KUMILOS PARA SA KAHANDAAN National Disaster Resilience Month 2025

Panatag Pilipinas, sa panahon ng sakuna dapat maging handa. Sa pangunguna ng Office of Civil Defense (OCD), National Disaster Risk Reduction and Management Council (NDRRMC), Department of National Defense (DND), Department of Science and Technology (DOST), Philippine Atmospheric Geophysical and Astronomical Services Administration (PAGASA), Philippine Institute of Volcanology and Seismology (PHIVOLCS), Ayala Corporation, Ayala Foundation at Ayala Land ang panimula ng buwan ng disaster resilience 2025 na ginanap sa circuit Makati.

Layunin na gawing handa ang bayan sa mga natural at gawang tao na sakuna at kalamidad na hangga’t maari ay zero o kakaunti lang ang casualty. Kabilang sa mga nakibahagi ay ang kanilang Publicity Ambassador at Aktor na si Major Jose Sixto “Dingdong” Dantes III PN (M) Res., Si DOST Sec. Renato U Solidum Jr, PAGASA Admin Dr Nathaniel Servando, PHIVOLCS Director Dr Teresito Bacolcol,

Ms Fides Borja Disaster Risk Reduction and Management Specialist mula sa World Bank at ASec Bernardo Rafaelito R Alejandro IV ng Office of Civil Defense na nagsulong ng kahandaan para sa mamamayan patungkol sa mga sakuna. Panimula pa lamang ang buong buwan na pagdiriwang ng Disaster Resilience Month 2025.

Kasama din sina Gen Emmanuel Bautista (Ret) Head of Security and Crisis Management ng Ayala Corporation at Antonio Joselito G Lambino II Ang Presidente ng Ayala Foundation