DILG USec Dino at DAR Sec Castricciones ng MRRD suportado ang PFP
Suportado ng dalawa sa kilalang kaalyado nang Pangulong Rodrigo Roa Duterte ang ginanap na oath taking ng Partido Federal ng Pilipinas o PFP. Ginanap sa City Hall nang lungsod ng Caloocan sa pangunguna ng Mayor Rodrigo Roa Duterte National Executive Coordinating Committee o MRRD NECC sa National Capital Region ang nasabing okasyon na dinaluhan ng mga lider ng movement sa buong labing pitong lungsod ng Kamaynilaan.
Mga miyembro ng MRRD NECC buhat sa Caloocan City, Las Pinas City, Makati City, Malabon City, Mandaluyong City, City of Manila, Marikina City, Muntinlupa City, Navotas City, Paranaque City, Pasay City, Pasig City, Municipality of Pateros, Quezon City, San Juan City, Valenzuela City at Taguig City at kanilang mga representante sa pangunguna ni NCR Officer In Charge Bobby Diesta ng Caloocan City ang bukas palad na tumanggap sa grupong nagpanalo sa kandidatura nang Pangulong Rodrigo Roa Duterte sa todong pag suporta naman nang pamunuan nang Lungsod ng Caloocan sa pangunguna ni Mayor Oscar “Oca’ Malapitan.
Ayon sa panayam ng www.dzmjonline.net kay DILG USec for Barangay Affairs Martin Dino (http://www.dzmjonline.net/uncategorized/mrrd-necc-with-dilg-and-dar-supports-pfp/)ang MRRD ay mananatiling isang movement na susuporta sa mga programa ng Pangulo na kontra Kriminalidad, Kontra Iligal na Droga at Kontra Korapsyon ayon naman kay DAR Sec. John Castricciones, ang Partido Federal ng Pilipinas ay ang isang partidong tinatag na nagsusulong ng Pederalismo na may mga tao na mula sa level ng barangay, munisipyo, lungsod at lalawigan sa buong bansa at ngayon ngang September 13 taong kasalukuyan ay didinigin sa Commission on Elections kung maa aprubahan na bilang isang lehitimong partido pulitikal.///Michael Balaguer, 09333816694, michaelbalaguer@diaryongtagalog.net
nasa larawan ang nangikil na taga right of way section ng Calocan Engineering office na si Edgardo Alvarez
NAPURNADANG KIKIL
NAPURNADA at hindi nagtagumpay ang tinangkang pangingikil ng “sinasabing” tauhan ng demolition team at ilang kasama nito sa ilalim ng City Engineering Department ng Caloocan City Hall na pinangungunahan ni Architect Numeriano A. Baler, Officer In Charge ng City Engineer’s Office, Caloocan City.
Nabatid na nitong September 6, 2018 sa ipinare renovate na bahay ni Mrs Mary Jane Balaguer (Proprietor at Website Administrator ng www.dzmjonline.net at dating Broadcaster sa DZRJ 810 AM) nananahimik ang kanyang pamilya at inaalagaan ang 99 taong gulang na lola na si Gng. Marcela Enriquez, isang biyuda ng World War II Veteran sa kanilang bahay #131 Kabulusan 2 Caloocan City na tanging iilan na lamang sa mga BINABAHAng kabahayan na umaabot hanggang tuhod sa loob ng bahay tuwing umuulan sa Barangay 20, tumigil at SINADYAng sitahin sa dami ng kanilang mga dinaanang “na super imposing ang overlay” na pawing bulag sila at nag focus na magtreath and intimidation dahil may on going na pinataas ang bahay. Kahit wala namang road obstruction at wala naman enroachment dahil bahagi ito ng kanilang property na fully paid na sa NHA at kasalukuyang ipino proseso.
Ang “sinasabing “opisyal na inirereklamo sa kanyang magaspang na pananalita ay si Edgardo Alvarez, Head ng Right of Way Section, bahagi ng Office of the City Engineer. Ayon kay Mrs Balaguer, kung ano anong papeles ang hiningi sa kanya ni Alvarez, may pasukat sukat pa ang grupo nito sa tapat ng kanilang bahay at sa gilid lalo at dalawang metro ang layo ng kanilang bahay sa peripheral canal tabi nang kahabaan ng Talakitok Street. Ayon sa sumulat ng balitang ito, dapat ay sila Mrs Balaguer pa ang bayaran ng gobyerno o ng NHA kung “totoo” nga na magro road widening dahil boluntaryo nilang binawasan ang sukat ng kanilang bahay upang mag give way sa gagawin “manong” alternative route ng ginagawang Harbor link ng NLEX sa C3 road. Bagamat isang kagawaran lamang ay iba ang mga tauhan ng building official at sa permits ang lisencing kaya nagtataka sina Mrs Balaguer kung bakit pinakialaman ni Alvarez at I “SINGLE OUT” ang property nina Mrs. Balaguer sa dami ng mga nakahambalang na istruktura na halos nakatayo na sa ibabaw ng kanal.
Nang tanungin nan i Mrs. Balaguer kung ano ang batayan ni Alvarez sa pagsita sa kanilang ipinare renovate na bahay na ITINAAS lamang dahil laging BINABAHA ay wala itong maipakitang dokumento at sa pagpapatuloy ng pagusisa ng Brodkaster ay napikon ito at nag walk out sabay sabing pilosopo ang babae sabay isyu din ng Encroachment notice ang MAYABANG na umano ay opisyal na may PAGBABANTA na pagbalik nila sa September 13, 2018 ay GIGIBAIN nila ang property nina Mrs. Balaguer.
Nang mabanggit ng sumulat ng balitang ito na isasangguni nila sa City Engineer na si Architect Numeriano Baler at Mayor Oscar Oca Malapitan ang sitwasyon, ang MAYABANG na sagot ni Alvarez ay puntahan daw sa kanyang opisina ang Memo at WALANG MAGAGAWA at INUTIL sina City Engineer at si Mayor Malapitan. Bagaman hindi tiyak ni Alvarez at mga kasama nito kung sino ang nagmarka ng hangganan mula sa kanal ay nag assume na lang ito at nag name drop na DPWH ang naglagay nito, ginagamit din niya ang MMDA na makikita sa encroachment notice na inisyu nya kina Mrs. Balaguer kung saan batay sa nilalaman nito ay hindi naman aplikable.
Pagkaraan ng pagwo walk out nina Alvarez at mga kasama, ayon sa mga mapagkakatiwalaang sources sa paligid ay NAPURNADA lamang ang gagawin sanang PAGDIDILHENSYA ng mga ito at sinasabing MATAGAL na nila itong MODUS OPERANDI.
Ang tangkang pangingikil ay nangyari isang araw bago maganap ang General assembly at Oath Taking ng MRRD NECC para sa PFP sa City hall ng Caloocan kung san imbitado ni DILG USec Martin Dino si Mrs Balaguer ng www.dzmjonline.net para personal na mag interview sa kanya.
Nakatakdang magsumite ng reklamo sa tanggapan ni Mayor Oscar “Oca” Malapitan ng City Engineer Architect Numeriano Baler ang sumulat ng balitang ito at si Mrs Balaguer na may kaukulang kopya ang National Housing Authority, Department of Public Works and Highways at Metro Manila Development Authority dahil kabilang ito sa mga isinasangkalan ni Alvarez sa kanyang NAPURNADANG KIKIL.///Michael N. Balaguer,09333816694,michaelbalaguer@diaryongtagalog.net