



upang Talakayin ang Papel ng Edukasyong Pangkapayapaan
Ika-24 ng Enero—Mahigit 2,400 katao mula sa 70 bansa, kabilang ang Pilipinas, U.S.A, Germany, South Africa, China, at South Korea, ang sumali sa online interkontinental na pagtitipon para sa kapayapaan upang talakayin ang papel na ginagampanan ng edukasyong kapayapaan.
Ang pagtitipon ay inorganisa ng isang internasyunal na pangkapayapaang NGO mula sa Korea, Heavenly Culture, World Peace, Restoration of Light (HWPL), sa ilalim ng UN DGC at UN ECOSOC bilang pagdiriwang ng ika-7 Anibersaryo ng HWPL Araw ng Kapayapaan sa ika-24 ng Enero.
Ang HWPL Araw ng Kapayapaan na dineklara ng Probinsya ng Maguindanao sa Pilipinas ay ginugunita taun-taon mula nang nilagdaan ang Mindanao Peace Agreement ng mga pinuno mula sa lokal na pamahalaan at lipunang pambayan noong ika-24 ng Enero, 2014.
Ipinangalan ang Araw ng Kapayapaan sa HWPL buhat ng kasunduang iminungkahi ni Chairman Man Hee Lee ng HWPL, na kilala bilang isang Koreanong beterano ng digmaan, upang madaig ang 50 taon ng hidwaan na nagresulta sa humigit-kumulang 120,000 biktima sa rehiyon.
Sa temang, “Ang Papel ng Edukasyong Pangkapayapaan sa Pagtataguyod ng Mapayapang Mundo”, ang pagdiriwang sa taong ito ay naglalayong magpalawig ng kamalayang pangkapayapaan sa buong mundo at magtatag ng pandaigdigang plataporma para sa edukasyong pangkapayapaan sa sisteman ng edukasyon ng bawat bansa.
Bago ang mensahe ng pagbati mula sa mga pinuno ng lipunan, edukasyon, relihiyon, at pulitika kabilang ang Pangulo ng Hukuman ng Apelasyon ng Cairo, Dating Pangulo ng UN Human Rights Council, Dating Adviser ng Kagawaran ng Edukasyon ng Guatemala, at Archbishop Emeritus ng Davao Archdiocese sa Pilipinas, ibinahagi ni HWPL Chairman Man Hee Lee ang kanyang mensahe.
“Ngayon, ang Mindanao ay hindi na isang lugar ng hidwaan; bagkus, ito ay naging huwaran ng kapayapaan kung saan ang mundo ay tumitingin. Noon, ginamit ng mga tao sa rehiyong ito ang mga baril laban sa isa’t isa—ngayon, nagbabahagi na sila ng pagkain habang nakaupo sa iisang mesa, sa kabila ng kanilang mga pagkakaiba sa relihiyon at ideolohiya. Ang mga estudyanteng minsang sinanay na pumatay ay natututuhan na ngayon ang mahalagang kahalagahan ng buhay at kapayapaan sa pamamagitan ng HWPL Peace Education,” sabi niya.
Tinalakay ni Dr. Ronald Adamat, Komisyonado ng Commission on Higher Education (CHED) na nagsikap na ipatupad ang HWPL Peace Education sa pamamagitan ng pagsasama-sama ng kapayapaan sa mas mataas na kurikulo sa edukasyon, ang kahalagahan ng HWPL Araw ng Kapayapaan at ang pag-unlad ng edukasyong pangkapayapaan sa Pilipinas.
“Makikipaglaban ang mga kabataan para sa kapayapaan ngunit hindi pa sapat ang mga kasanayan, pang-unawa, o oportunidad para sa mga usapang pangkapayapaan. Buong-puso kong sinusuportahan ang HWPL Peace Education. Itinataas nito ang kamalayan para sa ating mga kabataan na maging mga tagapamayapa—ang pagpapahalagang pinaka-kailangan ng mga kabataan. Ang mga lider sa hinaharap ay kailangang magbago para sa positibong pagbabago ng mundo. Kailangang maturuan ang ating mga kabataan kung paano ginagawa ang pagtataguyod ng kapayapaan. Sa pamamagitan ng edukasyon, ang pagtataguyod ng tunay na mapayapang mundo ay magkakaroon ng katuparan balang-araw.”
Ang HWPL Peace Education na binubuo ng 12 aralin ay naglalayong sanayin ang mga guro at mag-aaral sa kahalagahan ng kapayapaan sa pamamagitan ng pagpapalawig ng kamalayan tungkol sa kahalagahan ng kultura ng kapayapaan. Mula pa noong 2016, mahigit 200 institusyong pang-edukasyon sa 34 na bansa, kabilang na ang India, Israel, at Pilipinas, ay itinalaga bilang HWPL Peace Academies, at mga Kagawaran ng Edukasyon mula sa 9 na bansa para sa pagpapatupad ng edukasyong pangkapayapaan.
Ayon kay Ms. Firoza Muradi, isang guro mula sa Afghanistan, “Ang Mindanao Peace Agreement noong 2014 ay naging malaking huwaran para sa mga bansang tulad ng Afghanistan na dumaranas ng mga digmaan at labanan. Umaasa ako na ang himala ng kapayapaan sa Mindanao ay mangyayari din sa Afghanistan, at ito ay magsisimula sa edukasyong pangkapayapaan. Sa pamamagitan ng HWPL Peace Education, ang mga mag-aaral ay naghahanap ng mga sagot upang makamit ang kapayapaan sa iba’t ibang paraan, kabilang ang pakikipag-isa sa kalikasan, ang pagpapahalaga sa kooperasyon, at pagtatanggol sa kanilang mga karapatan. Naniniwala ako na lahat ng estudyante ko na tumatanggap ng edukasyong pangkapayapaan ay lalago upang maging mga mensahero ng kapayapaan.”
Sa pagdiriwang, ibinahagi ng isang opisyal ng HWPL ang mga plano para sa 2021 tulad ng Online Peace Educator Training Program, Peace Education Volunteering Program, at Online Youth Peace Love Exchange Project na karamihan ay dinisenyo bilang mga online na programa na angkop sa sitwasyon ng pandemya.
