
Community of Compassion from the Triumvirate of Goodness
Inklusibong Pabahay at Hanapbuhay para sa mga biktima ng sakuna ang humigit kumulang na buod ng panayam ng DZMJ ONLINE MAKABULUHANG JORNALISMO YOUR HAPPINESS CHANNEL kay His Excellency Ambassador Dr. Gion V. Gounet, ELLD, DD,H.HUM. DPS, Ambassador At Large Extraordinary of the International Commission of Diplomatic Relations Human Rights and Peace.
Pagkatapos ng mga nagdaang sunud-sunod na mga malalakas na bagyo, baha, pag guho ng lupa at mga daluyong sa mga baybaying dagat ng ating kapuluan laging may mga suliraning paulit ulit na lamang nangyayari, marahil dahilan ito sa lokasyon ng ating bansa na malimit dalawin ng humigit sa 20 bagyo taun taon na nag iiwan ng delubyo at kamatayan sa tao at kabuhayan lalo na sa mga winasak na tahanan..
Ang mga ganitong kaganapan ang nagbunsod sa mga kinaukulan sa pribadong sektor na tumulong bigyan ng kalutasan ang suliraning ito kaya nagtulong tulong ang United Nations, 7th Day Adventist Church at ang Philippine Airlines para sa isang inklusibong programang pabahay at kabuhayan para sa mga nabiktima ng bago.
Partikular sa mga isla ng Surigao, Siargao at Dinagat Island na mas malala ang sitwasyon ng bhay pagkaraan ng bagyo, marahil dahil sa nasa mga isla sila at ang mga kabahayan ay gawa sa kawayan at sawali na kadalasan ay hindi kayang salagan ang hampas ng malakas na hangin , ulan o daluyong..
Sa pagkakataong ito ay nilikha ang isang programang pabahay na may sangkap na paglikha ng hanapbuhay. ang mga kabahayang na yari sa simento, bakal, kahoy at salamin na may sukat na 60 hanggang 75 square meter ay maaring matatagan ang mga hampas ng bagyo sa hinaharap at maiwasan ang pagkamatay at pagkasira ng ari-arian.
Ang nasabing mga bahay ay ipagkakaloob ng libre at walang pulitika, kaakibat ang mga programang pangkabuhayan na ituturo sa mga residenteng abot sa 300 na mga pamilya, ang mga proyekto ay naka linya sa sinasaad ng SDG’g o the Sustainable Development Goals.
Manggagaling ang pondo sa PAL Mabuhay Miles, pangungunahan ni H. E. Ambassador Gion Gounet ang U.N at dahil ang inisyatibo ay mula sa pribadong sektor ito ay walang pinapanigan o kinikilingan at inilalaan para sa lahat ng biktima para sa kanilang kapakanan..///Michael balaguer, 09333816694, michaelbalaguer@yahoo.co.uk at konekted@diaryongtagalog.net