Isang matahimik at mapayapang lugar muli ang Lalawigan ng Sulu at dahan-dahan ng nakikilala at nakikita lalo ng mga turista ang kagandahan nito kaya nga nagulat ang lahat ng binasag ang kapayapaan ng nangyaring bakbakan sa pagitan ng mga pulis at grupo ng Moro National Liberation Front (MNLF) sa pangunguna ng kanilang kumander na si Dating Maimbung Vice Mayor Pando Mudjasan. Makikita sa opisyal na social media account ng lalawigan ang pagbisita ng kasalukuyang Punong Lalawigan (Governor Abdusakur Tan) sa pinangyarihan ng insident,
Ayon sa ulat, nagtungo sa lugar ang lokal na kapulisan upang ihain ang warrant sa dating bise alkalde dahil sa ilegal possession of firearms at iba pang kaso ngunit lumaban ang grupo ni Mudjasan kaya nagkaroon ng bakbakan. Pahayag naman ng kampo ng huli, may kasunduan ang MNLF at GRP na existing kaya karapatan pa rin nilang magdala ng armas at wala silang nilabag na batas. Nagkaroon ng casualties sa magkabilang panig at ayon sa source ng pahayagang ito ay may ipinadalang liham si Mudjasan sa pamahalaang nasyunal partikular kay Pangulong Ferdinand Marcos Jr sa pamamagitan ni DILG Secretary Benhur Abalos.
Nakasaad ang kanyang mga alegasyon sa kung ano ang tunay na naganap bago mangyari ang bakbakan samantala gumawa ng paraan ang pahayagang ito na makuha ang panig ni Gov. Abdusakur Tan tungkol sa mga alegasyon ni Mudjasan kahit sa pamamagitan ng text message.
Kaugnay nito ay may video interview rin ang dating bise alkalde ng Maimbung na naka post sa www.dzmjonline.net . Nabatid na ilang pulitiko mula sa loob at labas ng Sulu na ayaw magpabanggit ng pangalan ang nakiki simpatya kay Mudjasan sa kabila ng hindi naman nila pinamamalian ang panig ng gobernador.///Michael Balaguer, +639262261791, michaelbalaguer@yahoo.co.uk at konekted@diaryongtagalog.net