
PILIPINAS-PINARANGALAN ang ilang natatanging chinoy sa ibat ibang larangan kasabay ng taunang pagdiriwang ng chinese lunar new year kung saan dinaluhan ng mga miembro ng Federation of Filipino Chinese Cambes of Commerce and Industry Incorporated sa pangunguna ng kanilang Pangulo Dr Cecilio K Pedro sa Pasay city.
Kabilang sa mga pinarangalan ay ang manunulat na si Ricky Lee, ang brodkaster na si Jessica Soho at ang arkitekto na si Kenneth Cobonpue, ito ay bunsod ng kanilang mga natatanging kontribusyon sa bansa at kanilang pagiging chinoy.
Kinilala rin ang natatanging kontribusyon sa komunidad ng mga chinoy sa bansa ni dating unang Ginang Imelda Romualdez Marcos na naging instrumental sa 50th anniversary ng Philippines at China diplomatic relations kung saan unang nagkita nuong june 9 1975 ang unang ginang kasama ang kasalukuyang Pangulo ng bansa Ferdinand Bongbong R Marcos Jr. bilang representante ng Pangulong Ferdinand Edralin Marcos kay Chinese Communist Party Chairman Mao Tse Tung kung saan naging simula ng relasyong diplomatiko ng dalawang bansa.
Kasama rin sa mga dapat nabigyang parangal ay ang Singer Composer na si Jose Mari Chan, ang beauty queen na si Michelle Dee ngunit hindi sila nakadalo. Ang FFCCCII ay kalipunan ng 170 Chinoy Cambers of Commerce sa buong bansa mula Aparri hanggang Tawi-tawi at ayon nga sa kanilng tagline “Dong Tsino, Pusong Pinoy”.



