340 PDL PINALAYA NITONG ENERO 23

340 PDL Released last January 23

PINALAYA nitong January 23 2023 pagkaraang matapos ng mga PDL ang kanilang sentensya. Ang mga PDL’s ay buhat sa DPPF 31, PMA 1, NBP-MAX 21, NBP-MED 111, NBP-MIN 22, SRPPF 42, SPPF 27, IPPF 21, CIW 33 sa kabuuang 340.

Ang suma total nang paraan kung paano lumaya ang nasabing mga PDL ay: PAROLE 128, ACQUITTAL 1, RETURNEE DO 652 11, EXPIRATION MAX SENTENCE WITH GCTA (DO 652) 35, EXPIRATION MAX SENTENCE WITH GCTA 165.

Ayon sa programa na May titulong: Paglaya ng mga PDL na nakapag tapos ng kanilang hatol “Bagong Taon, bagong pagkakataon, Pagasa mula sa mga bakas ng kahapon” ipinauunawa na ang penal system ng bansa ay nakatuon sa rehabilitasyon at hindi pagkapiit layuning ituwid ang mga lumabag sa batas.

Naroon sa aktibidad ng mga pinalaya ang: BuCor Band na saliw habang inaawit ang National Anthem, CT/SINSP Dominic R. Librea sa panalangin, ang pambungad na panalalita ay inihatid ni CTSSUPT. MA Cecilia Villanueva ang Officer In Charge Deputy Director for Reformation.

Isang mensahe buhat kay Atty. Persida Rueda-Acosta DSD, ang Chief Public Attorney kasunod ang mensahe ni Bureau of Corrections Acting Director General, General Gregorio Pio Catapang Jr. AFP Ret. CESE at mensahe buhat sa panauhing pandangal na si Secretary Jesus Crispin Remulla ng Department of Justice.

Kasabay ng pagpapalaya sa nasabing mga PDL’s ay pagkakaloob ng BuCor sa kanila ng kani kanilang mga Certificate of Discharge from Prison, Grooming Kit, Gratuity at Transportation Allowances. Nagsilbing mga guro ng palatuntunan sina CO1 Dexter Sonza and CO1 Regina Lingbawan. Gaya ng tema ngayong taon, bagong taon, bagong oportunidad at bagong pagasa na wala ng bahid ng nakaraan.

//Abdul Malik Bin Ismail, 09333816694, abdulmalikbinismail6875@gmail.com at konekted@diaryongtagalog.net

-30-

COMELEC NAGTAKDA NG SATELLITE REGISTRATION PARA SA MGA PDL

NAGTAKDA ang COMELEC ng pambansang special satellite registration para sa mga Persons Deprived of Liberty (PDLs) in relation sa darating na 2023 Barangay at SK Elections.

Ang ceremonial kick off ay ginanap sa National Bilibid Prison Compound, Muntinlupa city. Ang registration ay gaganapin January 11, 2023 (wed) at 7:00 a.m.

Si Chairman George Erwin Garcia ay dumalo sa nasabing aktibidad. Ang mga miyembro ng media ay iniimbitahang makibahagi at ikober ang aktibidad.

Ang pagkakataong makaboto ay pangunahing karapatang pantao na itinatadhana ng batas liban sa mga nahatulan na.

///Mike Balaguer, 09262261791, konekted@diaryongtagalog.net

-30-

PDL NA PWD AT MATANDA ILILIPAT MULA MAXIMUM TUNGO SA MINIMUM

ANG paglilipat ng mga sakitin at May kapansanan ng PDL na mula sa maximum hanggang sa minimum security compound ay gagawin ng BuCor dahil ang iba ay hindi na halos makalakad.

Ang pagiging makatao ng kasalukuyang pamunuan ang dahilan dahil nais nilang magkaroon ng kapanatagan ang mga nagkatatanda, May sakit at May mga kapansanang PDL at malaman ito ng bayan , sa paraang ito malalaman din kung sino ang maaring pagkalooban ng executive clemency.

Samantala ay nagkaroon ng oath-taking Ceremony ang 533 newly hired Corrections Officer 1 dakong 8:00 a.m. sa Sunken Garden, New Bilibid Prison, National Headquarters na kinober din ng mga media.

Layunin ng penal system sa bansa ay matulungang makapag bagong buhay ang mga taong lumabag sa batas at sakaling sila na ay sakitin, tumatanda na at nagkakaroon ng kapansanan sila din naman ay kinakalinga habang pinagsisilbihan nila ang kanilang sintensya patunay na ang hustisya sa bansa ay gumagana at makatao.

///Michael Balaguer , 09262261791, michaelbalaguer@yahoo.co.uk