Ang bansang Italy, kabilang sa European Union at ang mga miyembro ng ASEAN o Association of South East Asian Nations kabilang ang Pilipinas sa pakikipagtulungan ng Department of Trade and Industry, Embassy of Italy in Manila ay nanguna sa kauna unahang Manila High Level Dialogue on ASEAN ITALY Economic Relations kung saan ito ay ginaganap ngayon sa bansa (Nov. 5-6, 2024).
Unang nagbigay ng kanyang pambungad na pananalita si Lorenzo Tavazzi ang Senior Partner and Board Member ng The European House- Ambrosetti kung saan kayang inilarawan ang relasyong diplomatiko at ekonomiko kapwa ng ASEAN at Italy kasama ang Pilipinas.
Sa pangunang talumpati ni Michaelangelo Pipan, President of the Italy ASEAN Association sinabi niyang May mas malaking potensyal sa kalakalan ang anim na malalaking ekonomiya ng ASEAN kaysa China.
Samantala sa bahagi ng Pilipinas sa pamamagitan ni DTI Undersecretary Dr. Rafaelita Aldaba sinabi niyang May malaking pagtutulungan ang Italy sa Pilipinas o ASEAN sa bahagi ng Creative Economy kung saan maibabahagi nila ang kanilang malikhaing industriya sa bansa at sa kabuuan ng ASEAN kung kaya’t kailangang palakasin ang relasyong ekonomiko para sa mga oportunidad pang ekonomiko.
ASEAN ay isang bright spot for trade and economic investment ayon kay Satvinder Singh ang Deputy Secretary General ng ASEAN Economic Community dagdag pa nya ay ang isa sa pagtutulungan ng Italy at ASEAN ay tungkol sa science and technology, space technology at manufacturing pati supply chain management at ayon kay Roberta Casali ang Vice President for Financial and Risk Management ng Asian Development Bank sinabi n’ya na ang pag unlad ng ASEAN ay nasa 4.5% ngayong taon at tataas pa sa 4.7% sa mga susunod na taon at ang mga nagtutulak nito ay ang turismo, digital technology kung saan inaasahang nasa 300 Billion $US hangang 1 Trillion $US hanggan 2030 dahil ito sa rapid technological advancement ng region (ASEAN) ang mga hamon nga lang umano na dapat harapin ng sampung bansa sa ASEAN ay ang pagbabago ng klima na nagiging sobrang distruktibo at ang mga geo political tensions.