PITONG KAWANI NG FSL YUNIT NG KWF TINANGGAL
NANLULUMO ang pitong kawani ng Komisyon Sa Wikang Filipino (KWF) na nabibilang sa kanilang Filipino Sign Language (FSL) yunit dahil sa kanilang pagkakatanggal sa trabaho diumano na wala katanggap-tanggap na dahilan.
Ayon sa ulat dalawa sa mga tinanggal na job order na mga kawani ay kabilang sa mga namamahala sa pagpapayabong ng Filipino Sign Language (Republic Act No. 11106 o ang Filipino Sign Language Law). Tinggal ang mga kawani batay sa KWF board Resolution nitong May 13 2024.
Nabatid na nilabag ng walong komisyuner ang direktiba ng Pangulo na wala diumanong tatanggalin na Job order na Kawani sa mga sangay ng pamahalaan bagkus ay nararapat na palawigin na lamang ang kanilang kontrata.
Napag alaman na sa KWF Board resolution nakasaad na ang pagkakatanggal sa pito ay dahil sa “Conduct Prejudicial to the best Interest of KWF” na nagmula umano sa pagkakasampa ng kasong criminal sa tanggapan ng Ombudsman laban sa nakaupong Tagapangulo na si Dr. Arthur Casanova dahil umano sa hindi maipaliwanag na pagkawala ng Php. 1.8 Milyon sa huling tatlong buwan ng 2023.
Ang reklamo ng mga kawani ay naisampa Pebrero ng 2024 dahil hindi na umano sila pinasasahod na pinasweldo lamang sila batay s autos ng Regional Trial Court ng lungsod ng Maynila. Hanggang Hunyo 30 2024 na lamang mananaliti sa trabaho ang pito. Samantalang sinikap na kunin ang panig ng mga komisyuner ng KWF pati si Tagapangulong Casanova ngunit hindi sila nagpa unlak. Sakaling ibigay nila ang kanilang panig ukol sa alegasyon ay ilalathala rin naming sa pahayagang ito. Larawan buhat sa KWF///Michael Balaguer, 09262261791, diaryongtagalog@gmail.com
-30-
KILOS PROTESTA AKSYON NA NAA AYON SA BATAS
PHILIPPINE Federation of the Deaf ang nanguna sa mapayapang pagkilos kontra sa pagkakatanggal ng pitong kawani ng Filipino Sign Language (FSL) Yunit ng Komisyon sa Wikang Filipino (KWF) kahapon ng umaga May 31 2024 sa Liwasang Bonifacio Lungsod ng Maynila.
Mga organisasyon ng mga kababayan nating Deaf, mga sumusuporta sa adbokasiya at ilan ring mga kawani ng Komisyon pati ang mga mamamahayag na nagkober sa nasabing mapayapang pagkilos ang nakibahagi upang maihinga ang kanilang saloobin ukol sa nasabing kaganapan.
Ang makabasag tengang pagkilos ay paraan ng mga Deaf at organisasyon ng mga tagasuporta upang tutulan ang anila ay hindi makatwirang pagtanggal sa piton a dahil lamang iginiit ang kanilang karapatang sumweldo at mabayaran ang kanilang pagpupunyagi.
Ang karapatang mag sagawa ng mapayapang pagkilos ay naa ayon sa batas particular sa Saligang batas Article 3 Bill of Rights Section 4: No Law shall be passed abridging the right of the people peaceably to assemble and petition the government for redress of grievances.
Ang sinapit ng pitong mga kawani ng KWF ay isang lehitimong pakikibaka dahil sila ay na agrabyado at kanilang ipina aalam sa kinaukulan ang kanilang sitwasyon at pangangailangn ng hustisya. Muli na naman po naming kinuha ang panig ng mga taong inirereklamo ng mga nagsagawa ng nasabing mapayapang pagkilos ngunit hanggang sa kasalukuyan ay wala silang tugon. ang larawan ay buhat kay Shaine Pe///Michael Balaguer, 09262261791, diaryongtagalog@gmail.com
-30-
WIKA NG SENYAS ISA RING WIKANG FILIPINO
SA matagal na panahon, ang ginagamit nating mga Pilipino ay batay sa wikang senyas na buhat sa Estados Unodos dahil ang kanila ay matagal ng establisado at dinadala ng mga Amerikanong organitsasyon ng mga Deaf sa ibat-ibang bahagi ng mundo.
Ayon sa talaan ng Philippine Statistics Authority, ang bilang ng mga Pilipinong Deaf ay umaabot sa 1,784,690 na indibidwal nuong 2020 at ayon pa sa PSA mas may mga tamang detalye ang KWFdahil ang Filipino Sign Language ay isa sa mga wika ng Pilipinas.
Sa kabila ng maraming gumagamit ng FSL mula sa ibat ibang organisasyon ng mga deaf sa bansa gayundin ang mga nakaririnig na kaagapay ng mga deaf hindi pa rin nawawala ang diskriminasyon at pagmamaliit sa sektor na ito na isang produktibong bahagi ng lipunan.
Dahil nga ang batas na likha sa Filipino Sign Language (Republic Act No 11106) na isang hiwalay na batas ngunit napapaloob sa RA 7104 o ang batas na lumilikha sa komisyon sa wikang Filipino na ang ibig ipakahulugan ay ang wikang senyas ay isang lehitimong wika at bahagi ng mga wika sa bansa.
Samantala, ang diskriminasyong tinutukoy ng mga deaf ay ang pagkakatanggal ng 7 kawani ng KWF na namamahala sa FSL, ang mga ito ay dalubhasa sa kanilang larangan ay layon na maituro ang wikang senyas sa mga malalayong pook ng bansa.///Michael Balaguer, 09262261791, diaryongtagalog@gmail.com
-30-