PAGKAKAROON NG KAPAYAPAAN AY ISANG DAKILANG PAMANA

ATTAINING PEACE IS A GREAT LEGACY

NAGSAMA SAMA ang mga nagsusulong ng kapayapaan buhat sa ibat ibang pananampalataya at mga mamamayan nitong nakaraang Premier Night ng dokumentaryong “Great Legacy” ginanap nitong September 21, 2022 sa Shangri-La EDSA at nilikha sa pamamagitan ng Heavenly Culture World peace Restoration of Light (HWPL).

Ikinukuwento nito sa pamamagitan ng lente ng South Korean-Based Non-Government Organization ang kanilang mga pinagdaanan para makamit ang kapayapaan sa pagitan ng mga nagba banggaang grupo ng mga Muslim at mga katoliko at ang kanilang matagumpay na pagkakaisa ngayon. Ikinwento sa dokumentaryo ang naging mga pagtutulungan at ang pagpapatatag ng kanilang pagkakaibigan sa pamamagitan ng diplomasya.

Di alintana ang kanyang edad, ang HWPL founding Chairman Man Hee Lee ay masigasig na umikot sa buong daigdig upang ipaliwanag na tunay nga na walang nananalo sa digmaan at ang kanyang adbokasiya nga naiyon ang nagpa tatag sa pagka makabansa at paghahangad na pagkilala ng bangsamoro hindi bilang hiwalay na lahi kundi bilang kapwa at bahagi ng lipunang Filipino.

Nakipagtulungan ang Chairman sa mga pinuno ng Bangsamoro kabilang sina Al Hajj Murad Ibrahim, na tagapangulo ng Moro Islamic Liberation front MILF) at dating Maguindanao Governor Ismael Mangudadatu upang tulungan siyang ipaalam sa lahat ang mensahe ng kapayapaan at kasama rin niya dito si Dr. Ronald Adamat ng Commission on Higher Education sa bahagi ng akademya.

Kabilang sa mga nakibahagi sa nasabing Premier Night ay ang mga opisyales ng HWPL sa Pilipinas na sina: John Rommel Garces, ang Branch Manager para sa Philippines, Aiza Alva at Rica Feliciano sampu ng  mga HWPL staff, guest VIP’s at Media.

Ang mga hindi pagkakaunawaan at iringan ay bahagi nan g mga pambansang agenda ng mga bansa at dahilan sa hindi nga talaga maaring mapagbigyan ang lahat kaya nagkakaroon ng pagkaka bahabahagi ngunit dahilan sa diplomasya at pag uusap ay nagiging possible ang mga bagay na inaakalang hindi magagawa at ito ay ang pagkakaroon ng kapayapaan na tunay na isang Dakilang Pamana.

///Michael Balaguer, 09333816694, konekted@diaryongtagalog.net at michaelbalaguer@yahoo.co.uk

Dokumentaryo ukol sa kapayapaan sa Mindanao, ipinalabas sa Metro Manila

In conjunction with the UN International Day of Peace, the screening of “Great Legacy: A Peace Documentary” was held on September 21 at Cinema 1, Shangri-La Plaza, Mandaluyong City. Around 350 [FA1] distinguished guests from the government, education sector, media, as well as civic society leaders, religious leaders and peace advocates attended this momentous event. The documentary premiered in Davao City last September 6.

Mandaluyong City—Kasabay ng UN Internasyonal na Araw ng Kapayapaan, ipinalabas ang isang dokumentaryong pangkapayapaan na pinamagatang “Great Legacy: A Peace Documentary” sa Cinema 1, Shangri-La Plaza noong ika-21 ng Setyembre, 2022. Ito ay dinaluhan ng 350 katao, kabilang ang mga kawani ng pamahalaan, edukasyon, media, mga pinuno ng iba’t ibang organisasyon at relihiyon, at mga peace advocates mula iba’t ibang panig ng NCR at kalapit lalawigan. Unang ipinalabas ang documentary sa Davao City noong ika-6 ng Setyembre.

Ginawa ito ng SMV Media Group, isang broadcast company na naka-base sa Seoul, South Korea, sa pakikipagtulungan ng Heavenly Culture, World Peace, Restoration of Light (HWPL). Ang HWPL ay isang internasyonal na non-profit organization na nagtataguyod ng pandaigdigang kapayapaan at pagtigil ng digmaan.  Sa pamamagitan ng dokumentaryong ito ay ipinakita ang matagumpay na mga gawaing pangkapayapaan sa Mindanao, na nakatulong sa peace process sa rehiyon.

Nagsimula ang adbokasiya ng HWPL sa Pilipinas nang dumating sa bansa si HWPL Chairman Lee Man-Hee, isang beterano ng digmaan sa Korea. Namagitan siya sa isang “civilian peace agreement” na nilagdaan nina Archbishop Emeritus Fernando Capalla at dating gobernador ng Maguindanao na si Esmael “Toto” Mangudadatu noong ika-14 ng Enero, 2014 sa General Santos City. Sa harap ng 300 katao mula sa iba’t-ibang antas ng buhay at sektor ng lipunan, sila ay nangakong magtutulungan para sa pagtigil ng digmaan at pagtatatag ng kapayapaan lalong-lalo na sa Mindanao.

Simula noon ay pinagpatuloy ng HWPL ang pagpapalaganap ng kamalayan ukol sa kapayapaan hindi lamang sa Mindanao kundi sa buong Pilipinas. Kabilang sa mga inisyatibo ng HWPL ay ang pagsasabatas ng kapayapaan, mga dayalogo sa pagitan ng iba’t ibang relihiyon, pagtuturo ng peace education at pagsuporta sa mga kabataan at kababaihan.

Ang kasunduang ito ay kinilala rin sa labas ng bansa bilang isang mahusay na ehemplo ng pagsasaayos ng kaguluhan. Sa dokumentaryo, nagpahayag ng paghanga ang dating chairperson ng UN Human Rights Commission na si Martin Lee Hojian kay Chairman Lee, gayundin sa mga Pilipino na masidhing naghahangad ng kapayapaan.

Pagkatapos ng palabas, sabay-sabay na humiyaw ang mga manonood ng, “Peace is here in the Philippines!” ang dokumentaryong ito ay ipapalabas din sa mga sinehan sa ibang bansa.