang mapaaga ang kanilang paglaya at masabing tunay na makatarungan ang hustisya sa bansa at may hustisya para sa lahat.
sa huli ay nakapanayam ng DZMJOnline ang Tagapangulo ng Board of Parsons and Parole na si Atty. Sergio Calizo Jr. at ang kabuuan ng kanyang mga pahayag ukol sa mga ginagawa ng kanilang tanggapan para sa kapakanan ng mga bilanggo ay matutunghayan sa DZMJ Online samantalang makikita rin sa mga bidyo ng DZMJ Online si DOJ Secretary Remulla habang kinakapanayam ng iba pang miyembro ng pamamahayag ///Abdl Malik Bin Ismail, 09333816694, abdulmalikbinismail6875@gmail.com