MAY USAPAN NA ANG MAYNILA AT BEIJING SA SITWASYON SA WEST PHILIPPINE SEA

DI UMANO ay may pinag usapan na sa pagitan ng Maynila at Beijing ukol sa sitwasyon ngayon sa West Philippine Sea/ South China Sea ngunit itinatanggi naman ito ng Sandatahang Lakas ng Pilipinas at ng Philippine Coast Guard sa kabila ng mga dokumentadong naiulat ukol dito.

Ito ang humigit kumulang na buod ng isinagawang pulong balitaan nitong biyernes (ika 17 ng Mayo) sa Packo’s Bar and Restaurant sa Lungsod Quezon na dinaluhan ng mga mamamahayag at mga may kaalaman sa nasabing isyu.

Pinangunahan ng Asian Century Philippines Strategic Studies Institute ang nasabing pulong balitaan kasama ang kanilang mga opisyales na sina Herman Laurel, Pangulo at Ado Paglinawan, Vice President for Internal Affairs at Daniel Long na miyembro rin ng ACPh.

Ayon sa mga dokumento ni Laurel na kung saan ay pampublikong mga dokumento at nailathala na sa ilang pahayagan sa Pilipinas at nagsasaad na inihayag ng Pangulong Ferdinand R Marcos Jr ang  pagpapalamig ng sitwasyon o de-escalation sa bahaging iyon ng dagat timog tsina.

Ngunit nilabag umano ng Kagawaran ng tanggulang pambansa ang direktiba ng Pangulo kaya nagkaroon ng mga komprontasyon at pambobomba ng water canon sa mga re supply missions sa Ayungin shoal. Nais umano ng China ang dayalogo, diplomatikong paraan at mapayapang resolusyon sa mga di pagkakaunawaan sa pagitan nila at mga bansa sa ASEAN.

Sinikap ng website na ito na kunin ang panig ng Kagawaran ng Tanggulang Pambansa, Philippine Coast Guard at Sandatahang Lakas ng Pilipinas ngunit hindi pa sila tumutugon sakaling sumagot sila ay ilalathala namin ang kanilang panig///michael balaguer, 09262261791, diaryongtagalog@gmail.com

-30-