PULITIKONG EPAL SA BUSINESS PERMITS MAY KALALAGYAN

NAKABUYANGYANG at naglalakihang mga larawan at pangalan ng mga pulitiko sa business permits at mga dokumento ng gobyerno ang sa twina ay nakikita ng taumbayan na tila nagpapahiwatig na may utang ang bayan sa mga ito para sa dekalidad na serbisyo publiko na sa totoo lang ay sila man ay kawani ring pinasasahod sa pera ng bayan.

Ito ang mahigpit na paalala ni Anti-Red Tape Authority (ARTA) Director General Jeremiah Belgica sa mga opisyal ng gobyerno lalo ngayon na nalalapit na ang panahon ng eleksyon ay nagsisimula ng lumabas ang maraming epal na mga pulitiko.

“Refrain from putting your names and faces on government documents, with the election season nearing, mahigpit po nating pinaaalahanan ang ating kapwa kawani ng gobyerno, na tigilan na ang paglalagay ng mukha at pangalan nila sa mga government funded projects including documents and issuances, tayo po ay PINAPASWELDO ng TAUMBAYAN, hindi po nila UTANG na loob sa atin ang de kalidad na serbisyo publiko, don’t self-promote,” ayon kay Belgica  

Ayon sa hepe ng ARTA Chief marami silang natatanggap na mga reklamo kaugnay sa mga pulitikong nag iimprenta ng kanilang mga mukha at pangalan sa mga pampublikong dokumento gaya ng mga permits and licenses. 

Dagdag pa ng ARTA DG, matagal ng inaabuso ng mga pulitiko ang ganitong mga kaparaanan kung saan ang ulo ng ahensya o pamahalaang lokal ay naglalagay ng kanyang larawan sa mga pampblikong dokmento bilang hindi tuwirang pagpapakilala o patalastas o epal na may layuning palabasin na may utang na loob sa kanila ang taumbayan. Pahayag pa ni Belgica “These pictures of politicians on permits and licenses affect the cost of printing that the applicants are shouldering,”  

Iginiit ni Belgica na ang nasabing paraan ay ipinagbabawal at nakatadhana  sa Anti-Epal provision o General Provision No. 82 ng adopted 2021 National Budget. Sa ilalim ng nasabing Anti-Epal provision, ang mga opisyales ng gobyerno maging halal o itinalaga lamang ay pinagbabawalan na i-promote ang sarili sa pamamagitan ng paglalagay ng litrato o pangalan sa mga programa, projekto at iba pang inisyatibong pinondohan ng gobyerno sa pamamagitan ng General Appropriations Act.

May mandato ang ARTA na bantayan ang compliance ng mga ahensya sa umiiral an R.A. 11032 or the Ease of Doing Business and Efficient Government Service Delivery Act of 2018, kng saan kabilang ang  checking ng Citizen’s Charters ng mga ahensya at iba pang government collaterals gaya ng permits, licenses, at iba pang mga issuances.

Samantala patuloy ang ARTA na nagsasagawa ng mga biglaang inspeksyon sa mga ahensya ng gobyerno upang matiyak na sila ay nagkakaloob ng mga serbisyong alinsudod sa itinatadhana ng batas Hinihikayat ng hepe ng ARTAang publiko na magbigay ng mga larawan at bidyo ng mga pangit na serbisyo ng mga ahensya ng gobyerno o mga paglabag sa citizen’s charter. Maaring gamitin ng mga mamamayan ang #iARTAnaYan o mag email sa complaints@arta.gov.ph para makapag sumbong sa ARTA. Detalye mla kay Ms. Althea Abesamis ng ARTA March 15 2021 ///Michael Balaguer, 09333816694, konekted@diaryongtagalog.net