Sa layuning magpakalat ang wikang Filipino bilang paraan ng epektibong pagtuturo, ginanap nitong ika 17 ng Abril 2024 sa learning commons e sagot hall ng Philippine Normal University ang lektura at paglulunsad ng modyul sa pagtuturo ng Filipino bilang pangalawang wika.
pinangunahan ng komisyon sa wikang Filipino, ang programa at binuksan ni kgg. Bert j Tugs PhD ang Pangulo ng PNU kasunod ang mga mensahe Nina Kgg. Arthur P Casanova PhD na tagapangulo ng KWF at Kgg Carmelita C Abdurahman Edad na komisyoner ng KWF.
kasabay ng pagdiriwang nga pambansang buwan ng panitikan, kasunod nito ang mga tagapagsalita sina Sheilee b Vega PhD., puno ng sangay ng lektograpiya at korpus ng Pilipinas.
ang wastong pagtuturo ng wika susi sa pagyaman ng diwa na inihatid ni Purification g. Delima PhD.,pagkaraan ng malayang talakayan at paghahatid ng natatanging bilang na isang tula buhat kay Renzy Miguel Gonzales, isang mag-aaral ng PNU na pinamagatang Talas ng yamang wika.
interkultural na lapit sa pagtuturo ng Filipino bilang pangalawang wika sa mga di Tagalog na ihayag ni Wennielyn F Dahilan PhD., pagkatapos muli ng isang malayang talakayan at pormal na paglulunsad ng aklat.
abakada ng pagiging guro, isang awit mula kina Paul Vincent Montilla at AC Perez ng MAMULAT mga mag aaral ng PNU., isa pang mensahe buhat kay Atty Marites a Barrios-Taran na Direktor IV ng KWF at ang pangwakas na mensahe ni Joel c Malabanan PhD., puno ng PNU Language study center.///Michael Balaguer,09262261791, diaryongtagalog@gmail.com
-30-
ginaganap ngayong ika 17 ng Abril ang gabi ng parangal 2024 ng komisyon sa wikang Filipino at binuksan ang palatuntunan sa isang panalangin mula kay Jose evie c duclay PhD na isang linguistics specialist ng SIP kasunod ang pambungad na panalalita mula kay komisyoner Benjamin mendillo JR PhD na siyang komisyoner sa pangangasiwa at pananalapi.
si tagapangulo Arthur P Casanova ay nagbigay ng kanyang mensahe kasunod ang kay Kgg Pilar Juliana PIA s Cayetano na isang senador ng bansa kung saan ay nagbigay ng kanyang susing pananalita.
inihayag ang rasyonal ng parangal ng komisyon ni atty Maritess a Barrios taran ang direktor heneral ng KWF at sinundan ng paggawad ng sertipiko sa mga tagapanayam ni Jomar i canega ang chief language researcher / puno ng sangay ng impormasyon at publikasyon.
nagkaloob ng kayang natatanging bilang ang PNU kislap sining dance troupe. Ang mga binigyan ng parangal ay sina Shaquille y del Guzman “isang puso ng pagganyak” na nakamit ng unang gantimpala kasunod ay ang “pagsusumikap ni Rizal para sa kalayaan” ni Rommel l agravante na nagkamit ng ikalawang gantimpala at ivette s apurado sa kanyang “kapayapaan para sa mga Pilipino” na nagkamit ng ikatlong gantimpala at ang tatlong ito ay nagwagi sa timpalak sa tulang senyas 2024.
samantala binigyang parangal naman sa bahagi ng talaang gintong makata ng taon 2024 na sina : Adrian Pete m pregonir sa kanyang ” sa muhon ng inyong kabaong maibaon ang mga guho ng kahapon” na tinanghal na makata ng taon 2024, Si Rommel s ulang sa kanyang ” at pagkatapos magpapatuloy pa rin akong maglakad” na nagkamit ng ikalawang gantimpala.
si Allan John a Andres sa kanyang “makikiraan lang ang lahat sa Novaliches” na nagwagi ng ikatlong gantimpala at Andre Alfonso r Gutierrez sa kanyang “propesiya sa pagitan ng mga taludtod na nagwagi rin ng ikatlong gantimpala.
Pagkaraan ng natatanging bilang muli ay muling nagkaloob ng parangal , ang gawad dangal ng panitikan 2024 sina Frank g Rivera at jimmuel c naval at ang pangwakas na pananalita naman ay inihatid ni komisyoner Carmelita C Abdurahman EdD na siyang komisyoner sa programa at proyekto.
ang pagpapahalaga sa panitikan at wika ay siyang nagiging identity ng Filipino sa mundo at sumisimbulo ng ating pagkabanas.///Michael Balaguer, 09262261691, diaryongtagalog@gmail.com