RE ORGANISADONG KING SOLOMON UNITED TRIBAL REPUBLIC TRUST NAGSAGAWA NG UNANG PANGKALAHATANG PAGPUPULONG

KING SOLOMON UNITED TRIBAL REPUBLIC TRUST GENERAL ASSEMBLY 2023

NAKAPANAYAM ng DZMJ Online ang King Solomon United Tribal Republic Trust sa pangnunguna ng kanilang Pangulo at Chief Executive Officer na si Ginoong Edmundo Pardo Rubi kasunod ay ang Executive Director nitong si Ginang Marilyn Lagarde kung saan nagkita kita ang mga miyembro ng samahan sa Tanghalang F.A.Vierneza, Pacita Complex, San Pedro Laguna nitong sabado January 7, 2023.

Ang kanilang mga miyembro buhat sa National Capital Region, Southern Tagalog at gitnang Luzon ang nagsidalo at may mga mahalagang bisita rin na naroon at nakibahagi upang magbigay suporta sa samahan kabilang sina Capt. Joseph Aganon, Mr. Jae Con Lee at Dr. Bert Hashimoto.

Pagkatapos ng kanilang re organisasyon inaasahang maisasakatuparan na si Ginoong Rubi ang kanyang mga programa at plano para sa samahan at sa bansa na kanya namang nai detalye sa kanyang pagtalakay kaharap ang mga kasama. Kanya ring ipinaliwanag ang naging sitwasyon ng kanilang samahan kaya ito ni re organisa dahil sa samut saring suliranin na naganap habang naroon siya sa ibayong dagat at iba ang humahawak ng samahan sa bansa.

Kasama na rito ang kanyang naging paglaban sa pulitika at ang pandaigdigang suliranin ng pandemya samantala nagbigay ng kanyang presentasyon si Arch. Fe Sapinit, PhD. kung saan kanyang tinalakay ang Leadership in the view of the richest and the wisest. Naroon at nakibahagi si Dr. Bert Hashimoto ng Dreamscape Holdings at tumatayong saksi sa kredibilidad ng samahan ay si Ginoong Jae Gon Lee na mula sa South Korea at kapwa naniniwala kina Mr. Rubi and Dr. Hashimoto.

///michael balaguer, 09333816694, konekted@diaryongtagalog.net ,at michaelbalaguer@yahoo.co.uk