Sa nakaraang press conference na ginanap sa Kamuning Bakery Cafe, na pinangunahan nang Veteran journalist Wilson Lee Flores sa lungsod Quezon naging resource person nito sina Rep. Arlene Brosas- Gabriela Women’s Partylist at Joms Salvador ng Gen. Sec of Gabriela kung saan tinalakay nila ang tungkol sa issue ng seven foot bronze Comfort Women sa Roxas Blvd. Manila.
Sa mga Milennial na hindi nakakaalam nang madilim na nakaraan tulad ng mga ginawang sexual abuses sa mga Filipina na ginawa nilang mga comfort women noong World War II nuong Japanese time.
Ang National Historical Commission ang nagbigay suporta at nagpaalala sa mga tao na ang panahon ng giyera at krimen na ginawa ng mga sundalo ng Imperyo ng Japan kabilang ang karahasan sa mga babaeng filipina o mga comfort women ay hindi isang bagay na dapat kalimutan. Kung kaya ang inisyatibong magtayo ng istatwa ng Filipina comfort women statue ay mahalaga.
Matatandaan isa sa unang lumutang na babaeng nagsiwalat na siya ay biktima ng karahasan ng mga sundalo ng Japanese Imperial Army subalit matagal na panahon na rin yumao si Lola Rosa ng Lila Pilipina.
Wika niya ay 30 beses ginagahasa ng 30 Hapones ay nagbahagi ng kanyang masamang karanasan.
Sa paglipas ng panahon mga 20 mga lola nalang ang nabubuhay sa nasabing organisasyon. Subalit ang mga pamilya at kamag anak ng mga lola o PAMANA ay patuloy na naghahanap ng hustisya.
“Ang Comfort Women statue ay palatandaan ng kasaysayan, kaya tayo nandito para ipaglaban ang kasaysayan” Ayon Kay Brosas
“Nanawagan tato sa publiko na ang issue ng comfort women ay national issue sa ngalan ng pagkilala sa dignidad at mamayang filipino” wika naman ni Salvador.
Tulad ng Bansang Germany may museo sa Berlin ang Holocaust kung saan sa una ay inisiatibo din ng pribadong sektor at kalaunan ay sinuportahan at pinondohan pa ng gobyerno ng Germany. Sinabi pa ni Lee na ang memoriam ay hindi anti Japan bagkus anti mistake.
Sa kasalukuyan ay hindi pa alam alam ang tayo ng ating Pangulo kung ang comfort women statue ay ipapatanggal o hindi. Samantalang ayon kay Secretary Alan Peter Cayetano ang comfort women statue ay malaking epekto sa ekonomiya sa magandang relasyon ng Pilipinas at Hapones. (MJ Olvina-Balaguer, 09053611058, maryjaneolvina@gmail.com)