
SOMAGO the third force in Philippine’s online shopping options
ANG relasyon ng mga bansang Pilipinas at China ay lubhang matagal na at hindi maitatatwang sa bawat isang Pilipino ay may dugong tsino kaya nga nitong nakaraang September 8, 2022 ang lalawigan ng Fujian at ang Pilipinas ay nagkaroon ng pagtutulungan ukol sa Digital Economy Summit Forum kung saana ng mga negosyanteng tsino ay makikipagtulungan sa mga negosyanteng kapwa Filipino-Chinese at pinoy ay magtutulungan ukol sa digital economy.
Ang mga negosyante o entreprenyur ng parehong bansa ay kapwa naroon upang maglahad ng kani kanilang mga panukala at karanasan sa digital economy at kung paano ito makatutulong sa paglago ng ekonomiya ng kani-kanilang bansa kasabay nan g pagkakaroon ng malalim na relasyong pangkalakalan.
Kasama rin ang paglagda ng mga kasunduan upang selyuhan ang kanilang mga pagtutulungan kabilang sa mga dumalo ay sina Raul L. Lambino ang tagapangulo ng Association for Philippine China Understanding (APCU), Mr. Rudolph Velasco ang DTI OIC Chief Marketing Innovation Division, Mr. Anthony Chan ang Board of Director at Auditor ng Federation of Filipino Chinese Chambers of Commerce and Industry. Zhu Min ng Embassy of the People’s Republic of China in the Philippines, Lin Weizhao ang Chairman of shenzhou Investment Co. ltd., Zhou Ting, CEO ng SOMAGOOnline Shopping platform, Lulu Maniguet-Cacciatore ang Grab Ph Regional Key Account manager at Emmy Arceo ang First Vice President ng Security Bank.
Ang pagtutulungan ng mga bansa lalo sa bahaging pang ekonomiko at kalakalan ay mahalaga sa pag unlad ng rehiyon (Asia0 at ng bung mundo at sama-samang pag unlad ng sangkatauhan, sa kabila ng mga tensyon pulitikal sa pagitan ng mga mayayaman at malalakas na bansa sa kanluran na nakikihati sa mayamang likas na kayamanan ng Asya tama na kapwa mga asyano ang magsa sama sama at magtutulungan para sa interes ng buong asya at ang pilipinas, China at iba pang kabilang sa mga bansang asyano ay maituturing na isang pamilya sa ilaim ng isang bahay
Ang teknolohiya ng Artificial Intelligence, Block Chain, Crypto Currency, digital banking ant internet of things n akabilang sa Fourth Industrial revolution ay nararamdaman na sa buong Asya sa pangunguna ng China.
Mula sa detalye at imbitasyong buhat sa Embassy of the People’s Republic of China in the Philippines sa pamamagitan ni Mr. Michael Li (Li Depang).///Michael Balaguer, 09262261791, michaelbalaguer@yahoo.co.uk and konekted@diaryongtagalog.net