Suliranin sa sektor agrikultural kaya kayang solusyunan ng AI?

Napaka promising ng AI technology na nakikita nating ginagami na sa ibayong dagat lalo sa sektor ng agrikultura, ang mga computer aided agricultural machineries na gawa ng mga hapones at tsino na ibinabahagi sa ating mga magsasaka sa pamamagitan ng kagawaran ng agrikultura at kagawaran ng agham at teknolohiya.

Malalaking lupain na nagtatanim ng mga mono crop gaya ng bigar, mais, tubo ang makikitang ginagamitan ng mga transplanter harvester tractors na umaabot lamang ng ilang oras ay nakapag aani na at nakapag tatanim at minamaneho lamang ng iilang tao, marami na ang dalawa malki na ang kita ng mgasasaka ay bawas pa ng taong pasasahurin.

Habang sa paghahayupan ay ang tecknolohiya ng controlled temperature sa mga malalaking kulungan ng manok upang mag yield ang mga ito ng de kalidad na karne at itlog gayun din sa baka sa kanilang gatas, meat at dairy products. May teknolohiya rin na may kinalaman sa AI at internet of things sa mga small ruminants o mga kambing at tupa ayon sa Philippine Council for Agriculture Aquatic and natural Resources research and development (DOST-PCAARRD).

Ang hamon, iilan lamang ang mga pribadong malalaking lupa sa bansa, ang iba ay Ancestral Domain pa at dahil tayo ay kapuluan kakailangan nin ng efficient transport system mula sa isang isla papuntang kabilang isla. Isa pang hamon ay ang mga nagmamay ari ng maliliit na lupa na kadalasan ay nagsasama sama sa isang kooperatiba, mga may edad na ay ayon sa datos ay nasa 57 pataas ang edad, Isa pang hamon ay ang pagtuturo ng agrikultura sa bansa ay hindi ginagawang interesante para sa makabagong henerasyon kaya umiiba sila ng linya at napapabayaan ang bukid.

Isa pang pinaka importanteng hamon sa AI at Internet of things dito sa bansa ay ang maayos at mabilis na internet infrastructure at halaga ng kuryente na lubhang napaka taas. Ang nasabing mga suriranin ay karaniwang naitatanong na lalo kung ang pag uusapan ay ang food security ng bansa, sa kabutihang palad ang nasabing mga hamon ay maaring masolusyunan ng Makabagong Teknolohiya lalo ng Artificial Intelligence at ng Internet of Things.

Magawa lamang ng mga unibersidad at educational institutions na maging kaiga-igaya ang agrikultura sa henerasyon ngayon na siyang bihasa sa paggamit ng mga internet-based applications na may AI inclusion tunay namagiging progresiba ang akrikultura, sa pamamagitan ng mga maliliit na transplanter harvester na sumasama sa mga kalabaw at ang mga bagong pormulasyon ng mga fertilizers na ginagamitan ng drone technology sa pag apply tiyak na maraming magkaka interes magtanim at mag alaga ng hayop, samahan pa ng mga tecknolohiyang gumagamit ng controlled environment gaya ng Hydroponics (tubig lang ang ginagamit at walang lupa), Aquaponics (tubig langa ng ginagami at walang lupa ngunit may pinalalaking mga isda) at Aeronics (walang tubig at lupa tanging mist lamang sa hangin ang bumubuhay sa halaman).

At sa ginanap na Pulong Balitaan na ginanap sa punong tanggapan ng Department of trade and Industry (DTI) sa Makati na pinangunahan ng punong abala ng darating na AIASIA EXPO at industrial Digital Transformation Congress na si Ms. Catherine Ho ng LOD Events.

Si DTI Usec. Rafaelita W. Aldaba PhD. na siyang nagbigay liwanag at tugon sa katanungan. kabilang rin sa nasa presidential table ng nasabing pulong balitaan ay sina Mr. Jeffrey Leung Director ng LOD Events, M. Colin Koh, Senior Manager, Business Development sales and Marketing Department ng Singapore Industrial Automation Association, Ms. Lilian G. Salonga, Director DTI Competitiveness Bureau at Mr. Merrick Chua ang Corporate Secretary ng Information Technology Association of the Philippines. ///Michael Balaguer, 09262261791, michaelbalaguer@yahoo.co.uk at konekted@diaryongtagalog.net