
ARE THERE MIDNIGHT APPOINTMENTS IN DHSUD?
NAGTATANONG ang ilang mga lumapit sa pahayagang ito na mula sa sektor ng Real Estate patungkol sa Department of Human Settlements and Urban Development (DHSUD) sapagkat may nalaman silang mayroon umanong mga “midnight appointments’ sa nasabing kagawaran.
ito ay sa kadahilanang sa Committee On Appropriations na pinamumunuan ni Rep. Elizalde S. Co ng Partylist Ako Bikol nitong nakaraang Sept 8 2022 sa mababang kapulungan ng kongreso ay nagkaroong ng briefing at hearing ukol sa proposed budget para sa fiscal year 2023 para sa DHSUD.

Ang mga opisyales ng kagawaran napinangungunahan ng kanilang Kalihim na si Secretary Jose Rizalino L. Acuzar kasama ang “kanyang” mga Undersecretaries na sina: Undersecretary Garry Velasquez de Guzman, Undersecretary Jose Ramon Pangilinan Aliling, Undersecretary Roberto Junanchito T. Despo at Undersecretary Henry L. Yap.

Ang nasabing mga Undersecretaries ay naitalaga ng Sept 9 2022 ngunit dumalo sila bilang mga Undersecretaries sa pagdinig ng committee on appropriation bago pa sila naitalaga? ito raw ba ay misrepresentation?



Ang nasabing mga appointment letter nga ba ay authentic? may lagda ngunit sino umano ang pumirma, wala namang pangalan ng appointing authority kundi letterhead lamang ng Malacanang na naka addressed kay Sec. Acuzar, samantalang kahapon naman, September 14, 2022 ay lumabas ang Special Order 2022-138 designate Undersecretary Henry L. Yap by Sec. Acuzar. kasama ang special order 2022-137 designation para kay Atty. Garry de Guzman, Special order 2022-139 designation of Undersecretary Jose Ramon P. Aliling.




Kami ay humihingi ng tulong sa Malacanang sa beripikasyon ng nasabing mga tao sa tanggapan ng Press secretary Atty. Trixie Cruz-Angeles ngunit hanggang sa kasalukuyan ay wala pa ring sagot, pinaraan na namin ito sa Undersecretary for Media Accreditation and Relation Greggy N. Eugenio ngunit hanggang ngayon ay hindi pa rin sila sumasagot.
Ang Department of Human Settlements and Urban Development ay isa sa mga mahalagang kagawaran ng gobyerno bagay na isa sa mga dahilan upang marapat na pakinggan ang mga hinaing ng mga sektor sa ilalim nito at huwag magkaroon ng maling pakahulugan, ilang butil ng kasaysayan ukol sa kagawaran na dating hinawakan ng Unang Ginang Imelda Romualdez Marcos (Ina ni President Ferdinand Bongbong Romualdez Marcos Jr.) nuong 1976 bilang Minister nuong panahon ni President Ferdinand Edralin Marcos Sr. at siyang naging daan upang iangat ang bayan sa pamamagitan ng mga programa nitong holistic na approach sa real estate development.

ngunit bilang isang responsableng mamamahayag minabuti naming kunin ang panig ng DHSUD sa napakaraming paraan kabilang na ang kanilang website ay ililimbag namin ang kanilang sagot sakaling sumagot na sila. ///Michael Balaguer, 09262261791, konekted@diaryongtagalog.net at michaelbalaguer@yahoo.co.uk