Ginanap nitong ika 1 ng Abril 2024 sa new bilibid prison bureau of corrections sa Muntinlupa ang pagpapalaya ng mga persons deprived of liberty na nakatapos na ng kanilang hatol ito ay bahagi ng pagpapalakas ng programang pang repormasyon tungo sa tagumpay at panibagong ambisyon.
binuksan ang palatuntunan ng pangunang pananalita ni CTSUPT Noel a Martinez, DVN,DPA, Kasunod at ang mensahe ng hepe ng Public Attorney’s office na si Atty Persoda Rueda Acosta BSD, Kasunod ay ang mensahe ng chairperson ng Board of Parsons and Parole na si Atty Sergio P Calizo.
isang mensahe buhat sa Kagawaran ng paggawa at empleyo Mr leonides p Castillo JR na field office director ng DOLE PAMAMARISAN office. At ang mensahe buhat ka General Gregorio Pio Catapang JR AFP ret CESE CCLH ang Director General ng Bureau of Correction at isa mensahe mula kay Kalihim ng Kagawaran ng Katarungan Jesus Crispin Remulla.
sa paggawad ng kalayaan sa mga persons deprived of liberty na nakatapos na ng kanilang hatol hindi lang naglalayong lumuwag ang ating mga kulungan kundi bahagi ni ng trabaho ng kagawaran na bigyang katarungan ang mga naging biktima ng krimen.///Michael Balaguer, 09262261791, diaryongtagalog@gmail.com
-30-
ARAW NI BALAGTAS GINANAP SA ORION BATAAN
nitong nakaraang April 2 2024 ay ginanap ang araw ni Balagtas o Francisco Baltazar na isang dakila at maituturing na isa sa ating pambansang bayani, ipinanganak sa Bigas sa Bulacan, tumira sa Maynila at inilagi ang kanyang panahon sa udiong o Orion Bataan ngayon.
bantog si Balagtas sa kanyang mga akda kabilang na ang Florante at Laura at ang walang kamatayang balagtasan kung saan nagtatagisan ang dalawang magtutunggali sa pamamagitan ng tula.
naroon at nakibahagi ang representante ng Gobernador ng Bataan na si Jose Enrique s Garcia III at Albert Raymond S Garcia na kinatawan ng ikalawang distrito ng Bataan
personal na nakibahagi si Mayor Antonio I Raymundo JR. Na mayor ng Orion Bataan at gayundin personal na nakibahagi si Dr Arthur Casanova na Tagapangulo ng Komisyon sa Wikang Filipino
pagkaraan ng pag-aalay ng bulaklak sa dambana ni Balagtas sa Balagtas garden nagkaroon din ng pagtatanim ng puno sa baybayin ng Balagtas garden sa Nayan ng Orion. ///Michael Balaguer, 09262261791, diaryongtagalog@gmail.com
-30-
KAINCON NG NCCA AT FEU INILAHAD ANG KAUGNAYAN NG PAGKAIN SA KASAYSAYAN
malaking bagay ang kaugnayan ng pagkain sa ating kasaysayan at ang kaugnayan ng isa’t isa ay hindi mapaghihiwalay nagsagawa ng kain conference ang national commission for culture and the arts at far eastern university.
ang tatlong araw na aktibidad ay dating virtual at ngayon lamang nag face to face kaya dapat na unawain ang mga kakulangan nila sa pag organisa ng kanilang aktibidad.
Kanya kanyang topic ang inilahad sa una ikalawa at ikatlong araw ng nasabing kumperensya at maraming natutunang bago ang mga mamamayan na May kaugnayan sa kasaysayan at kultura kagaya ng mga katutubong pagkain buhat sa Pampanga at sa katimugang bahagi ng Pilipinas.///Michael Balaguer, 09262261791, diaryongtagalog@gmail.com