HINDI titigilan ng women’s partylist na Gabriela ang kanilang pagsuporta sa laban ng mga Comfort women sa kabila ng pagpo protesta ng pamahalaang hapones ukol sa pagtatayo ng National Historical Commission of the Philippines ng estatwa na nagre representa ng mga comfort women na Filipino na naka tayo ngayon sa Roxas Boulevard.
Sa Pulong Balitaan na pinangunahan ng kolumnistang si Wilson Lee Flores sa Kamuning Bakery kamakailan.
Kabilang sa mga naging bisita sa topic ukol sa comfort women at ang reaksyon ng pamahalaang hapones sa pagtatayo ng estatwa na sumisimbulo sa mga Filipinong comfort women, naroon sina Representative Arlene Brosas at ang Secretary General ng gaaaabriela Women’s Partylist na si Joms Salvador.
Mariing tinututulan ng grupo ang pagkontra ng Department of Foreign Affairs sa pagtatayo ng nasabing artwork dahil sa katwiran na ang bansang Hapon ang may pinakamalaking investment sa bansa in terms of infrastructure at makakasira daw ito sa “build, Build. Build” program ng gobyerno, takot rin silang gawin ng dayuhan ang ginawa nito sa San Francisco na pinutol ang sisterhood agreements.
Nagpapasahan naman ng sisi ang national government sa pamamagitan ng DFA at ng local government o ang lungsod ng Maynila hinggil sa pagtatayo ng estatwa ngunit ang tunay na dahilan ay ang pagbalewala sa dinanas ng mga kababaihang Filipino nuong panahon ng WWII kung saan ginawang parausan ng mga sundalo ng Japanese Imperial Army ang mga kababaihan sa Asia partikular sa Pilipnas.
Ayon pa sa grupo, hindi naman umano tapat ang pamahalaang Hapones sa kanilang paghingi ng tawad sa kanilang mga nabiktima nuong ikalawang digmaang pandaigdig.
Samantala, sa kabila ng isang babae ang Punong bayan ng San Ildefonso sa lalawigan ng Bulacan si Mayor Carla Galvez-Tan, makikita ngayon na “baklas” na halos ang makasaysayang “bahay na pula” kung saan naging piping saksi sa panggagahasang ginawa ng japanese Imperial Army sa mga Pilipina nuong WWII.
Matagal ring naging landmark, tourist attraction at venue ng mga horror movie ang old victorian house na nasa gitna ng bukid na matatagpuan sa kahabaan ng Daang maharlika.
A ng mga istruktura gaya ng bahay na pula at ang estawa ng babaeng comfort women sa roxas boulevard ay mga simbulong magpapa alala sa atin ng mga horror ng digmaan, hindi ito kontra sa mga Hapones bagkus ay paalala na walang mabuting idudulot ang digmaan sa sangkatauhan kaya ang nasabing mga memorial ay dapat na i-preserve at alagaan.///Michael N. Balaguer, 09333816694, michaelbalaguer@diaryongtagalog.net