KWF’s GABI NG PARANGAL 2023 GINANAP

Ginanap ngayong Agosto 25 2023 kung saan kanilang binigyang parangal ang mga natatanging indibidwal.

Pinasimulan ang programa sa panalangin na pinangunahan ni Raymart T. Lolo, Junior Edito at Tagapag-ugnay kasunod ay ang Batong Pagtanggap ni KWF Direktor Heneral Atty. Maritess A. Barrios-Taran at ang Mensahe buhat sa Tagapangulo at Kinatawan ng Wikang Tagalog Arthur P. Casanova PhD.

Nagbigay naman ng kani-kanilang mga mensahe ang mga nagsilbing susing tagapagsalita kagaya ng Kgg. Na Senador Loren Legarda, Atty. Abelardo Manlaque ang Chief Legislative Officer at kinatawan ni Kgg. Na Senador Manuelito Mercado Lapid, Kgg. Na Bise Alkalde ng Lungsod Quezon Gian Carlo Gamboa Sotto na siyang kinatawan ni Kgg. Alkalde ng Lungsod Quezon Maria Josefina Go-Belmonte.

Sa pagbibigay ng Gawad Sanaysay para sa Taong 2023, ipinakita sa LED screen ang mga Hurado sa (Sanaysay ng Taon) sa pangunguna ng Komisyoner sa Wikang Cebuano na si Hope Sabanpan-Yu PhD.

Ang mga Nagwagi sa Sanaysay ng Taon 2023 mula sa Ikatlong Gantimpala ay si Jonah Pauline L. Nakatangay, Ikalawang Gantimpala ay si Ariel U. Bosque at ang Manalaysay ng Taong 2023 ay si Mark Anthony S. Angeles.

Nagkaloob ng kanyang natatanging Bilang si Mark Rubin Agad ang Grand Winner sa 2023 Mr. Pancontinental International.

Sa pagbigay ng Gawad Selyo ng Kahusayan sa Wika at Kultura 2023 na pinangunahan Nina Komisyoner para sa Programa at Proyekto Carmelita C. Abdurahman PhD. at Linguistics Specialist at Tagapamahala SWK at ang mga nagkamit ng Selyo ng Kahusayan sa Wika at Kultura 2023:

Catanduanes State University, Sorsogon State University, Aurora State College of Technology, Quirino State University ,University of San Carlos at Western Mindanao State University (Dangal ng Wika at Kultura 2023).

Ssmantala ang Pagbibigay ng Gawad Dangal ng Wikang Filipino 2023 na pinangunahan ng mga Komisyoner: Arthur P. Casanova PhD.,Carmelita C. Abdurahman Edad., Benjamin A. Mendillo JR. PhD.,Hope S. Yu PhD.,Atty. Marites A. Barrios-Taran.

Dangal ng Wikang Filipino 2023, mga nagwagi sa kategoryang indibidwal: Dr. Felipe M. de Leon Jr., Rolando B. Tolentino, Pilar Pilita G. Corrales, Elwood Perez at Carol B. Dagami.

habang ang Philippine Federation of the Deaf INC., Samantalang nagkaloob ng kanyang natatanging Bilang si Gabriel Juan Carlos Baculi Palad, Semi Finalist World Championship of the Performing Arts 2017 at Mister Teen Pancontinental International 2023.

Tunay na dapat ang wikang Filipino at wikang pambansa gayundin ang mga katutubong wika ay pahalagahan, gamitin at pagyamanin magamit sa intelektwalisasyon. Nagbigay ng pangwakas na pananalita si Komisyoner sa Wikang Cebuano Hope S. Yu PhD.,

///Michael Balaguer, 09262261791, michaelbalaguer@yahoo.co.uk at konekted@diaryongtagalog.net